Chapter 5 - Commitment

510 Words
Sa umpisa syempre may mga adjustment dahil from being friends we become a couple. Pero hindi naman naging mahirap para saming dalawa yun dahil nandun kami lagi sa side ng bawat isa. After 1 week nagdecide si Damon na dalhin ako sa bahay nila para mapakilala sa family niya. ‘Bi, if its ok with you dadalhin sana kita sa bahay para mapakilala na kita kay mommy’ ani ni Damon. “Sure ka ba? Kinakabahan kasi ako sa sasabihin ng mommy mo” sagot ko na may halong pag aalala. ‘Don’t worry bi mabait si mommy and I know na magugustuhan ka niya’ sagot nito sakin sabay hawak sa kamay ko. “Sige bi, pero for now di pa kita kayang ipakilala kila nanay. Alam mo naman yung dahilan diba? I know na naiintindihan mo naman yung situation” ani ko. ‘I know bi, and im willing to wait until dumating yung time na maging ready ka na naiharap ako sa family mo’ tugon nito sakin. Di nga nagkamali si Damon sa sinabe niya sakin dahil totoong mabait at nagustuhan ako ng mommy niya. May times pa nga na mommy ni Damon ang nagrerequest na papuntahin ako sa bahay nila lalo na pag nagluluto ito ng masasarap na putahe. Naging maayos naman ang first month of being in a relationship. Nagcelebrate pa nga kaming dalawa ng 1st monthsary sa restaurant kung san kami lagi nagpupunta. Umabot ng 2nd monthsary bumili si Damon ng teddy bear for me as a surprise na nagustuhan at kinatuwa ko. 3rd monthsary, 4th monthsary, 5th monthsary, 6th monthsary and counting. Hindi pinapalampas ni Damon yung monthsary namin ng walang surprise or anything na paandar para sakin. Sobrang saya namin for being a couple. Nasanay na kami na kasama namin lagi ang isa’t isa. Naging komportable at kampante kami sa bawat isa. Until umabot na ang 1st anniversary namin. Sa tulong ng mommy ni Damon naging maayos ang naging surprise para nila para sakin. Habang nasa biyahe si Damon para sunduin ako sa school ang mommy naman niya ay abala sa paghahain ng pagkain sa hapag para sa pag dating namin. Ng makita ko si Damon ay patakbo akong lumapit sa kanya at may inabot akong box “Happy 1st anniversary bi” sabi ko at hinalikan si Damon sa pisngi. ‘Happy 1st anniversary din sayo bi, iloveyou so much’ tugon ni Damon sakin tsaka ako niyakap. Sabay yaya sakin ‘Bi pinapapunta ka saglit ni mommy sa bahay, gusto ka daw niya makausap’ sabi nito. “Sige bi tungkol saan daw? Tsaka di ako pwede magtagal sa inyo huh kasi madami akong assignment” wika ko. ‘Ok lang bi basta sumaglit ka lang sa bahay’. Habang nasa biyahe ay nagkukulitan at nagkekwentuhan kaming dalawa sa nangyari samin ng buong araw. Pagdating sa bahay nila Damon nabigla ako sa nakita kong decorations sa sala at may mga flowers pa. Binati ako ng mommy ni Damon ng nakangiti. Naiyak ako dahil sa unexpected surprise para sa sakin ni Damon and ito din kasi yung unang beses na may gumawa nito sakin. Natapos ang celebration namin ng masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD