Chapter 17 - I Love My FAMILY ❤️❤️

568 Words
Nakatanggap ako ng tawag na sinugod sa hospital yung ate ko. Hinang hina siya, di makatayo, di makakain and hindi makausap. Gusto ko umiyak dahil naaawa ako sa nangyayari sa ate ko pero di ko ginawa. Nilakasan ko loob ko para di din siya pang hinaan ng loob. Nagpray kaming lahat for my ate. Kasama ko ngayon sa hospital si nanay ko at yung isa ko pang ate. Nadiagnose na may tuberculosis si ate and mababa yung potassium.. makalipas ang ilang araw ay nakalabas din siya sa hospital. Tuluyan lang ang gamutan for 6 months. After 1 month naging ok naman yung progress ng gamot sa katawan ni ate kaya medyo nagiging ok na siya until one day tumawag sakin yung panganay na anak niya at sinasabi ng ate ko na sunduin na lang daw siya sa bahay nila dahil bumalik na naman yung nararamdaman niyang panghihina.. pag tapos ko ibaba yung cellphone ay agad kong pinasundo ate ko sa bahay nila. Naiyak ako nung muli kong makita ang ate ko sa ganung kalagayan. Pinagpatuloy namin yung mga check ups and gamot niya. Masasabi ko na mabilis siyang sumigla ulit. Hanggang nung madaling araw bago yung araw ng check up niya napansin ni papa na wala si ate sa higaan niya, sa pag aakala na nagCR lang si ate ay bumalik siya sa higaan niya ngunit nag antay siya ng ilang minuto ay wala pa din lumalabas sa cr kaya tinawag na ni papa yung pangalan ni ate kaso walang sumagot kaya sinilip niya yung loob ng cr dun siya nakaramdam ng kaba hanggang sa mapansin niya na nakaawang yung pinto dahilan para gisingin na niya si nanay. Napag alaman naming na tumakas si ate at umuwi sa kanila dahil nalaman na walang kasama sa bahay yung mga anak niya. Halos araw araw ko din nakakausap yung mga ate ko para kamustahin sila. Maayos naman sila hanggang dumating yung birthday ko. inaantay ko dumating yung mga ate ko kaso wala sila. Medyo nalungkot ako. Normally kasi pag birthdays namin kumpleto kami. Nakaalis na din yung mga bisita ko ng may tumawag samin na sinugod ulit ang ate ko sa hospital. Napawi lahat ng saya naming nung oras na yun. Pinag dasal na lang namin na magiging ayos din si ate. Lumipas ang mga araw at may nakarating na balita samin na lumalala na nga ang kondisyon ni ate kahit nasa isolated room na siya. Tinawagan ko ang isa kong ate “Ate, samahan mo naman ako kay ate neng sa Sunday, wala naman akong pasok. Magdadala lang ako ng mga pagkain, gamot at prutas.” Sabe ko. nasa kabilang linya yung isa kong ate at sumagot naman siya ng }sige sige. Sunduin na lang kita sa jan sa bahay sa linggo.{ Dumating ang araw ng linggo, nasa biyahe na kami papunta sa hospital kung san naka admit yung ate ko. madali naman kami nakarating sa hospital. Pag pasok namin sa kwarto niya parang wala siyang sakit dahil sobrang sigla niya at ang lakas kumain kaya nung nakita ko siya sa ganung kalagayan ay medyo napanatag ang aking kalooban. Nagkwentuhan lang kaming magkakapatid. Hanggang sa nagpaalam na kami sa kanya na uuwi na kami dahil wala din kasama si nanay sa bahay at may lagnat pa. ngumiti siya samin at nag Thank you!. Bigla kong sagot sa kanya “welcome, mag pagaling ka agad ha, mahal na mahal ka namin te. Mwuahh :* ?.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD