Naglakad na siya palabas at isinuot na ang shades niya. Parang di ako mapalagay doon sa huling linya niya kaya agad akong tumakbo para sundan siya. Nang pagpasok niya sa elevator at pasara na 'to ay agad kong pinigil at pumasok ako upang makisabay. Dalawa lang kami sa loob. Wala talagang kibuan at tahimik kami di gaya noong huli naming pagsasama. Nagulat na lang ako nang kinuha niya ang tissue sa kanyang bag at agad na pinahid sa kanyang mata na tinatakpan ng malakihan niyang shades. Nalungkot ako na tila gustong-gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad sa mga nabitawan kong salita. Ngunit di ko 'to magawa-gawa. Nasaktan ko na siya kaya wala na talagang kami. Ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Lalo na noong bumukas na ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami. Lumabas siya ng h

