I’m Farrah Mallory 17 years old. Chubby, friendly, kalog, makulit and maingay na tao (minsan). May nagsasabi din na medyo baliw ako kasi nga malakas ako magpatawa tsaka magaling ako mang asar. Di ako kagandahan kagaya ng inaakala niyo. Di ako galing sa mayamang pamilya, Hindi din naman mahirap. Yung sapat lang na pamilya, kumakain ng 3 to 4 times sa isang araw. Kaya nga siguro ako tumaba ng husto kasi panay ang kain ko. Lumaki ako sa buong pamilya pero magulo. Dahil yung tatay ko ay nagkaroon ng ibang babae, di naman siya umalis samin para sumama sa babae niya muntikan lang. Pang 5 sa 6 na magkakapatid. Actually tatlo na lang kaming magkakapatid na magkakasama sa buhay dahil yung naunang 3 ay may mga asawa’t pamilya na. Hahahha Nag aaral sa isang Asian College ang course ko ay Computer Science. Working student ako dahil di kaya ng parents ko tustusan yung mga pangangailangan at gastusin sa school. Minsan gumagawa ako ng project or assignment ng mga classmates ko para may extrang pera pambaon at pangastos sa school. And dito sa school nagstart ang story naming ni Mr. Damon Baxter.
Mr. Damon Baxter is also 17 years old kagaya ko. Matangkad, medyo payat siya, maganda yung mata, mahilig magpacute and sometimes feeling pogi. Pero may katotohanan naman yung feeling pogi niya kasi pogi siya sa paningin ko, ewan ko lang sa iba.! Hahahha ? Joke lang! Bunso siya sa magkakapatid, actually 2 lang kasi sila ng kuya niya. Dahil na din siguro sa matagalan bago makauwi sa kanila ang daddy niya kaya hindi na siya nasundan pa. Nag aaral din siya sa isang University. Medyo may kaya siya dahil yung daddy niya is working sa barko as chef and ang mommy naman niya ay may apartment for rent. Medyo malako sa pag-aaral kaya naman papalit palit ng course ang loko dahilan kung bakit nagagalit lagi ang mommy niya.