Tumatawa pa rin ang dalawa hanggang sa makarating sila sa kotse. Inalalayan ni Danica si Jio na makaupo sa driver’s seat. “Grabe ka,” reklamo ni Jio. “Serves you right,” aniya na bahagyang dumila pa sa pinsan habang nakasimangot itong nakaupo sa driver’s seat. “Pasalamat ka ako na naman ang nakakita sa isa sa mga manliligaw mo,” wika ni Jio. Pinaandar niya na ang sasakyan at kahit medyo masakit pa ang paa ay hinayaan niya na lang ito tutal ay nagagalaw pa naman. Kaya pa naman kasi niyang magmaneho. Nag-overact lang siya para maawa ang pinsan ngunit parang wala naman itong epekto kay Danica. Hinampas siya ni Danica sa hita. “E ‘di thank you,” mabilis na sagot ni Danica. “Nakakailan ka na, ha! Kapag tayo nabangga, ako pa ang may kasalanan,” saad ni Jio na tumatawa rin dahil sa mukha

