"Dude, enough. Ang dami mo ng nainom. Hatid na kita sa bahay mo," nag-aalang wika ni Jaeden, ngunit hindi ito umiimik, nakatitig sa kawalan. Sobranng awang - awa siya sa hitsura nito. Tila hindi isang CEO ng kompanya. Pilit niyang inaagaw ang hawak nitong bote ng wine ngunit mahigpit nitong hinahawakan ni Miguel. Ngunit na patigil si Jaeden sa pag-agaw sa bote ng mapansin nitong unti-unting dumaloy ang luha sa pisngi nito. Nagtataka siya bakit nagka ganito na naman ang pinsan niya minsan na niya itong nakita na ganito tila nawawala sa sarili noong namatay ang dating asawa nito. Mabuti na lamang at dumating sa buhay ni Miguel ang anak nitong si Rafaela kung hindi baka tuluyan ng nabaliw ang kanyang pinsan. Nanatili niyang pinagmasdan ang kanyang pinsan na ngayon ay hindi pa rin ito um

