Kahit pagod siya sa work niya di siya nakakalimot sa mga duties and responsibilities niya sakin. Naging super boyfriend siya sakin. Lagi niya ko sinusundo malapit sa office then sabay na kakain ng dinner. Masaya siya lagi lalo na pag kasama niya ko. Nawawala daw kasi lahat ng pagod niya pag nakikita niya yung ngiti ko. Kaya pag magkasama kami wala akong ibang ginawa kundi ang maging masaya para kahit dun lang ay makabawi ako sa kanya. Nagkwentuhan lang kami ng bigla siyang naging seryoso at tumingin sakin. Nabasa ko sa tingin niya na may gusto siya sabihin sakin kaya tinanong ko siya “bi, may problema ba? Bakit bigla ka naging seryoso?.” Agad naman siyang ngumiti sakin 'wala bi, may bigla lang akong naalala pero wag ka magalala di naman yun ganun kaimportante'. Sabi nito.
Pagtapos ng gabing yun ay bigla siyang nagbago. Naging cold siya sakin, di na niya ko pinupuntahan. Minsan na lang kami magkita ay nacancel pa. Text ako ng text sa kanya pero di siya nagrereply. Tumatawag ako ring lang ng ring pero di siya sumasagot. Mababa na yung 20 missed calls and 50 messages everyday.
To Bi Damon Ko
“Goodmorning bi, kamusta ka na? Breakfast ka na po. Ingat ka pag pasok mo mamaya.”.
“Bi, coffee break ko. Ano ginagawa mo ngayon?. Don't skip your meal huh. Iloveyou bi.”
“Lunch break ko na. Lunch ka na din po jan. After ko maglunch sleep muan ako.”
“Wag ka magpakapagod jan huh. Iloveyou bi. Imissyou ?? “.
“Bi di ka pa din nagrereply sakin, may problema ba tayo?.”
“Oyy bi sagutin mo naman yung mga tawag at text ko.”
“Sunduin mo naman ako mamaya. Gusto kita makita bi. Imissyou so much ???.”
Ngunit lumipas ang ilang araw ay wala ako natanggap na reply mula sa kanya. Linggo ng umaga, nag aayos kami ng mga pinsan ko dahil binyag ngayon ng anak ng pinsan kong Janieca. Patapos na ang ceremony sa church at nagbabasta na kami papunta sa reception. Nasa biyahe kami ngayon at di mawala sa isip ko kung ano ba nangyari kay Damon at bigla na lang siya naging ganun sakin. Di ako masyado nakakain dahil sa kakaisip ng magyaya yung mga pinsan ko na maglakad lakad dahil may malapit daw na park dun. Sumama naman ako para mawala kahit papano yung isipin ko ng bigla lumapit sakin yung iba kong pinsan at sinabi na nakita daw nila si Damon. Nagulat ako at napaisip kung ano ang ginagawa niya dito. Naglakad kami patungo sa lugar kung san nandun daw si Damon. Kinakabahan ako habang papalapit kasi nakikita ko nga na medyo pamilyar sakin yung taong tinuturo ng mga pinsan ko. Pero sinabi ko sa kanila na “Mga loko! Hindi yan si Damon. Ang layo layo kaya. Mga sira talaga kayo.” Pilit kong pinaniniwala yung sarili ko na hindi si Damon yung nakikita ko na may kasamang babae. Bigla nagsalita yung pinsan kong si Jochelle °cous,. Bakit di mo siya tawagan para malaman natin yung totoo?.°