Pupungas-, pungas pa ang kanyang mata ng magising si Miguel. Inabot niya ang kanyang cellphone na kanina pa tinutunog na nakapatong sa kanyang bedside table. Katabi ang lampshade, ang solong larawan ni Marga. Matamis ang ngiti nito sobrang maaamo at inosenting mukha nito at hindi pa rin nawawala ang kanilang wedding pictures noon sa City hall. Si Jaeden pa ang kumaha ng larawan sa kanila. Ngunit hindi cellphone ang kanyang unang kinuha kundi ang larawan ng dati niyang asawa. Niyakap niya ito ng mahigpit. Marahan sinabunutan pa niya ang kanyang sarili, hindi niya ito nakatabi dahil sa labis na kalasingan. Hindi na niya alam kung sino ang ang naghatid pauwi kagabi, pero kaagad din niyang naalala na wala na man ibang maghatid sa kanya maliban sa pinsan niyang si Jaeden. "Good morning, baby

