Maganda ang simula ng araw para kay Serena. Pagkatapos ng gala, mas naging malinaw na kay Xander kung ano ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Kahit walang malinaw na label, ramdam niyang mas totoo at mas malapit na ang binata.
Ngunit gaya ng lahat ng bagay, hindi palaging madali.
---
Isang gabi, abala si Serena sa kanyang workshop. Nakatambak ang mga sketches at tela sa paligid. Naka-puyat mode na naman siya—nakapusod ang buhok, nakasuot lang ng oversized shirt, at walang makeup.
Ngunit kahit pagod, maganda pa rin siya.
“Ano ba ‘to… bakit hindi pa rin perfect ‘yung design?” bulong niya, halos maiiyak sa frustration. Ilang araw na siyang kulang sa tulog, at ramdam niya ang bigat sa balikat.
Sa gitna ng pagod, biglang tumunog ang kanyang telepono. Isang simpleng text lang mula kay Xander:
> Still awake?
Napangiti siya kahit stressed. Agad siyang nag-reply:
> Yeah. Working. Why?
Hindi na siya nakatanggap ng reply agad, pero ilang minuto lang, may kumatok sa pinto.
Pagbukas niya ng pinto, nandoon si Xander. Naka-casual lang ito—white polo shirt, sleeves rolled, at dark jeans.
“Xander? What are you doing here? It’s almost midnight!” gulat na tanong ni Serena.
“Your voice sounded tired in your text,” sagot niya, parang wala lang. “So I came.”
Napanganga si Serena. “You… came? Just like that?”
“Why? Don’t you want me here?”
Napailing si Serena, bahagyang natawa. “No, it’s not that. It’s just… you surprise me sometimes.”
Pumasok si Xander at tiningnan ang kalat sa mesa. Mga sketches, tela, at ilang unfinished gowns.
“You’ve been working too hard,” sabi niya.
“I have deadlines. Clients are waiting. Fashion isn’t just pretty dresses, Xander. It’s survival.”
Tahimik lang si Xander, pero ramdam niya ang bigat ng pinapasan ni Serena. Lumapit siya sa mesa, kinuha ang isang sketch, at tumingin dito.
“You’re amazing, Serena. And you don’t need to kill yourself proving it.”
Nagulat si Serena sa kanyang tono. Hindi ito yung cold businessman na lagi niyang nakikita—kundi isang lalaking may malasakit.
Habang nagsasalita si Serena tungkol sa pressure at pagod, hindi na niya napigilan ang sarili. Napahinto siya at biglang tumulo ang luha.
“Sometimes… I feel like I’m not enough. Like no matter what I do, it won’t matter.”
Biglang lumapit si Xander at walang sabi-sabi, niyakap siya. Hindi iyon mabilis o awkward na yakap—mahigpit, matatag, at parang sinasabing “You’re safe with me.”
Nanlaki ang mata ni Serena sa gulat. Hindi niya inakalang gagawin ito ni Xander. Pero sa sandaling iyon, bumigay ang lahat ng tensyon sa katawan niya. Yumakap siya pabalik, mahigpit, parang ayaw niyang bitiwan.
Tahimik lang sila. Wala ni Isang nagsalita. Tanging tunog lang ng t***k ng kanilang puso ang maririnig.
Pagkatapos ng ilang minuto, bahagya silang naghiwalay. Parehong namumula, parehong hirap magbitiw.
“Xander…” mahina ang boses ni Serena.
“You’re not alone anymore,” bulong niya, seryosong nakatitig sa mga mata niya. “As long as I’m here, you’ll never be.”
Hindi alam ni Serena kung anong sasabihin. Pero sa loob-loob niya, ramdam niyang may bahagi ng pader sa kanyang puso ang unti-unti nang na bumabagsak..
Umupo sila sa sofa, magkatabi, tahimik. Si Xander, nakahilig ang braso sa balikat niya, at si Serena naman, nakasandal sa dibdib niya. Hindi nila kailangang magsalita.
For the first time, naramdaman nilang totoo ang pagiging mag-partner. Hindi lang sa kasunduan, hindi lang sa halik—kundi sa yakap na puno ng tiwala at init.
At bago makatulog si Serena, huling narinig niya ang boses ni Xander, bulong na halos hindi marinig:
“I think I’m falling for you.”