Final exam namin ngayon and kasama ko si Dylan mag miryenda. Wala kaming ibang ginawa kundi ang magtawanan. Puro kalokohan lang talaga kami pag nagkasama sama lalo na at andito din si Alyrah. After 1 week naglabas na ng list of graduates ang school namin. Masaya kaming lahat lalo na ko dahil sa wakas tapos na ko sa pag aaral! Lumipas ang mga araw, nagwowork pa din ako while waiting for our graduation. May schedule kasi kung kelan ang practice and distribution ng sash, ribbons and everything na kakailanganin for our graduation. Dylan always updates me for all the announcement dahil busy ako sa work. Pero kahit busy ako sa work I always a lot time for Dylan. Naging happy naman kami sa isa’t isa. Pag morning magtetext or tatawag siya sakin to say Goodmorning and ingat ako pag pasok. Ganun lang ang naging set up namin. Nagkikita kami once a week, pero pag may time at maaga ako makaout nagkikita din kami. Basta pag kaya G lang kami! Lalo na siya, one call away lang siya ehh..
Dumating na yung araw na inaantay naming lahat. Lalo na ako dahil sabi ko sa sarili ko na kung kelan yung graduation namin is same day kung kelan ko sasagutin si Dylan para maging memorable samin yung araw na yun dahil dalawa yung icecelebrate namin. Nakarating na kami ng family ko sa venue kung san gaganapin yung graduation ceremony pero wala pa ko nakikita na kakilala ko, then bigla may tumawag sakin.. ‘Farrah!!’ Napatingin ako sa pag aakalang si Dylan yun ngunit mali ako dahil si Jason ang tumawag sakin. Nginitian ko siya at hinanap yung iba naming classmates. “Jason, ikaw pa lang ba?, asan na kaya sila Alyrah.? Tanong ko.” at tinuro naman sakin ni Jason kung nasan yung mga classmates namin ‘Andun sila sa gilid, alam mo naman yun si Alyrah takot na takot maarawan..”.sinundan ko naman yung direksyon na tinuro sakin ni Jason. Naglalakad na ko ng biglang may humawak sa kamay ko, napangiti ako ng makita ko si Dylan na may hawak na bulaklak. *Pancit canton, para sayo. Kanina pa kita hinanap ehh. San ka pupunta?* tanong nito sakin. “Ayy thank you! Kakadating dating lang kasi namin pero ngayon pupuntahan ko sila Alyrah”. Sagot ko. *Sige, samahan na kita.* Malapit na matapos yung ceremony kaya tinext ko na si Dylan na magkita muna kami bago umuwi. *Sige pancit canton, dun na lang sa may entrance habang wala pa tao. Punta na ko dun now. See you.* reply nito sakin. Naglalakad na ko papunta sa entrance ng venue ng makasalubong ko yung mama ni Jason na nakangiti sakin. @Farrah iha, nagkita na ba ulit kayo ni Damon? Andito na siya sa Pinas ahh. Dumating siya nung isang araw.@ ani ng mama ni Jason. Tipid akong ngumiti sa kanya at sinagot siya na “Ayy hindi na po kami nagkakausap ni Damon tita matagal na. Tsaka may bf na din po ako kaya di po maganda tignan kung magkakausap pa kami.” pagtapos nun ay dumiretso na ko sa lugar kung san kami magkikita ni Dylan. Pag dating dun ay nakita ko siyang nakatayo at malayo ang tingin na parang may malalim na iniisip. “Dylan!..” sigaw ko. Tumingin siya sa kinaroroonan ko at lumapit sakin. *Bakit mo ko pinapunta dito?* tanong nito sakin. “Gusto ko lang sana sabihin sayo kung gano ka kahalaga sakin, and sinasagot na kita.” Halos maluha si Dylan sa sinabi ko tsaka nagtanong *Farrah totoo ba to? Sinasagot mo na talaga ako?* Hinawakan ko ang kamay niya patunay na totoong sinasagot ko na siya at siya namang paghalik niya sa kamay kong nakahawak sa kanya.