Matapos kumain ang barkada ni Danica at lumabas na sila sa restaurant. Tiningnan ni Danica ang wrist watch. Napansin niyang alas tres na ng hapon kaya naman nagpaalam na siya sa mga kaibigan dahil may usapan ang klase nila na magkakaroon sila ng practice ngayon. “Una na ako, guys!” Napalingon ang mga kaibigan niya na kasalukuyang naglalakad pababa ng 3rd floor, “May practice pa kami. Next week na ang presentation natin, eh,” paalam ni Danica. “Sipag niyo naman. Kami nga wala pang sinasabi si Audrey kung kailan ulit,” kumento ni Summer. “May trainor naman kasi kayo,” ani Danica. “Sabagay. Mga night owl din naman ang Class A,” natatawang sagot ni Summer. Her friends also bid goodbyes at siya naman ay naglakad na pabalik sa campus para sa practice nila. Ilang lakad na lang ay nasa exi

