Pauwi na ko sa bahay galing school ay di pa din maalis sa isip ko yung tanung ni Damon. Napaisip ako kung tama ba yung sinagot ko kay Damon.
“Damon, wala pa kasi sa isip ko ang magpaligaw dahil nagpromise ako sa nanay ko na di ako magboboyfriend and magfofocus ako sa studies ko. Ayoko magkaroon ng distructions sa isip ko habang nag-aaral ako. Sorry pero wag ka na manligaw” ani ko. ‘Sige kung yun ang gusto mo Farrah gagalangin at tatanggapin ko yung desisyon mo pero please lang, wag mo ko iwasan ng dahil sa ipinagtapat ko sayo. Aantayin kita and yung panahon na papayag ka na naligawan kita’.
Araw araw nagpupunta si Damon sa school ko para sunduin at yayain akong kumain sa labas, pero wag kayo mag alala kasi lagi din namin kasama sila Jason at yung mga classmates namin. At dahil sa mga ginagawa ni Damon para sakin ay unti unti ng nahuhulog yung loob ko sa kanya dahilan kung bakit pumayag na din akong magpaliwag sa kanya.
“Damon I know hindi pa kita lubusang kilala gaya ng sinabe mo nung araw na inamin mo sakin ang lahat. Pero sa mga ginagawa at ipinapakita mo sakin I know and I feel na mabuti kang tao and I’m willing to know you better. And Yes, pumapayag na ko na ligawan mo ko” sabi ko. Nagulat si Damon sa sinabe ko sa kanya pero bigla napalitan ng saya, at dahil sa nalaman ay di niya napigilan na yakapin ako. ‘Thank you, thank you sa pagpayag mo, di ko sasayangin yung pagkakataon na binigay mo sakin’.
Makalipas ang ilang buwan ay lalong naming nakilala ang isa’t isa. Walang pinag iba dahil lagi pa din niya ko sinusundo at niyayaya na kumain sa labas but this time kaming dalawa na lang. Pinakita ni Damon kung gano niya ko kamahal. Nagkapalagayan na din kami ng loob hanggang sa dumating ang araw na hininintay ni Damon. Nasa isang restaurant kami ngayon ni Damon kung san lagi kami kumakain at nagpupunta. Ito talaga yung naging favorite place naming dalawa. Habang naglalakad kami palabas ng mall bigla akong lumayo kay Damon kaya medyo nagulat si Damon sa ginawa ko at bago pa magbago yung expression ng mukha ni Damon nagsalita na ko. “Damon I know sa maikling panahon na kasama kita naging masaya ko, panatag yung loob ko at ramdam ko na malayo ako sa kapahamakan pag ikaw ang kasama ko, pero nitong mga nagdaang araw may narealize ako. Yumuko ako na parang may lungkot at tsaka tumingin kay Damon na malapit ng maiyak dahil sa kaba sa mga sinasabe ko sa kanya. “Narealize ko na hindi ko pala kakayanin yung mga dadaang oras, araw, buwan at taon na hindi kita makakasama. My answer to your question is YES… Yes sinasagot na kita Damon. Sa sobrang galak ni Damon sa sagot ko ay napa sigaw din siya ng YES na tuwang tuwa. ‘Farrah mahal ko wag ka magalala di ko sisirain yung binigay mong chance sakin. Mahal na mahal kita