Chapter 15 - Breaking up!

509 Words
Kinaumagahan pag gising ko ay tinext ko siya para makipag hiwalay na. Oo sa text ko lang ginawa dahil ayoko siya makita at di ko na siya gugustuhin pang makita. “Dylan, I think ito na yung tamang oras para makipag hiwalay sayo. Hindi ko alam kung pano kita mapapatawad sa ginawa mo pero gusto ko pa din mag thank you sayo dahil sa pagmamahal mo. Sana wag mo na ulitin sa ibang babae yung ginawa mo. Hope maging lesson na para sayo tong nangyari. Ingat ka palagi! And to tell you honestly, sapul nung naging tayo minahal kita at di kita niloko. Pero di ko kayang gawin yung gusto mong mangyari. Wala pa sa isip ko yung mga ganung bagay. Sorry kung feeling mo naging rebound ka lang pero ang totoo kasi minahal kita ng sobra, di man higit sa pagmamahal ko sa kanya pero nagawa kong mahalin ka kapantay ng pagmamahal ko sa kanya dati.” Inaantay ko yung reply niya, pero wala ako nareceive. Sa nagdaang araw wala pa din ako narereceive na text niya kaya di na ko umasa na magrereply pa siya sakin ng biglang tumunog yung phone ko. From : Dylan *Sorry ngayon lang ako nakapag text sayo, di ko kasi alam kung pano ako hihingi ng tawad sa nagawa kong katangahan. Sobra akong nagsisisi dahil sa ginawa ko lalo kang nawala sakin pero di naman kita masisi dahil alam kong kasalanan ko lahat. Kinain ako ng sobrang selos dahil alam ko na di mo ko magagawang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Nagkamali ako at nasaktan kita. Ramdam ko naman yung pagmamahal mo pero pinapaniwala ko lang sa utak ko na mas mahal mo siya kesa sakin kaya siguro ako nagkaganito. Wag ka magsorry sakin dahil kasalanan ko naman lahat ng to. Basta ingatan mo lagi ang sarili mo Mahal ko. at gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita. Magaantay ako hanggang sa dumating yung time na mapatawad mo na ko. iloveyou so much and sorry for all the pain ☹. Sana din dumating yung time na magkausap tayo ng harapan para makapag sorry ako sayo ng harapan.* Ng mabasa ko yan parang may kumurot sa puso ko, kasi in the other hand alam kong may pag kukulang din naman talaga ako sa kanya. Tsaka siguro dahil din sa alam niya at nanjan siya sa tabi ko nung mga panahon na down na down ako dahil kay Damon. And alam ko naman sa sarili ko na lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya at walang dudang pinaramdam at inalay ko sa kanya ng buong buo. Kung sana lang talaga naniwala siya sakin at sa lahat ng mga pinapakita ko sa kanya siguro di siya kinain ng selos niya. Siguro masaya at maayos kami ngayon. . . . ☹ ☹ ☹ Ang huling balita ko tungkol sa kanya ay umuwi na ito ng probinsya nila at dun na daw mamumuhay. Hanggang sa tuluyan na kami mawalan ng communication. Pinagdasal ko na lang na sana maging maayos ang pamumuhay niya dun sa probinsya nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD