Pag tapos ng araw na yun ay nasundan ng nasundan ang pag kikita namin ni Damon. Hanggang sa nagkabalikan ulit kami. Tinanggap ko siya ulit. Binigyan siya ng pag kakataong makapasok muli sa buhay ko. Gaya ng dati walang nagbago, naging madali para samin ang mga bagay bagay. Masaya ako hindi lang dahil ayos na kami kundi naramdaman ko na nagbago talaga siya. Sa lahat ng mga ginagawa at pinapakita niya sakin. Sinulit namin ang mga bawat araw na nandito siya dahil naka bakasyon lang siya dito. Until one day, dumating yung araw ng alis niya. Ang araw ng pagsampa niya muli ng barko. Nakaramdam ako ng lungkot dahil magkakahiwalay na naman kami, medyo matagal din ang isang taon. Nakampante naman ako ng sabihin niya sakin na ‘Bi, don’t worry about me, mag iingat ako dun and I’ll always update you s

