Halos araw araw ay nagpupunta na si Damon sa school ko hindi para sunduin yung pinsan niyang si Jason kundi para makita daw ako.
‘Insan ano ginagawa mo dito?’ tanung ni Jason kay Damon, at sumagot naman ito na 'wala lang, wala kasi ako gagawin sa bahay'. Naguusap lang yung magpinsan until mapansin ni Damon na paparating na ko.
‘Oh Farrah kamusta na? Ang tagal natin di nagkita ahh.’ ani ni Damon. “Okay naman ako Damon, ikaw ba?” sagot ko.
‘Ayos lang din naman ako, ahh yayayain ko sana kayo nila Jason kumain sa labas kung ok lang sa inyo?’ tanung ni Damon “Hala, di ako pwede ngayon kasi madami ako gagawin, maybe next time pero thanks for inviting me”.. Pagpapaalam ko tsaka ako tumalikod sa magpinsan sa pag aakalang wala na silang sasabihin sakin ng biglang humabol si Damon. ‘Farrah’ tawag nito habang tumatakbo palapit sakin. “Bakit Damon?”, 'Ahh kasi ano, hihingin ko sana yung number mo, ahh oo para kasi pag kailangan ko ng tulong sa gagawa ng project ko' ani ni Damon na halatang kinabahan dahil parang mauutal. “Ahh okay sige sige ito yung number ko oh 0910*******”. ‘Salamat Farrah itetext kita, save mo na lang number ko'. Pagkauwi ni Damon nagpaload agad siya para maitext agad ko.. Kamustahan, tanungan at kwentuhan ilan lang yan sa naging flow ng convo namin ni Damon.
Until one day, dahil di na maitago ni Damon yung nararamdaman niya para sakin nagpunta ulit siya sa school ko para personal na sabihin ang nararamdaman niya.
‘Farrah anjan sa baba si Damon hinahanap ka, may sasabihin daw siya sayong importante' ani ni Jason “Ahh sige baba na lang ako saglit” sagot ko habang naglalakad palabas ng room napaisip siya kung ano ang sasabihin ni Damon at di na lang itinext..
“Damon bakit? Ano yung sasabihin mo?” tanung ko. 'Ahh ano kasi, ano ba to, ahh kasi ano Farrah' medyo nahiya si Damon at nautal. “Oyy Damon ano ba talaga yung sasabihin mo, ganun ba kaimportante yan at di mo na lang ako tinext?”.
‘Farrah wag ka magagalit sakin ha, gusto ko lang kasi sana tanungin kung pwede ako manligaw sayo. Alam ko di pa tayo ganun katagal magkakilala pero unang kita ko pa lang kasi sayo nahulog na ko. Nalove at first sight ako sayo. I want to know more about you”. Nagulat ako sa sinabe ni Damon dahilan kung bakit di ako nakasagot sa tanong niya