Chapter 14 - The Red room

547 Words
Matapos ang ilang linggo bigla nagbago ang ihip ng hangin, naging malambing siya sakin at di na ulit ako inaaway. Natuwa naman ako dahil bumalik siya sa dating ugali niya. Nabuhay na naman yung pag asa ko na nakikita na talaga niya na mahal ko siya. At dahil linggo ngayon ay niyaya niya ko na lumabas. *Mahal, yayayain lang sana kita na lumabas? Medyo matagal na din kasi sapul nung last time na umalis tayong dalawa.* text niya sakin “Ahh sige mahal, what time ba and san?” reply ko *Sunduin na lang kita jan ng 2pm malapit sa inyo. See you later mahal iloveyou.* sagot nito “Ok mahal! See you mahal iloveyou too.” sagot ko Nasa biyahe na kami ngayon papunta sa lugar kung san kami kakain. Pag dating sa restaurant, nagorder agad siya. Habang kumakain kami napansin ko na parang may iba sa kinikilos niya. Parang may mali pero di ko alam kung ano. Masyado siyang sweet and clingy that time kaya medyo nanibago ako. Pero di ko pinahalata sa kanya dahil namiss ko din naman yung ganung side niya. After kumain akala ko ay uuwi na kami ng bigla siyang magyaya. *Mahal, may gagawin ka ba today? Plano ko sana magpahinga muna tayo saglit bago kita ihatid.* sabi niya. Medyo kinabahan ako, pero sumama din ako sa kanya sa pag aakala na pupunta kami sa bahay nila. Habang nasa biyahe di maalis ang kaba na nararamdaman ko, ng bigla siyang tumigil sa isang lugar and bumaba sa motor ng mapagtanto kong nasa harap kami ng isang motel. Sa pagkabigla ay napahawak ako sa bibig ko. tinitigan ko siya. Di siya nagsalita kaya ako na ang umimik “bakit tayo nandito? Iuwi mo na ako.” sabi ko. *Wag ka mag alala magpapahinga lang naman tayo dito saglit.* sagot niya “naku Dylan ha, hindi ako tanga para sumama sayo papasok jan sa motel na yan dahil alam ko na may iniisip kang kagaguhan.” sabi ko na medyo galit. *Magpapahinga nga lang tayo sa loob, hihiga at matutulog lang naman tayo dun. Bakit ba ang arte mo? Kasi gusto mo si Damon ang gumawa sayo nito. Hahahah! As if naman na magawa niya diba? Akin ka lang Farrah sakin lang!* sigaw niya sakin habang hawak ako sa braso. “dahil hindi maganda tignan na papasok tayo sa loob niyan, ano na lang sasabihin ng mga tao pag nakita tayo dito. Di mo ba naiisip yun?.” sambit ko. magsasalita pa sana siya ng alisin ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko dahilan para mabilis na makaalis sa harap niya. Sumakay agad ako ng taxi, na medyo timing yung pag daan ni manong dahil mukhang bihira yung dumadaan na sasakyan dun sa road kung nasan yung motel. Iyak at dasal lang ang ginawa ko habang nasa biyahe, sa halip na umuwi sa bahay ay mas pinili ko pumunta sa isang park. Medyo gabi na din nung panahon na yun kaya wala na masyadong tao. Kaya lakas loob kong sinigaw lahat ng hinanakit at sakit na nararamdaman ko habang walang patid ang pag agos ng luha sa mga mata ko. nakaramdam ako ng ginhawa pag tapos ko ibuhos lahat lahat. Ng medyo umayos ayos na ko ay naisipan ko ng umuwi sa bahay. dahil sa pagod ay madali akong nakatulog. ZZzzzzz….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD