Chapter 17.2 - I Love My FAMILY Continuation ❤️❤️

584 Words
Nasa bahay kami ngayon nila Nanay at nagkukulitan. Lalo na yung pamangkin ko na medyo baliw ay kasama din namin. Sobrang ingay lang namin sa bahay at tawanan lang ng bongga!!. Nag desisyon na kami matulog ng bigla nagsalita yung pamangkin ko na nagtext daw sa kanya yung mama niya which is yung ate ko. %Babs, nagtext sakin si mama.% ani nito. “ohh ano sabi? Bakit daw?.” Di siya makaimik ng biglang umiyak. %Babs, nay patay na daw si tita neng ☹ ☹.% sagot niya. Nabigla kaming lahat sa nalaman namin. Umiiyak na si nanay at kaming lahat sa bahay.. walang nakatulog samin dahil sa kakaisip. Nag antay lang kami na mag umaga at bumiyahe agad papunta sa bahay nila ate para asikasuhin yung mga bata. Kami ni nanay and mga kuya ko ang naiwan sa bahay para tignan yung mga bata at linisin yung bahay. habang sila papa, beks, pats and yung isa ko pang ate yung pumunta sa hospital and funeral para maasikaso yung katawan ng ate kong namatay. Gabi gabi kami nasa lamay pero pag dating ng umaga uuwi kami sa bahay namin para makapag asikaso. Ganun ang naging set up namin sa loob ng isang linggo. Medyo may kalayuan din kasi yung bahay namin kila ate kaya wala gano makapunta na kamag-anak namin. Nag decide kami na kausapin yung asawa ni ate para maiburol namin si ate sa bahay kahit ilang araw lang ngunit bigo kami dahil di ito pumayag at dahil sa wala na kami magawa eh hinayaan na lang naming hanggang sa mailibing na si ate. Masakit samin lahat ang pag kawala niya. Masakit na makita yung mga mahal mo sa buhay na sabay sabay umiiyak at nag luluksa dahil sa pagkawala ni ate. Lalong nadurog ang puso ko ng makita yung mga pamangkin ko na walang katapusan ang pag tulo ng luha. Alam ko na hindi pa nila naiintindihan ang lahat ng nangyayari dahil masyado pa silang mga bata. Pero pipilitin kong maging isang mabuting tita para sa kanila at dahil sa gusto ko din tuparin yung pangako ko sa ate ko na aalagaan at iingatan ko yung mga anak niya gaya ng pag aalaga niya sakin dati. Nasaktan man kaming lahat sa nangyari pero alam ko na mas masakit para sa mga bata yun. Mahal ko ang mga pamangkin ko. at sila na rin marahil ang uunahin at iintindihin ko dahil ayoko na mapabayaan at mapariwara sila. Dumaan ang ilang araw at sumapit ang pasiyam ni ate. Pinasundo ko yun mga bata at sumama naman silang lahat. Nagpadasal at nagpaluto kami sa bahay. Kinnabukasan naman ay ginala ko sila para naman malibang libang dahil matagal na din sila hindi nakakagala sapul nung nagkasakit si ate. Tuwang tuwa ang mga pamangkin ko. nagstay sila sa bahay hanggang sa dumating yung araw ng pasukan kaya kailangan na nila umuwi sa bahay nila. Medyo naiiyak ako kasi matagal ko na naman sila di makikita ng bigla magsalita si Janna sakin, yung panganay na anak ni ate +Tita Farrah, wag ka na malungkot babalik naman kami dito sa Friday ehh+. Ngumiti ako sa kanya tsaka siya sinagot “Oo sige, basta mag iingat kayo lagi dun ha. Ikaw na bahala dun sa mga kapatid mo. Tsaka pag may kailangan sa school ichat mo agad ako ok!.” Tumango naman siya sakin sabay paalam. +Bye tita!?+. Dumating ang araw ng Friday pero di sila pinayagan ng papa nila. At ng dahil sa lungkot nakagawa ako ng isang bagay na magpapabago ng lahat….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD