“Ang aga ninyo, ah,” hindi makapaniwalang sabi ni Danica pagkalapit sa mga kaibigan saka inilapag ang mga bitbit. Humikab si Alex habang pumupungay pa ang mga mata. “Walang hiya kasi ‘tong si Krizza. Tumawag nang tumawag sa group chat kaninang 5 am. Pati si Mama nagising kaya hinagis sa’kin ang cellphone ko. Kaya ayan, pati sila inaantok pa ang mga kaluluwa no’ng sinagot ko kasi sinigawan ko kung sino man ang damuhong tumatawag,” walang ganang sabi nito sabay turo sa ibang kaibigan na nakaupo na sa lapag at mga nakapikit. “Kasalanan ko ba na nagpuyat kayo? Sinabi na kasi na maaga tayong aalis,” natatawang sabi ni Krizza. “Mas maaga pa ako pumunta rito kaysa pumasok sa klase tuwing may pasok,” inaantok na sabi ni Ronalyn bago humikab. Umiiling na tumatawa si Danica saka sinagot ang mga

