Sa paglipas ng mga araw, narealize ko na mas masaya pala talaga maging single dahil walang stress, walang isipin and most especially walang magbabawal at sasaway sa mga gagawin ko.. nagpaka busy lang ako sa work. So work, bahay at paminsan minsan na gala kasama ang family, friends and officemates ko. but thankful pa din ako sa kanila dahil naging lesson para sakin yung mga nangyari samin and naparealize nila sakin na bonus lang sila ni God para mas lalong sumaya ang buhay ko. Tuloy tuloy lang yung naging blessings sakin, naging regular ako sa work which is nagbigay sakin ng stable and good income. Naging madali para sakin na makalimot sa lahat ng nangyari. Sa tulong na din ng mga tao sa paligid ko. hindi nila ko iniwan nung mga times na down ako dahil sa mga nangyari. Most especially yung sis ko na si Kineisha at yung best friend kong si Effie. Sila yung mga taong tumulong sakin na bumangon sa pagkakadapa ko.
At dahil din dito mas napadalas yung pag gala ko kasama sila. Lagi kami nagkakayayaan ni Kineisha dahil magkasama lang kami sa work unlike si Effie na once a month or minsan pa nga ay di ko nakikita dahil busy sa work niya. Kung san san kami nagpupunta ni Kineisha, almost every weekend magkasama kami pupunta sa mall and magsisimba. Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa nagkaroon na ng jowa si Kineisha dahilan kung bakit bihira ko na din siya makasama gaya ni Effie. Im happy for the both of them kahit na di ko na sila madalas makasama kasi I know na happy sila parehas.
Hanggang sa makilala ko si Alvin na kalaunay naging boy bestfriend ko. masaya kasama si Alvin dahil puro kalokohan ang alam. Katext araw araw. Kasabay umuwi. Kulang na lang magkapalit na kami ng mukha. Then one day nagtapat sakin si Alvin,
$Farrah, may gusto kasi ako sayo. Pwede ba ko manligaw sayo?$ tanong niya. “Alvin wag ka sana magagalit sakin ha, oo mahal kita pero bilang kaibigan lang. and ayoko din kasi na masira yung friendship na meron tayo. Magstay na lang tayo na ganito.” Ani ko. wala naman nagbago sa treatment namin sa isa’t isa. Siguro naintindihan din niya yung reason ko kaya tinanggap niya ng maluwag sa puso niya.
OMG! Malapit na naman magchristmas, wala pa ko nabibiling gift sa mga inaanak ko and malapit na din yung Christmas party namin sa work pero wala pa ko susuotin na damit. Kaya naisipan kong itext si Effie para yayain. “Panget, yayain sana kita sa Sunday afternoon bibili kasi ako ng damit ko na gagamitin para sa party namin next week.” Pagyaya ko sa kanya. >Naku yats, sorry di ako pwede sa Sunday eh. May lakad kami ng boyfriend ko. next time na lang babawi ako.< reply niya. Medyo nalungkot ako kasi medyo matagal ko na din siya hindi nakikita. Then pumasok sa isip ko na si Kineisha kaya pwede? Hmm maitext nga! “Sis, pwede ka ba this Sunday? Yayain sana kita, kailangan ko kasi bumili ng damit na susuotin ko for the party.” Sabi ko. after ilang minutes ay nagreply din siya ±Sure sis, wala naman ako lakad nun. What time ba?± tanong nito.. sumapit ang Christmas and new year. Naging masaya ang bawat araw hanggang sa . . . . .