“VANNI…”
“Yes, ‘te?”
“Wala lang.”
“Kinabakahan ka, no?”
“Hindi ah. Mamatay na kabado.”
“Eh ‘di sana kanina ka pa bumulagta diyan.”
Inismiran lang ni Alj ang kaibigan. Lulan sila ng sasakyan niya at nasa passenger seat si Vanni. Isang simpleng KIA Picanto ang naipundar niya. Patungo na sila ng kaibigan sa tanggapan ng organizer ng songwriting competition na sinalihan nila, ito ang Sky Production na nasa Quezon City. Heto nga at buo na ang desisyon niya sa pagpayag na maging finalist entry ang awiting ginawa nila ni Jobz limang taon na ang nakalipas.
Mula sa libo-libong sumasali sa patimpalak na iyon ay sino ang mag-aakalang isa sa mapipili para maging finalist ang kantang ginawa nila noon ‘out of nowhere? Isa pa sa ipinagtataka niya ay may iilan na ring ginawang kanta si Jobz kasama ng mga kaibigan nito ngunit bakit ang kantang iyon pa ang inilahok nila? Napailing na lamang siya. ‘Kyron must be crazy.’
Makalipas ang limang taon ay ngayon lang ulit sila magkikita ni Jobz. Mayroon pa silang unofficial unfinished business. Paano niya ito haharapin? Mamatay na talaga ang kabado.
‘Kalma lang, self, kalma lang tayo.’ She reminded herself. ‘Stay pro.’
“In fairness Ateng, ‘apakacivil mo nung kausap mo siya sa phone. Parang wala lang, ganern. Business is business ang peg mo, Dzai. Para ka lang nakikipagusap sa mga vendors mo.” Ani Vanni. Kung trabaho ang pag-uusapan ay propesyonal talaga siya. Kaya nga nang sagutin niya ang telepono ay inisip na lamang niya na isa sa mga business partners nila sa trabaho ang kausap niya. Besides, he seems like a stranger already for her. So why not act like a professional? She’s used to it. Mag-iisang dekada na siya sa corporate world. Alam niya kung paano makisalamuha nang maayos at tama sa iba including to strangers.
Muling bumalik sa kanyang balintataw ang naging paguusap nila ni Jobz sa telepono noong Lunes na tumagal lamang ng dalawang minuto.
“Hello.” Pormal niyang sagot sa telepono kahit pa nga na parang pinalong drum sa lakas ng kabog ang dibdib niya.
“Hi.” Mas lalo siyang nanigas dahil pamilyar sa kanya ang boses nito. “It’s me.” Of course, she knew it’s him. Just like what she has expected. Malakas talaga ang gut feel niya.
Napahinto muna siya saglit at waring nag-isip kung ano ba ang mga tamang sasabihin o isasagot dito. She’s too conscious to talk with him. Thanks to her practiced calmness. Kahit na sa totoo lang ay ang dami niyang gustong sabihin sa lalaki ay mas pinairal niya ang pagiging pormal. “I know who you are. Bakit ka tumawag? At paano mo nakuha ang number ko?”
“It’s about the e-mail I sent. And nakuha ko yung number mo through Joanna.” Joanna is their common friend. ‘Oo nga naman.’
“Okay,” maikli niyang tugon.
“Can we meet the organizing committee on Saturday? I-di-discuss daw nila yung other and further details about the competition. Signing of contracts, meeting with the whole team, scheduling and for the final night kung saan i-a-announce ang grand and runner up winners and also the prize. Pasensya ka na talaga if this was the song that Ky selected to send as an entry.” Esplika nito.
“Okay lang. Pera din ‘yan.” Prangka niyang sagot. Para saan pa ang pagpapaka-ipokrita? Iyon naman talaga ang nagpapayag sa kanya. “Fifty-fifty.” Iyon lang ang deal niya.
“Yes, fifty-fifty. If that’s what you want.”
“Is that him?” Singit ni Vanni sa usapan.
“Yes.” Sagot niya sa kaibigan.
“Oh. Hi, Mister Buenavista!” Malakas ang boses ni Vanni para marinig ng tao sa kabilang linya.
Nabosesan naman iyon ng lalaki, “Is that Vanni?”
“Yes. Gusto mo kayo na lang mag-usap?” aniya na may bahid ng konting pagkainis. Hindi niya alam kung saan galing ang emosyon na iyon.
“Sige ‘te, kapag pinakausap mo sa akin ‘yan. Itatanong ko sa kanya kung bakit ka niya biniktima ng ‘ghosting’ noon.” Malakas ang pagkakasabi ni Vanni. Sapat upang mas marinig iyon ng tao sa kabilang linya. Malinaw na malinaw.
“Huwag na pala. Baliw ‘tong kaibigan ko at baka mahawa ka pa. Just text me the details. Thanks. Bye.” Ibinaba na niya ang telepono. At sinabunutan niya ang kaibigan. “Vannielyn Garcia!!!”
“Nabibwisit pa rin ako sa’yo, ‘Te. Paano kung isipin ng lalaking iyon na hindi pa rin ako nakaka-move on sa nakaraan namin? Ang gaga mo lang talaga para ungkatin pa ang tungkol doon sa ginawa niya sa akin. Ang sarap mong ibaba dito sa gitna ng highway.”
Tumawa nang malakas si Vanni. Kahit maliit lang itong babae ay napakalakas naman ng boses nito at napakatinis kung tumawa. Hindi niya alam kung paano sila nag-click bilang magkaibigan. Sabay silang na-hire sa kumpanyang pinapasukan. Magkaiba man sila ng departamentong napuntahan ay naging malapit sila sa isa’t isa.
Likas sa kanya ang pagiging tahimik lamang pero kapag kasama niya ang babaeng ito ay lumalabas ang kaingayan niya. Minsan pa nga ay napagkakamalan siyang masungit sa trabaho dahil bibihira lamang siyang ngumiti ngunit kapag nakikita ng mga tao na magkasama sila ni Vanni ay nag-iiba ang tingin ng karamihan sa kanya. She’s cold and calm but still approachable. Ganyan siya ilarawan ng mga kasamahan niya sa trabaho.
She’s only loosened up when Vanni is around.
“Para nga makunsensya siya ng very very light.” Depensa ni Vanni.
“Hindi ‘yon makokonsensya. Wala siyang konsensya. Kasi kung may konsensya siya hindi niya gagawin iyon sa akin at doon pa talaga sa panahon na fully invested na ako sa kanya.”
Tinitigan siya ni Vannin nang masama. “Iyan ba ang naka-move on na?” Inilahad ni Vanni ang palad nito patungo sa kanya. “Nalalasahan ko sa tono ng boses mo Ateng ang kapaitan ng buhay.”
“Masaya na yung tao. Hayaan na natin siya. Masaya na rin ako.” Hindi niya alam pero baka kasal at may pamilya na si Jobz. Wala na talaga siyang balita dito. Ang huling balitang nasagap niya dito ay noong bago sila mag-usap para tapusin na ang lahat nang namamagitan sa kanila. Ang balita ding iyon ang bumasag sa puso niya. May iba na ito. Hindi siya ang pinili ng lalaki. ‘Ang kapal ng mukha niya. Daming choices.’
“Hayaan na rin kita, ganoon?” Ani Vanni.
“Oo.”
“Oh, sige. Buksan mo ‘to, bababa ako.” Biro ni Vanni na nag-galit-galitan sa kanya.
“Huwag dito sa highway, baka matiketan pala ako. Wala akong pantubos ng lisensya. Wait, i-gi-gilid ko lang.”
Hinampas siya ng natatawang kaibigan, “Gaga ka!”
Narating nila ang tanggapan ng Himig Musica sakto sa oras na itinakda.
Sumakto rin sa pagbaba nila ni Vanni ng kanyang sasakyan ay ang pagdating ng isa pang sasakyan at mga pamilyar na tao ang iniluwa niyon.
Tinanguan niya si Kyron bilang pagbati.
At tinapunan niya lang ng tingin si Jobz at nagyaya na siya papasok sa loob ng gusali. “Tara? Ang init.”
Kahit na tinapunan niya lamang ito ng tingin ay nakumpleto niya ang pagtingin sa mga detalye sa itsura na nito ngayon. Ganon pa rin naman.
‘In fairness, guwapo pa rin siya. Kahawig pa rin niya si Ken Chan.’ Aniya sa sarili. Ang tinutukoy niya ay ang kanyang local celebrity crush na chinito.
Singkit na mga mata, may kaunting katangkaran kumpara sa height niya na 5’4, may kaputian at mukha pa rin itong mabango. Ang nagbago lang ay ang kulay ng buhok nito. Nang huli silang magkita ay kulay itim pa ang buhok nito ngunit ngayon ay medyo dark brown na.
“Behave!” Mariin niyang bulong kay Vanni.
“Yes, Ma’am!” Sinaludohan pa siya ng loka-loka niyang kaibigan. “Hi, Ky! Hi, Mister Buenavista!” Bati ni Vanni sa dalawang lalaki.
Muli niyang sinita ang kaibigan. “Sinabi nang behave eh.”
“Masama ba’ng bumati?” Inismiran siya nito at tinaasan ng kilay.
“Nakakatuwa naman, ‘yon pa rin tawag mo sa akin.” Lumabas ang biloy sa kanang pisngi ni Jobz nang ibalik niya ang bati kay Vanni. Nasa lobby na sila ng building at pinaghintay muna doon saglit ng receptionist. May susundo na lamang daw sa kanila. Si Kyron ang nakipag-usap sa receptionist habang sila ay naupo muna. Para pa rin itong side kick ni Jobz.
“Ganun talaga, Mister Buenavista, old habits die hard,” Ani Vanni habang lumilinga-linga sa paligid.
Dahil isang mahabang upuan lamang ang nasa lobby na iyon na bakante nang mga sandaling iyon ay walang choice kundi ang magtabi-tabi sila. Iginitgit siya ni Vanni sa tabi ni Jobz. Tinignan niya nang masama ang kaibigan na waring ipinaparating dito ang gusto niyang isigaw sa maliit nitong mukha. ‘Makuha ka sa tingin, I will kill you, bakla ka!’ Nginisihan lamang siya ng kaibigan.
Kinakabahan man ay hindi niya iyon pinahalata. Nanatili siyang kalmado sa kabila ng tension na nararamdaman niya. Masasabunutan talaga niya ang kaibigan mamaya.
“So, kumusta ka na, Mister Buenavista? Ilan na anak mo?” Walang habas na pagtatanong ni Vanni kay Jobz kahit pa nga nasa pagitan siya ng dalawa. “Kailan ka kinasal? Ano nga ulit pangalan no’n? Jessica ba ‘yon?” Gusto na niyang umalis at kaladkarin palayo ang kaibigan sa lugar na iyon. Napakatabil talaga nito!
Ngayon ay nagsisisi na siya kung bakit sinama pa niya ang kaibigan sa lakad niyang iyon. Sana pala ay mag-isa na lamang siyang pumunta.
Muli niyang sinita ang kaibigan. “Vannielyn!” Mahina iyon ngunit mariin.
Si Kyron ang sumagot sa tanong ni Vanni. Tumabi na rin ito sa kanila matapos makipag-usap sa receptionist. “Jobz not married and no kids yet. Wala ngang chicks yan ngayon.”
“Ikaw si Jobz? Spokesperson ka niya?” Sarkastikong tanong ni Vanni kay Kyron.
“And Jessica is not on the picture anymore, mga three years ago na rin.”
“Alam mo, Ky, pogi ka sana, chismoso ka lang and spokesperson wannabe.” Muling pambabara ni Vanni dito. “Hindi ba pwedeng si Jobz ang magsalita? Bawal ba? May talent fee ba boses neto?”
“Uy! Thank you sa compliment!” Ani Kyron na nag-pa-cute pa.
“Bwiset,” si Vanni ulit.
Muling inawat ni Alj ang kaibigan. “Tumigil ka na, Vannielyn.” Ang kulit talaga!
