Chap. 27 "Bonding"

1559 Words

Pagkatapos kong maligo ay parang di pa rin mawala-wala sa isipan ko ang mga nangyari. Tila isang suntok sa buwan lang talaga. Hanggang nagdadamit na ako at nagsusuklay ng buhok ko ay parang naririnig ko pa rin siyang umuungol na tila nandito siya sa tabi ko. Nag-longsleeve ako na polo na pinartneran ko ng slacks sabay nagpabango. Hindi ko alam kung bakit parang ang saya-saya ko na di ko maintindihan. Iba 'yong pakiramdam ko ngayon. Pagkalabas ko sa Hotel Room ko ay agad akong sinalubong ni Asuma. "Hey, Where have you been? I was looking for you for the whole day. I even checked your room number," tanong niya. Pero biglang dumating si Aiko. Parang anghel talaga sa lupa. Nakalugay ang kanyang straight na buhok. Itim na ngayon ang kulay ng kanyang buhok at hindi na brunette tulad ng dati.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD