Chapter 12.2 - A life with Dylan Continuation

491 Words
~~~~ * * * * Flashback Dylan POV’s * * * * ~~~~ Bago ako pumunta sa lugar kung san kami dapat magkikita ni Farrah nakita ko siya na kausap yung tita ni Damon. Ano kaya pinag uusapan nila? Hmm. Lalapit na sana ko sa kanila ng marinig ang sinabi ng kausap niya na @Farrah iha, nagkita na ba ulit kayo ni Damon? Andito na siya sa Pinas ahh. Dumating siya nung isang araw.@. Nakaramdam ako ng sakit dahil alam ko kung gano kamahal ni Farrah si Damon. Iniisip ko na dahil bumalik na si Damon ay wala na kong pag asa kay Farrah. Minabuti ko na lang na umalis agad at di na makinig sa usapan nila dahil baka lalo lang ako masaktan. Tinago ko kay Farrah yung narinig ko dahil gusto ko na siya mismo ang mag open up sakin nun. Magpepretend na lang ako na wala akong narinig. Napatingin ako sa malayo dahil sa pagiisip kung bakit ang tagal niya at kung ano pa ba yung pinag uusapan nila. Bumalik ako sa ulirat ko ng marinig ko ang boses ni Farrah. “Dylan!..” sigaw niya. Tumingin ako sa kinaroroonan niya tsaka lumapit. *Bakit mo ko pinapunta dito?* tanong ko. “Gusto ko lang sana sabihin sayo kung gano ka kahalaga sakin, and sinasagot na kita.” Sagot niya. Halos maluha ako sa sinabi tsaka ako nagtanong *Farrah totoo ba to? Sinasagot mo na talaga ako?* Hinawakan niya ang kamay ko hindi ko alam kung bakit pero siguro gusto niya lang sabihin sakin na OO, na totoong sinasagot niya na ko. And hinalikan ko naman ang kamay niya habang nakahawak pa din ito sakin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na yun. Masaya ako dahil sinagot niya na ko pero may lungkot din kasi bakit di niya sinabi sakin na andito na ulit yung ex niya sa Pinas. Bakit kailangan niya itago at ilihim sakin. Wait baka naman kasi may nararamdaman pa siya kay Damon?? Bakit niya kaya ako sinagot? Totoo kaya na may nararamdaman na siya sakin or baka gusto lang niya pag selosin yung ex niya. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Gusto ko itanong sa kanya pero pinigilan ko yung sarili ko kasi ayoko sirain ang araw na to. Ang araw namin dalawa ni Farrah. Naging masaya naman ang bawat araw namin ni Farrah. Kaso sa paglipas ng mga araw di pa din malawa sa isip ko yung mga narinig ko. naging mahigpit ako sa kanya sa lahat ng bagay. Nakipag palit ako ng sim card para lang mamonitor kung may mga magtetext pa sa kanya. Medyo nababaliw na ko sa mga naiisip at ginagawa ko. pero kailangan ko gawin kasi ayoko na mawala siya sakin. And honestly pumasok na din sa isip ko na baka sa ginagawa ko lalo siyang mawala sakin dahil sa nasasakal na siya. Kaya naglakas loob na ko na puntahan siya sa office para sunduin kahit na wala naman kami usapan na magkikita kami ngayon. ~~~ * * * * End of flashback * * * * ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD