Nang makalabas na si Danica ay inayos niya ang off-shoulder dress niya. Kinapa niya rin ang choker niya kung maayos ang pagkakalagay nito. She’s wearing an edge heels pero hindi naman siya nahirapan dahil sanay siya sa takong. Minsan niya lang ayusan ang sarili kaya naman sinamantala niya na. Naglugay siya at naglagay ng light makeup to highlights her face features lalo na ang mga mata niya. Mata ang paboritong parte ni Danica sa kaniyang katawan. Kaya naman alagang-alaga niya ito. Nang makalabas ng bahay ay pinagtitinginan siya dahil sa ayos niya. Hindi niya na lang pinansin ang mga ito at nagtuloy-tuloy hanggang sakayan. Isang small shoulder bag at paper bag lang ang dala niya kung nasaan ang ipangreregalo niya. Pagkarating sa downtown ay naabutan niyang naglalagay na ng design ang

