Nag umpisa ulit kami sa una. May adjustments kasi medyo nakakapanibago dahil lalo siyang naging sweet, clinggy and showie sa nararamdaman niya. Maayos naman ang naging relasyon namin for the third chance na nagkabalikan kami. And mas naging happy ako kasi natuto na siyang sumugod sakin well mas naging maluwag ako lalo ngayon kasi ayokong maging dahilan na naman ng break up namin is nasasakal siya sakin. Which is kabaliktaran naman ng ginagawa niya sakin. Kung dati ako yung medyo madaming bawal dahil nga ayoko na maging miserable at mapahamak siya ngayon naman ay siya ang madaming bawal. Well nakakasama pa naman ako sa mga friends ko dahil ok lang sa kanya unless overnight or gala na malayo gusto niya kasama siya. Tsaka nagseselos siya pag nalalaman niya na nakakausap ko pa din si Garrett, which is malabong di ko makausap dahil same company kami ng pinagtatrabahuhan. Minsan nga nataptawa na lang ako sa kanya at lalong ginagalit. Hahhaah . Ilan lang yan sa mga naging takbo ng relationship namin after magkabalikan.
Every weekend nagpupunta kami sa bahay nila, at ngayon nga ay nandito kami sa loob nila. Nasa loob ako ng kwarto niya at nakahiga, patulog na sana ko ng maramdaman ko ang yakap niya at habang tumatagal naramdaman kong nakahawak na siya sa dibdib ko kaya humarap ako sa kanya at humalik ng di ko namalayan ay natanggal niya na yung hook ng bra ko. 'bi, pwede ba? Isa lang promise.’ Paalam niya sakin. Natawa naman ako sa reaction ng mukha niya ng sinabe ko na “bi, hindi pwede meron ako ngayon ehh.” Sabay halik ko sa labi niya. Dahil sa narinig niya pinanggigilan na lang niya yung dibdib ko at nilagyan ako ng hickey. Napaaray pa nga ako sa sakit ng ginawa niya at pag tingin ko sa dibdib ko ay namumula at medyo may pasa. Tinignan ko siya ng masama tsaka siya hinataw sa braso. “Bi naman bakit mo ko nilagyan ng ganito. Sira ulo ka talaga! Mamaya may makakita nito eh.” Sabi ko. Nagsorry naman siya sakin 'bi sorry, di ko na kasi napigilan ehh. Kiss ko na lang para mawala yung sakit.’ Ngumuso pa siya sakin na parang nagpapaawa. Natawa na lang ako sa itsura niya! Pero kahit para siyang bata umarte, siya pa din ang pinakagwapo sa mata ko.
Actually matapos kasi yung araw na may nangyari samin ay di na yun naulit. Nagtitiis at nagtiyaga na lang siya sa pahawak hawak sa parte ng katawan ko. Medyo may takot pa din kasi ako na baka mabuntis ako kaya nag iingat ako. And madami pa ko kailangan gawin bago magsettle down sa kanya. Naintindihan naman niya yun kaya di din siya nagpupumilit sakin na gawin ulit yun. Alam ko naman na papanagutan niya ko kung sakali man na may mabuo pero iba pa din kasi pag pamilya ko na yung usapan. Gusto ko kasi mailagay muna sa ayos ang lahat lalo na yung nanay ko. Gusto ko kasi na kung iiwan ko man sila is stable na yung buhay nila. Di ko naman sila papabayaan kung sakaling mag asawa na ko pero syempre iba pa din yung pakiramdam na pag buo mo naibibigay sa pamilya mo.
Nakakapunta na din siya sa bahay namin pero ang alam nila ay classmates ko dahil kasama niya lagi si Alyrah, Jason and Shane pag pupunta sa bahay. Nakilala na siya ng iba kong pinsan. Ok naman na sa kanya na ganun muna kami. Ang mahalaga sa kanya magkasama kami palagi.