Nakauwi na kami ng Japan. Back to reality na naman ang buhay ko. Ang dami ko na rin paintings ni Aiko hango sa di ko makakalimutang nangyari sa amin sa Singapore. Ngunit parang kinalimutan na niya ang nangyari sa amin na ikinalungkot ko. Parang ginamit lang niya ako para punitin ang hymen o lamad niya. Napag-alaman ko rin kina Mia na nagsinungaling lang daw si Mr. Araragi. Di talaga siya naisugod sa ospital. Talagang miss lang niya ang panganay niyang anak na babae. Di raw kasi sanay na may kasama itong ibang lalake. Malamang ako 'yong tinutukoy ni Mr. Araragi. At 'yong kwentong iyon ay galing sa kasintahan ni Penelope na walang iba kung di si Haku. Nabalitaan ko rin na nagkarelasyon pala dati si Haku at Asuma dahil may pagka-silahis ito. Naiilang na rin ako sa ama ni Aiko. Masyado kas

