Chapter 2 - First Meet

350 Words
So ito na nga yung start, Nagkakilala kami ni Damon sa school ko kung saan classmate ko yung pinsan niyang si Jason. Medyo bulakbol at malako sa pag aaral si Damon dahilan kung bakit papalit palit siya ng course. One time pumunta siya school namin para sunduin yung pinsan niya para yayain mag inom. Pumunta si Damon sa school namin para sunduin si Jason at yayain mag inom. “Insan tara inom tayo” yaya ni Damon kaso dahil nga may kailangan bilhin na gamit si Jason para sa gagawin nilang project ayy tumanggi siya sa pinsan niya. “Naku insan pass muna ako may lakad kami ngayon ng mga classmate ko” ani ni Jason Sumagot naman si Damon na 'sige insan kung ok lang sasama na lang ako sa inyo dahil wala din naman akong gagawin'. Pumayag naman si Jason. Bago kami umalis ay pinakilala kami ni Jason kay Damon at isa isa kami nitong kinamayan. Habang naglalakad kami papunta sa shop ng pag bibilhan namin ng pyesa para sa gagamitin namin sa project. Bigla nagsalita si Damon na manghihinge daw siya ng tulong kay Jason. “Nga pala insan, manghihingi sana ako sayo ng tulong” ani ni Damon tulong dahil may kailangan siya ipasang papers sa professor niya sa isa niyang subject. Ngunit di siya matulungan ng pinsan niya dahil may mga kailangan din asikasuhin si Jason para sa group project namin. Nasa loob kami ng shop at tumitingin ng pyesa, nagulat ako ng mapansin na parang may nakatingin sa akin at di nga ako nagkamali dahil nakita ko si Damon na nakatitig sakin. At unti unti siyang lumapit sakin at kinausap ako. ‘Farrah, I know di pa tayo magkakilala pero kakapalan ko na yung mukha nabanggit kasi sakin ni Jason na nagsasideline ka daw?’. Magpapatulong sana ko este magpapagawa sayo ng project. “Oo pero kailan mo ba kailangan? Kasi may kailangan din kami tapusin na project namin” ani ni Farrah. ‘Ahh next week ko pa naman siya kailangan' sagot niya . At ayun nga tinulungan ko siya gumawa ng project niya. Then nasundan ng nasundan hanggang sa nagkapalagayan na kami ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD