Isang Sabado ng umaga, nagising si Serena nang walang alarm. Sa wakas, wala siyang trabaho o meeting. Naka-t-shirt at shorts lang siya, nakatali ang buhok, at plano niyang mag-relax buong araw.
Pero hindi niya inaasahan ang tawag mula kay Xander.
“Hello?” inaantok pa niyang sagot.
“Get ready. I’ll pick you up in 30 minutes.”
Napamulagat siya. “Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?”
“You’ll see. Just… dress comfortably,” sagot ni Xander bago ibaba ang tawag.
Napailing si Serena, pero napangiti rin. “Seriously, this guy… laging bossy. Pero bakit parang excited ako?”
---
Pagdating ni Xander, hindi siya naka-formal suit. Naka-gray shirt lang, dark jeans, at sneakers. Simple, pero sobrang gwapo pa rin.
“Wow,” sabi ni Serena, nakataas ang kilay. “So marunong ka rin palang magsuot ng hindi pang-boardroom.”
“Don’t get used to it,” sagot ni Xander, pero may ngiti sa labi.
Habang nasa kotse, hindi pa rin sinasabi ni Xander kung saan sila pupunta. Hanggang sa huminto sila sa isang maliit na street food strip malapit sa baywalk.
“Wait. Street food?” gulat ni Serena.
“Yeah. You said you wanted something real. So… here we are.”
Naglakad sila sa tabi ng mga stalls. May nagbebenta ng fishball, kwek-kwek, isaw, at halo-halo. Namangha si Serena.
“Hindi ko ma-imagine na si Alexander Vergara ay kakain ng kwek-kwek.”
“Neither did I. But I guess there’s a first time for everything.”
Nag-order sila ng fishball. Hawak ni Serena ang stick habang isinasawsaw ito sa sweet sauce.
“Careful,” sabi niya kay Xander. “Baka mahulog.”
Napakunot ang noo ni Xander. “I don’t drop things.” Pero ilang segundo lang, nahulog ang isa niyang fishball.
“Told you!” tawa ni Serena, halos di makapagsalita sa kakatawa.
Xander just shook his head, pero hindi maitago ang ngiti. “Don’t get used to that either.”
Matapos kumain, naglakad sila sa baywalk. Malamig ang hangin, at tanaw nila ang dagat.
“Alam mo, Xander,” sabi ni Serena, “ang ganda mo palang kasama kapag wala tayong audience.”
Napatingin si Xander sa kanya. “Meaning?”
“Meaning… you’re less scary. More… human.”
Napatawa si Xander. “So you think I’m a robot?”
“Sometimes,” sagot ni Serena, sabay ngiti.
Tahimik silang naglakad. Pero ang katahimikan ay hindi awkward—comforting ito, parang natural lang.
Habang naglalakad, biglang tumalsik ang tubig mula sa isang batang naglalaro. Nabasa si Serena sa braso at napasigaw ng mahina.
“Ay! Grabe, basa ako!”
Xander chuckled. “Relax. It’s just water.”
But then, nakita niya ang mukha ni Serena—nakangiwi, parang batang nagtatampo.
Napahalakhak si Xander. Totoo, malakas, at hindi peke.
“Xander… did you just laugh? Like, real laugh?” gulat na tanong ni Serena.
“Yes. Don’t get used to it,” sagot niya ulit, pero this time, may lambing.
Umupo sila sa bench, nakatingin sa dagat habang dahan-dahang lumulubog ang araw. Tahimik lang silang dalawa, hanggang sa biglang magsalita si Xander.
“You know… I never thought I’d enjoy something this… simple.”
Napatingin si Serena sa kanya. “Why? What do you usually do on weekends?”
“Meetings. Deals. Work. Repeat.”
Natahimik si Serena. Sa unang pagkakataon, naisip niyang baka si Xander ay hindi lang cold o bossy—baka sanay lang siyang mag-isa.
“Xander,” sabi niya, malumanay. “You don’t always have to be in control. Sometimes, it’s okay to just…