“Ay, galit na si Madam.”
“Isa.” Mahina ngunit mariin niyang sita pa rin sa kaibigan.
Maya-maya lang ay dumating na ang taong susundo sa kanila at tutungo na sila sa isang meeting room.
Isang babae ang lumapit sa kanila at nagpakilala bilang Grace, “Hi! I’m Grace. Jobz and Alj?”
Sabay silang tumayo ng lalaki at nakipagkamay kay Grace. Nginitian din niya ito at pilit na itinatago ang kabang nararamdaman. At that moment, she didn’t know what to exactly feel and to expect. Go with the flow na lang. Para sa pamilya, sige lang, push!
Yet she remained calm, “Hi, Ms. Grace. I’m Alj.”
Nakipagkamay rin si Jobz dito. “And I’m Jobz. And kasama po namin friends namin, this is Kyron, the one who sent the entry and this is Vanni.” Pakilala ni Jobz sa mga ito kay Grace.
“Hi!” Masaya naman nitong balik-bati. Muli nitong itinuon ang pansin kina Alj at Jobz. “Jobz and Alj, let’s go na to the meeting room? We have a pantry there where your friends can wait.” Itinuro ni Grace ang isang pasilyo.
“Thank you.” Sabay nilang tugon ni Jobz.
Nagpaalam na sila sa mga kaibigan nila at sumunod na kay Grace. Muling nilingon ni Alj ang kaibigan at waring nagbibigay ng warning na manahimik. Vanni just rolled her eyes.
Ayon kay Jobz ay isang oras lamang ang itatagal ng kanilang meeting. Sumakay na sila ng elevator. Pigil ang kanyang hininga ngunit dinidiktahan niya ang sarili na kumalma lang. She’s nervous yes, but she knows how to handle it.
Ano ba’ng nakakakaba sa sitwasyon niya ngayon?
Kasama niya sa Jobz sa elevator at hindi pa rin sila nagkikibuan habang si Grace naman ay binabasa ang papel na hawak nito.
Tumigil ang elevator sa ika-labindalawang palapag at muli silang hinarap ni Grace. “I’ll just get something from my office. Derecho na kayo sa 20th floor. The first meeting room na makikita niyo sa kanan is the board 5 room. Una na kayong pumasok doon.”
Tumango sila ni Jobz and the elevator closed again.
‘s**t! Ang awkward!’
Jobz broke the dead air between them. “Kumusta ka na?”
Sagutin niya kaya ito na happily married na siya? “’K lang.”
“Ang tipid mo pa ring sumagot.”
“At least sumasagot. At least nagsasabi.” Hindi niya intensyon ang magparinig pero parang ganun na nga. “I mean, at least I know how to inform everyone what should they know. And totoo, okay lang ako. Kaya ‘k lang.” She then shrugged her shoulders.
“Alj…” Alanganin ang tono ni Jobz.
Alj was saved by the elevator ting! “We’re here.” Aniya at medyo plastic na nginitian si Jobz.
Kaagad nilang nahanap ang meeting room. May ilan ng mga tao ang nandodoon at nagpakilala ang mga ito sa kanila.
They are the committee heads of the songwriting competition that they joined. Maya-maya lang ay muling nagpakita si Grace sa kanila at sumama na rin ito sa meeting nila.
Contracts, conditions and schedules of the competition were laid on their front.
Considerate naman ang terms and conditions with them so they both agreed to it. There were some notes and lyrics na kailangang ayusin sa kanta and they need to submit it two weeks from now. Once the song is fully polished and approved, official recording na then creation of music video. They also have to do an interview. And by the end of the month ang announcement ng winner. Sampu silang finalists and one of them will win 1 million pesos.
Nakilala na rin nila ang magiging interpreter ng awitin. It was a decision done by the management.
Ngunit kung siya ang tatanungin ay mas gugustuhin niyang si Jobz na lang sana ang maging official interpreter. Karapatan naman niya iyon and he deserves it. Maganda ang boses ni Jobz. Kaya nitong makipagsabayan sa mga magagaling na mang-aawit ng bansa. But he chose to be low-key at gawin lang libangan ang musika.
Ang tinig ni Jobz ang madalas humele sa kanya noon. Halos gabi-gabi ay magkausap sila sa telepono at lagi siya nitong kinakantahan na may kasama pang pag-gi-gitara. Ipinaranas sa kanya ni Jobz ang modern harana style ng panliligaw noon.
But everything’s in the past now. No more late-night talks, no more sweet messages in the morning, no more “kain na” every meal time and no more video calls.
Medyo LDR ang peg nila noon. Jobz is living in Bataan habang siya naman ay taga-Makati. Their connection was strengthened by the modern way. Telepono, internet at laptop ang sandalan nila para makilala nila ang isa’t isa nang mabuti at mas malalim pa. They usually meet whenever there’s time and it's either siya ang lumuluwas or si Jobz.
After an hour ay lumabas na sila ni Jobz ng meeting room at naiwan pa roon ang buong management team. Kakausapin pa ng mga ito ang ibang nominees.
They were back on that awkward, bullshit elevator.
“Sure ka, okay lang sa’yo lahat ng conditions nila?” Tanong ni Jobz sa kanya. Itong muli ang bumasag ng katahimikan and awkwardness sa pagitan nila.
“Yes.” Maikli niyang tugon. Itinuon niya ang mga mata sa buttons ng mga numero sa dingding ng elevator.
’21,20,19,18,17’ Nililibang ni Alj ang sarili. Lihim din niyang ipinagdarasal na sana ay nasa ground floor na sila agad-agad. As in now na.
“That’s all you can say?”
Natigil siya sa pagbibilang ng mga numero na nasa pader ng elevator at hinarap ang lalaki, “Ano ba dapat?” May bahid ng pagtataray ang tonong ginamit niya.
“Tell me what you truly feel. Tulad dati. Lahat sinasabi mo. You speak your mind. You always let-”
“Excuse me?” Sabat niya sa sinasabi ng lalaki. “Excuse me lang ha, wala na ‘yung dati, Jobz. People change and so are feelings. Ayos lang. That’s what I feel right now. Okay na?”
“You’re not okay, Alj. We are not okay.”
Hindi na napigilan ni Alj ang sarili. Nawala na ang pagiging kalmado niya, “Then just shup up! “Just. Shut. Up.” Madiin iyon.”
“I can’t shup up! We need to work things out para sa mas magandang output ng kanta natin. We have to fix-”
Fix?
Pinutol niya ulit ang mga sasabihin pa sana ni Jobz. Wala nang maaayos! Sira na ang lahat, “It can never be fixed, Jobz. Wala nang dapat ayusin pa.” For her, Jobz was not good enough to fix everything, anything.
Their good relationship before, their genuine friendship, her gained-back trust, her love… Jobz destroyed everything without even telling her the reasons why.
She was calmed again, maintaining her posture, “I mean…I hope they just leave the song as it was. Next week na tayo mag-usap or just e-mail the things that you need from me for that song. Bye.” Muli na niyang tinalikuran si Jobz.
Paglapag sa unang palapag ng elevator ay dali-dali na siyang tumungo sa pantry upang kitain ang kaibigan. Ihahatid pa niya ito sa tahanan nito sa Malate. “Let’s go Vanni. Bye, Ky.”
Ngunit may mahigpit na humawak sa braso niya at ma-otoridad itong nagsalita. “WE will go together.” Mariing wika ni Jobz. Tila ba may pagbabanta sa boses nito kapag hindi siya pumayag sa gusto nito.
‘Still as aggressive as ever.’
“Ky, please take care of Vanni. May mahalaga lang kaming pag-uusapan ni Alj.” Inihagis nito ang susi kay Kyron. “About the revision of the song.”
Alj just looked at Vanni at marahang tumango. There were questions in Vanni’s eyes but Vanni gets her.
Ayaw na rin niyang gumawa pa ng eksena sa kung nasaan sila. Mamaya na niya papagalitan ang sarili kung bakit siya nagpatianod sa gusto ng lalaki.