Naging kami na nga ni Dylan, after ilang months ng panliligaw ay sinagot ko na nga siya. Walang nagbago sa relationship namin. Kumbaga nagkaroon lang kami ng label. Ganun pa din siya kasweet sakin. Medyo mas napadalas lang yung pagkikita namin, from once a week to become everyday. Everynight siya nag aabang sakin sa lugar malapit kung san ako nagwowork. Sabay magdidinner then ihahatid niya ko sa malapit sa bahay. Ganun ang naging flow ng relationship namin. Until one day, biglang nagbago ng ihip nga hangin. Naging sobrang higpit niya sakin to the point na nagpalit pa kami ng number para lang masigurado siya na wala akong ibang nakakatext bukod sa kanya. Masyado siya naging paranoid sa lahat ng bagay. Minsan di ko na nga alam kung san ng gagaling yung mga selos niya na yun. Then out of nowhere bigla siya nagtext ng *Mahal, alam mo ba andito na pala yung ex mo sa Pinas ahh.* sabi niya. “Hindi mahal, bakit mo naman natanung?” reply ko. Gusto ko sabihin sa kanya na alam kong nakauwi na si Damon pero pinangunahan ako ng takot dahil baka pag simulan pa namin ng away. Bigla ako nakaramdam ng panlalamig sa katawan ko at napaisip na baka kaya bigla siya naging mahigpit sakin dahil sa nalaman niya. Nag antay ako sa reply niya ngunit wala akong nareceive.
Kakaout ko lang sa work ng magring yung cellphone ko, pag tingin ko tumatawag si Dylan. “Hello mahal, bakit?” tanong ko. *Mahal, andito ko sa labas ng office niyo, paout ka na ba?* nagulat ako dahil wala naman kami usapan na magkikita kami. Pero ok lang atleast nageffort pa din siya na sunduin ako. Ahh alam ko na, baka naman may surprise siya sakin. Natawa na lang ako sa naisip ko. pag labas ko sa gate ng office ay nawala bigla yung tuwa ko at napalitan ng kaba dahil sa nakita kong itsura niya. Parang may galit akong nakikita sa mata niya pero nung lumapit na ko sa kanya ay nakangiti na siya at pinasakay ako sa motor niya. Dinala niya ko sa park, umupo lang kami sa mga gazebo na nandun pero wala pa din siyang imik at malayo ang tingin habang kinukuyom ang kanyang kamao na konting maling kilos mo ay biglang dadapo sa mukha mo. Ng bigla niyang basagin ang katahimikan ng nagsalita na *Alam ko na matagal mo ng alam na andito na si Damon, bakit mo nililihim sakin?. May tinatago ka ba sakin?.* tanung nito. Natulala ako sa sinabi niya at napaisip ako kung pano niya nalaman na alam ko na nakabalik na dito si Damon. Sino kaya nagsabi sa kanya.