Biglang bumukas ang pinto kaya nagsibalikan na sila sa kanya-kanya nilang puwesto. Habang naglalakad si Aiko ay nakita kong balik sa dati ang sophistikada at glamorosa nitong dating na suot-suot ang shades. Agad siyang napahinto nang nakita niyang nakaupo ako kaya lumingon siya sa akin. "Mr. Eric, why are you absent last 2 days?" tanong ni Aiko. Talagang magaling siyang magpanggap. Napabilib ako sa kanya dahil parang walang nangyari sa amin. Parang galit ito na bossy ulit ang dating. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko para rumesponde sa kanya. "I will explain it later madame," sabi ko sabay tumungo ulo ko kaya binalewala niya. Diniretso na lang niya ang ulo niya at naglakad papunta sa kuwarto niya saka umupo sabay inalis ang shades. Pinalitan ito ng de grado niyang salamin saka nag-t

