Chapter 3

2509 Words
“Tell me your name, sweetheart,” Hubert whispered. We are sitting on the roof deck where we can see the people having fun at his party. Ang kaniyang kamay ay sobrang malikot pero hinahayaan ko lang iyon. Matanda na nga si Hubert Moulin at mukhang walang asawa o pamilya. “I’m Ivory,” I introduced. I gave him a seducing smile. “Tell me about yourself, monsieur.” Humalakhak siya. “Why are you interested in me?” Hinayaan ko siya na akbayan ako. He kneaded my legs while giving me a nasty grin stretched on his lips. Sa loob-loob ko ay maiinis ako pero isa itong misyon. My father trained me for this kind situation. I just have to go with the flow. “Hmm…” I pouted. Gumapang ang kamay ko sa dibdib niya. “I like a man like you.” “A man that can give you the whole world?” Bumungisngis ako. “Indeed.” “Why are you taking so long?” si Hansen na nagsalita sa earpiece. Halata ang inip sa kaniyang mukha. “You look like you're having fun there, huh.” Pinilit ko pa rin ang ekspresyon ko kahit naiirita ako sa sinasabi ni Hansen. Kung alam niya lang na nandidiri ako sa kung paanong paraan ako hawakan ni Hubert! Kung pwede ko lang siya bigyan ng masamang tingin nagawa ko na kaso nakatitig sa akin si Hubert kaya ayaw ko ma-compromise ang misyon. “Do you know that I am teaching at the University in Provence,” he said. Kinuha niya iyong champagne at sumimsim siya. “Are you still studying?” “Tell him yes!” si Dos na nagsalita rin sa earpiece ko. I smiled. “Yes.” “Also… tell him that you are gonna transfer there,” Dos added. “Such a small world, Mr. Moulin. I’ll study there for my first year of college.” Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Kahit ba isa na siyang billionare ay nagtuturo pa rin siya sa isang unibersidad. Being a businessman and a professor is easy for him, huh? Tinagilid ko ang mukha ko para sumimsim din ng champagne at nakita ko si Hansen na may kausap na babae sa baba. “I am teaching Biochemistry. I might be your professor,” si Hubert habang tumatawa. Binalik ko ang tingin sa kaniya. “We’ll see about it. How did you manage to be a businessman while teaching?” “Maybe it is one of my talents, probably.” In my peripheral vision. Hansen was casually talking to a woman who was wearing a blue dress downstairs. He was grinning from ear to ear while the woman was almost holding him like a koala. Napalunok ako at binunton ang tingin kay Hubert. Bakit ang chill lang niya? Paano kung may nangyari sa akin na masama rito? Kainis! “Can I take a dip, Mr. Moulin?” He grinned. “Sure sure… swim in the pool all you want.” His yacht is so huge to the point we can all fit in here. Siguro napansin ni Hansen na bumababa ako kaya nasa akin na ang atensyon niya. Tinaasan ko siya ng kilay pero sa isang iglap ay hinubad ko ang dress ko para lumangoy. Everyone cheered when they saw me almost naked. Nilingon ko si Hubert na nakatanaw sa akin. I gave him a flying kiss to tease him a little bit. Dumaan ako sa hagdanan kasi ayaw ko mabasa iyong earpiece. Nagtagis ang panga ni Hansen habang pinagmamasdan ako. Tiningnan ako ng babae kasi wala na ang pokus sa kaniya ni Hansen. “It’s not your job to flirt around, Hansen,” I sneered. I just took a dip. Mukhang pwede muna ako magrelax dito sa yate ni Hubert. Nakatanaw pa rin si Hubert sa akin habang nag-aalab ang mata niya. Some men are whistling to show me that they are cheering for me. Ngumisi ako lalo. Medyo lumapit si Hansen sa akin para ma-maintained ang distansya sa pagitan namin. He was crossing his arms while clenching his jaw in annoyance. Iniwan niya na iyong babae kaya nalungkot sa gilid. Parang gusto ko matawa. “What are you doing?” Dos inquired. “I am taking a dip in a pool. Mas lalo nagkaroon ng interest sa akin si Mr. Moulin,” I answered. I saw Hansen rolling his eyes. Napailing na lang siya. I mean, it’s fun to do something different. Kahit ba na nagp-party lang ang iba pero walang nagtatangka na lumangoy. Edi ako na lang ang umiba kaya mga lalaki ay tumalon na rin sa pool. I watched Hubert whispering again to his bodyguard. Mukhang may pinapasabi ito. Tumango sa kaniya ang bodyguard niya kaya bumaba mula sa roof deck at naglalakad sa gawi ko. Yumuko ang bodyguard para marinig ko siya. “Mr. Moulin said that he will give you some rob. And he needs your number.” Humarap ako sa gilid ng pool. Nakapatong ang baba ko sa gilid habang nakataligid. Nakangisi ako. Sino nagsabi na mahihirapan ako sa misyon na ito? Hindi! “Tell him that I’ll give him my number…” Bumungisngis ako. “Here is the digit, Ivory. Repeat after me,” si Dos dahil narinig niya ang sinabi ng bodyguard sa akin. Binanggit niya ang numero at sinabi ko iyon sa bodyguard. “I’ll take care of messaging him. You can go back now.” Bumalik na muli ang bodyguard ni Hubert sa roof deck. Tumalikod ako habang dinadamdam ang lamig ng swimming pool. Ngayon lang ulit ako nakapag langoy sa pool dahil nung nawala si Papa ay puro pagtatago ang inatupag ko. I chortled. “I mean… where’s the fun? I am still taking a dip.” “Let’s go now,” Hansen demanded. I shot my eyes in his direction. “I am still having fun, loser.” “Do you want me to carry you? I will gladly do it, Ivory.” “Then you are f*****g stupid to do that!” I hissed. Inirapan ko siya. Mabuti na lang hindi napansin ni Hubert na parang may kausap ako sa hangin. Lumangoy na lang ako at malayo at biglang nag beep iyong bracelet ko. Namilog ang mata ni Hansen at mabilis siya naglakad palapit sa akin. Humagikhik ako. “Do you want us to die?” his voice is deep and full of sarcasm. “Sabihin mo lang kung gusto mo magpakamatay.” “Pwede ba kayo mag focus sa misyon niyo?!” si Dos na mukhang naiirita na sa amin dalawa. I scoffed. “We are not going to work out as partners. Sana ako na lang mag-isa.” Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan ko pa maging partner si Hansen. Magtatalo at magbabangayan lang kami palagi kapag nasa misyon kami. Hindi kami sumasang-ayon sa isa’t-isa. Sa sobrang inis ko ay nag stay lang ako sa pool. Naiinis ako sa Montepalma na ito. Pagkatapos ng misyon ay muli kami bumalik sa mansyon ng Marseille. Wala kaming imikan ni Hansen. Nakakrus lamang ang kamay sa dibdib para malaman niya na naiinis ako sa kaniya. Ang mahalaga nagkaroon ng interes sa akin si Hubert. Pumarada ang sasakyan sa garahe kaya nauna na ako bumaba habang hindi siya hinihintay. Mukhang nataranta siya kasi tutunog na naman ang bracelet namin dalawa. Hinabol niya ako halos hingalin siya. “Will you stop for a while, woman!” he exclaimed. Hinigit niya ang braso ko at nagdidilim ang tingin ko sa kaniya. “Why are you keeping your distance away from me! We tied together, Ivory!” I chuckled with sarcasm. “Oh, I’m sorry. Hindi ko naman intensyon na sumabog tayo dalawa.” “Not intention? But you are walking away from me!” “Ay kailangan ba na lagi tayo magkadikit? Ganoon ba iyon?” Nagsalubong na ang kilay ko sa sobrang inis sa kaniya. “Kaya ko naman mag-isa ang misyon na ito!” “Then f*****g tell that to them! Hindi ko rin naman ginusto ito!” He barked. “Kung pwede lang ay tumakas na ako at humingi ng tulong sa pinsan ko pero hindi pwede! I am tied with you, Ivory!” I rolled my eyes. “Ano ba maitutulong mo? Lumandi kung saan-saan? Paano kung napatay na pala ako?” Naalala ko na naman iyong paglalandi niya sa isang babae sa yate parang nakalimutan na may misyon kaming dalawa. Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko pero napalitan iyon kaagad ng ngisi. “Are you jealous?” Napailing na lang ako. Mabilis ko siya tinalikuran. Wala na naman kasi kwenta iyong pinag-uusapan namin. Hindi niya maintindihan na siya ang back up ko kapag may nangyari sa akin na masama pero busy siya sa babae! Akala niya ay normal na naman ang buhay niya bilang isang mayaman na Montepalma. “Oh, you are really jealous?” he added. Halata na natutuwa siya. “Sabihin mo lang kung nagseselos ka. Hindi iyong lalayo ka para sumabog tayo dalawa!” “Va te faire foutre!” I even raised my hand to give him a dirty finger. Humalakhak lang siya akala mo’y hindi nagalit sa akin kanina. Bahala na talaga siya sa buhay niya. Sumalubong sa amin si Vivian na nakahalukipkip. Pero dinaanan ko lang siya. Mas pipiliin ko pa na matulog na lang sa bartolina kaysa kausap ang dalawa. Napanganga pa nga si Vivian dahil dinaanan ko lang. Wala ako panahon sa inyo! Kinaumagahan ay nag-work out lang ako sa harapan ni Hansen. Mabuti na lang ay palagi siyang late nagigising pero ako ang unang natutulog. Kaya hindi talaga kami nag-uusap. Kung mag-uusap man kami ay baka magsagutan na naman kami. Umupo muna ako sa sahig at matagal ko tinititigan ang bracelet. Kahit anong gawin ko ay hindi talaga siya natatanggal. Sobrang higpit niya sa palapulsuhan ko. Napanguso ako habang nag-iisip ng plano ba makakatakas dito. Pinagmasdan ko si Hansen ngayon na humihilik pa. Napairap ako sa hangin. Napaisip din ako kung gumagawa na ba ng aksyon ang pamilya niya. Alam ko na hindi papayag si Damon na kidnappin ang pinsan niya. Unless… he is not that important. Probably. Kasi hindi naman siya kasali sa organization. Naalala ko ang pinag-uusapan namin ni Papa. Napatingin ako sa bintana na nasa taas at biglang lumiwanag sa isipan ko at bumalik ang alaala ko sa dati. “Ivory,” Papa called. Nilingon ko siya. “Yes?” Nandito kami ngayon sa bakuran namin kung saan tine-train ako ni Papa kung paano lumaban. I’ve learned how to do combat fighting and even use a gun! Isang gangster kasi rito si Papa kaya hangga’t maari ay may kaalaman ako paano lumaban. “Do you know the family of Montepalma?” “I’ve heard a lot about them. Bakit?” “Sabi ni Raphael na naging kalaban niya ito dahil ang anak niya ang dahilan bakit patay na ang kakambal ni Damon Montepalma,” he explained. Napailing ito habang nagpupunas ng pawis sa leeg. “Medyo nagiging alanganin ang grupo namin dahil sa ginawa ni Vivian.” Napangisi ako. “Bali-balita na iniwan kasi siya ni Damien kaya gumanti!” Humalakhak ako tila natatawa sa nangyari kay Vivian. First year pa lang ako sa unibersidad kung saan parehas lang kami nag-aaral. Sila ay third year na kaya hindi ko naman sila nakakasama. At hindi rin kami ayos ni Vivian kasi palagi na lang siya inis sa akin. Hindi ko nga alam ang rason kung bakit. Sikat sina Damien at Vivian sa campus dahil alam ng lahat na sila. Ayun ang chismis sa campus kaya nalalaman ko lang din. Pero ang sabi naman ng iba na tinanggi ni Damien ang tungkol sa kanila kasi wala naman talaga namamagitan sa kanilang dalawa. Lalo na kumalat sa buong estudyante ang pananakit ni Vivian. Buntikan na siya ma-expelled. “Kaya kung ako sa’yo lumayo ka sa mga Montepalma baka ikaw pa ang pag-initan ng babaeng panganay ni Raphael.” I scrunch my nose. “Papa… kaya ko nga patumbahin si Vivian e.” “Amo ko ang tatay nun. Kaya huwag mo subukan na kalabanin si Vivian, hija.” Napanguso ako. Hanggang sa naamoy ko ang luto ni Mama kaya kaming dalawa ay pumunta sa kusina. Nakita ko na nagluluto na si Mama ng tanghalian namin. Niyakap naman siya ni Papa patalikod. “Ivory!” Bigla ako bumalik sa reyalidad nang tapikin ako ni Hansen. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako ng mabuti. Napalunok ako at iniwas ang tingin. Naalala ko na naman ang alaala ng pamilya ko. Sobrang saya namin tatlo. Payapa kami naninirhan sa Marseille kaso sinira lang iyon ni Raphael. Tumayo ako at tinabig ang kamay niya. Ayaw ko na kaawaan niya ako. Kinuha ko iyong bimpo para punasan ang mukha ko. Tapos naman na ako mag work out kaya pwede na ako maligo. “Are you okay?” he asked. “Yes,” I replied. Nilingon ko siya at binalik ko ulit ang ngisi sa labi ko. “Bakit naman ako hindi magiging okay?” His brooding eyes examined my expression before he took a deep breath. Nakapamewang siya sa harapan ko. “You are preoccupied. Kanina pa kasi kita tinatawag.” I arched my eyebrows. “Ano na naman ang kailangan mo?” Tinalikuran ko siya at kumuha ng malamig na tubig sa maliit na fridge. Tinungga ko ang isang malamig na tubig. Hindi pa rin siya nagsasalita, hudyat na naghahanap ng tsempo. “Ano ba ang gusto mong sabihin? Para maligo na ako,” I hissed. “I don’t know how to fight,” he admitted shamelessly. Nakita ko ang pagpula ng pisnge niya at iniwas ang tingin sa akin. “I did not train to fight.” Napanguso ako para pigilan ang pagtawa. Parang baligtad kasi siya ang lalaki sa amin dalawa. Napalunok siya ng ilang beses habang hinihintay ako sumagot. “Are you seriously ask me to train you, Montepalma?” Ngayon ako naman ang pwedeng tuksuhin siya. Marahas siya bumuga at tinalikuran ako. Mukhang siya naman ngayon ang naiinis sa amin dalawa. Humalakhak ako para inisin siya lalo. He groaned. “Don’t f*****g laugh at me!” “Nakakatawa lang kasi dahil ang isang pinakamayaman na lalaki sa buong asya ay humihingi ng tulong sa akin?” I teased. Lumawak ang ngisi sa labi ko. “Bakit hindi ka paturo kay Damon?” “Mukha bang nandito siya?!” He frustratedly messed up his hair. Mas lalo ako natawa sa kaniya. Kaya naman pala puro landi ang ginawa kahapon kasi hindi naman pala ako kayang sagipin kapag kailangan siya. Mukhang magiging display lang siya kapag magkasama kami. He glared at me. “I’m serious. Teach me how to fight.” “Ano kapalit?” Humakbang siya palapit sa akin. Nawala ang ngisi ko dahil sobrang lapit namin sa isa’t-isa. Naramdaman ko iyong pader sa likod ko. Akmang tatakas ako nang ikulong niya ako sa bisig niya. Napalunok ako. “Teach me and I’ll help you to escape with me,” he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD