Chapter 6 - First Fight!!

451 Words
Makalipas ang mga araw at buwan, naging maganda naman ang takbo ng relationship naming dalawa hanggang sa isang araw nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Damon dahilan para kami ay mag away ng matindi. “Bi, diba napag usapan na natin na hindi ka pwede mag inom dahil may exam ka bukas” paalala ko kay Damon. ‘Bi ngayon lang naman eh, sige na please payagan mo na ko’ paalam nito. “Ang kulit mo naman eh di nga kasi pwede, kung gusto mo after na lang ng final exam niyo tsaka ka sumama sa mga kaibigan mo at mag inom” katwiran ko. ‘Bi ngayon nga kasi nagaaya ang mga tropa tsaka ako lang yung kulang dun pag di ako nagpunta’ pangungulit nito. Hindi na ako nagreply sa kanya dahil alam kong kukulitin at kukulitin lang ako ni Damon. Sumapit ang alas-diyes ng gabi ay di pa din siya nagtetext sakin, nasanay kasi ako na bago siya matulog ay nagtetext siya sakin para lang mag GOOD NIGHT! Ngunit hanggang maghating gabi ay wala pa din akong natatanggap na mensahe. Sa pag aakala ko na nagrereview lang siya ay di ko na siya tinext para di maabala. Patulog na sana ko ng tumunog ang aking cellphone at daling tinignan ang cellphone. Nakita ko ang pangalan ng mommy ni Damon at binasa agad ang message nito. From : Mommy ni Damon -Anak Farrah, kasama mo pa ba si Damon? Anong oras na kasi pero wala pa siya dito sa bahay. Di ko kasi siya napansin na umalis-. “Naku tita di ko po siya kasama ngayon, baka po nagpunta sa inuman. Nagpapaalam kasi siya sakin kanina na gusto niyo pumunta dun kaso di ako pumayag. Di ko po alam na tutuloy pa din siya dun” reply ko sa mommy ni Damon. Nagalit at nainis ako kay Damon dahil sa nabasang mensahe mula sa mommy niya. Agad kong tinawagan si Damon para malaman kung nasan ito. Ngunit hindi ito sumasagot sa tawag ko. * * * 43 missed calls and 75 messages * * * ngunit ni isa jan ay walang man lang siya sinagot o reply. To : Bi Damon “Bi ano na? asan ka na ba?” “Diba nag usap na tayo, bakit tumuloy ka pa din?” “Sagutin mo naman yung mga tawag ko. Naiinis na ko sayo huh” “Umuwi ka na, hinahanap ka na ni tita”. Ilan lang yan sa mga messages na sinend ko kay Damon. Hanggang sa makatulog na ko ng may galit kay Damon. I turned my phone on a silent mode. Pag gising ko di ko muna hinawakan yung cellphone ko at naligo na lang para magbasta papasok sa trabaho. Lunch break sa work ng umuwi ako sa bahay para mag ayos naman ng sarili upang pumasok sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD