Stunned pa rin si Danica. Hindi niya inaasahan na hindi pa pala sapat ang mga kwento at chismis ng mga kaibigan niya. Mas malala pa rin na marinig ito mismo kay Benedict. Hindi na naalis sa utak niya ang mga sinabing iyon ni Benedict. Hanggang ngayong kasama niya ang kaniyang pinsan na si Jio. “What do you think about it?” Natauhan si Danica nang marinig ang boses ni Jio na kasalukuyang nagmamaneho papunta sa isa sa mga lugar na pagpipilian nila. “Huh?” nagtataka niyang tanong pagkalingon sa pinsan niya. “You are not listening,” Jio stated as a fact. “Sorry. Ano ulit ‘yon?” hingi ng paumanhin ni Danica. “Nevermind. Lumilipad pa ata ang isip mo. Tapusin mo muna ‘yan,” wika ni Jio. Napanguso na lang si Danica saka umayos ng upo. Hinawakan niya ang seatbelt na nakakabit sa kaniya bago

