Ilang araw pa ang lumipas ay wala pa din ako natatanggap na message galing sa kanya. Nagpasya ako na dumalaw kay titamhie para na din makita ko siya at makibalita kung nakakausap ba niya sila titodhie and damon. Tinawagan ko si titamhie at tinanong kung ayos lang ba na pumunta ako sa bahay para dalawin siya. Sumagot naman siya ng oo at dahil sa katuwaan ay magluluto na daw siya ng pagkain para sabay na kami magdinner. Habang nasa biyahe ako ay nakaramdam ako ng kirot sa puso sa di malamang dahilan. Nasa lamesa na kami at kumakain ng tanungin ko si titamhie “Titamhie, nakakausap niyo po ba sila tito and Damon.?” Sabi ko. -Oo anak, bakit di ba kayo nagkakausap ni Damon?, actually halos kakatapos ko lang sila makausap ng tito mo bago ka dumating.- sagot nito “Di ko pa po nakakausap si Damon

