“Teka! Teka! Kailan pa?!” namimilog ang matang tanong ni Danica. “Kahapon... nagkita kami,” nakangiting sagot ni Ross. Nakaawang ang labi nila Danica. “Kaya pala kinausap mo ako kanina. Nagpapalakas ka,” nang-aasar na sabi ni Danica. “Hoy! Hindi! Grabe ‘to. Ang kaibigan ni Ross ay kaibigan ko na rin,” nakangiting wika ni Britney. Napatawa na lang din sila. “Congrats sa inyo! Landian well,” may pang-aasar na wika ni Lilian. “Sure! Thank you!” malawak ang ngiting turan ni Ross. Napuno ng asaran at tawanan ang table nila Danica hanggang sa matapos silang kumain. Mabilis din dumaan ang oras at uwian na nila. Nag-usap din ang grupo ni Danica para sa kabuuan ng research nila. “Let’s meet on Monday after class para makapunta tayo sa library at makahanap tayo ng references,” suhestyon ni

