CHAPTER 1

2333 Words
"It's about time, Manega!" Taas noo at di mapigil ang ngiti ni Frianka Hera Wurzel, habang sinusuri ang kabuoan sa body size mirror. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya dahil sa wakas!Dumating na rin ang una at huling araw na pagkikita nila ng sendika. Ang lalaking nag-iisang pumasa sa manega niyang panlasa. Mula sa loob ng opisina ng Police Detective ay patuloy lang sa pag papaganda niya mula ulo hanggang paa. Inisa-isang mabuti ang bawat parti ng katawan kung perpekto na ba, para wala ng masabi ang halimaw na kahaharapin. "Mabango at walang balakubak na buhok. Check!" Unang sambit niya kasabay ng pag check niya sa hangin gamit ng isang make up brush. "Makines na mukha, matangos na ilong at mapang-akit na labi. Check!" Ikalawang sambit niya. "Vital Statistic! 34..25..36. Check!" sabi niya habang kinukorte ang katawan gamit ng mga kamay. At panghuli inangat niya ng maxi dress niya saka inilabas ang mapuputi at makikinis niyang binti. "Flawless.. and Long... Leged. Check!" "Bullsh*t!" Isang mahina ngunit malutong na mura ang nagpatigil sa kanyang kagalakan. Nilingon niya ang nag mamay ari ng boses at napangiti nalang siya nang makita ang kanang kamay na Police Detective. "War..vez.." malambing niyang tawag. "Talagang hindi ka ba papaawat, Frianka? Mukhang tuloy na tuloy na iyang kahibangan mo!" "Ano ba yan.. Ang asunget naman.." Umalis siya sa harap ng salamin. Ibinaba ang make up brush sa office table saka dinampot naman ang Poison Ivy Perfume. Binuksan niya ang pabango. Nilapitan niya ito ng may ngiti sa labi saka d'on nag spray sa harapan nito. "Akala ko ba napag-usapan na natin 'to, Police Detective Cedric Warvez?" Gigil nitong kinusot ang ilong saka siya tinitigan ng masama. "Look, Frianka! Kahit ilang beses na natin itong pinag-usapan ay iisa lamang ang sagot ko sa'yo!" Pinaningkinitan niya ito ng mata dahil panira ito ng mood, pero syempre ayaw naman niyang pati siya ay mahawa sa bad vibes ng kaibigan. "Ano ba naman 'yan, Manega! Nandito na, oh. Hindi mo ba nakikita kung gaano ako kaganda at kung anong pag hahanda ang ginawa ko para mag mukhang bata at fresh sa paningen ng Sindikato na'yon?" "Iyon na nga Frianka! Isang pesteng sindikato ang natipuhan mo! Bakit naman kasi sa dinarami-rami ng lalakeng na gugustuheng mong bigyan ka ng tagapagmana ay sa pesteng S*x Addict pa!" "Sssh! Baka may makarineg sa'yo!" "Isa kang baliw, Frianka!" "Hindi ako baliw, nag re-search ako ng todo-todo! Siya lang talaga ang namumukod tanging pumasa sa panlasa ko! Ang hindi nagpatulog sa akin ng ilang gabi dahil sa kaka-imagine ko kung gaano kalupet na posisyon ang gagawin niya at kakaibang lahing maibibigay niya!" "Alam mo ba kung sino ang nagdala sa kaniya dito sa prisinto, hmm?" Isang katanungang mas lalo nagpangiti sa kaniya. Oo alam niya kapag mataas na posisyon ang nagpasok sa isang kulungan. Kaya napaaga ang pag iintay niya dahil na i transfer na agad ang pakay niya malapit sa kanya. "Si Senator Akee Alva na ang nagdala sa kaniya dito, Frianka!" pagdidiin pa nito. "Narineg mo ang sinabi ko, Si Senator Akee Alva! Ibig sabihen napaka bigating sindikato na may malaking illegal na ginagawa dito sa lipunan. Hindi lang illegal kung hindi isang malaking balakid sa mga kabataan lalo na sa kababaihan. Did you get f*cking my point ha?" "Wala akong pakiealam. Basta siya ang gusto ko!" dertiminado niyang sabi. Hindi na mapipigilan pa ang plano niyang makasama ng isang gabi ang isa sa mga most wanted na sindikato ng Underground World. Isang sindikatong mapanganib at may halimaw na ugali. Walang sinasanto lalo na sa mga kababaihang pinag sasamantalahan nito gabi-gabi sa kama, na matapos magparaos sa matinding init ang katawan ay saka papatayin matapos makuha ang pagka-birhen nito. Ang sindikatong nag ngangalang 'Hage Juke Armani'ang lalaking nakasisiguro niyang makapag bibigay sa kaniya hindi lang magandang lahi kung hindi sureball na 'Anak na lalaki'. Oo, baby boy ang kailangan niya. At nakatitiyak niyang may kakayahan o may kakaibang posisyong nalalaman ang sindikatong si Hage para sure na sure na lalaki nga ang kalalabasan. Ganoon katindi ang prediction niya. "Si Hage Juke Armani lang ang alam kong may kakayahang makapag bibigay sa akin ng kailangan ko!" "Frianka, naririneg mo ba ang sinasabi mo? Paano ka namang nakakasigurado na kaya niya ibigay ang kailangan mo? Gaanon kaba ka sigurado na malines siya?, ha? Aba! imbes na anak ang ibigay niya sayo ay sakit pa!" "Birhen ang pinagsasamantalahan niya, Warvez! Birhen! Kaya sure na sure ako na malines siya!" "Ang dami-daming pang paraan, Frianka! Maraming lalaki pa diyan na maganda ang background! Kung gusto mo, ako mismo ang--" "Siya ang gusto ko!" "Gusto? Huh! At ano naman ang sasabihen mo sa anak mo paglaki niya? Na-proud ka pa na ang ama niya ay ang isang sendika!" "At bakit ko naman ipapakilala ang ama niya aber?! Syempre sasabihen ko na deads na ang daddy niya. Na-deads noong ginawa siya! O diba, e 'di finish!" Gustong-gusto na siyang kutusan ng kanang kamay basi sa pagpipigil nito dahil sa kabaliwang pinaplano niya. Eh, hindi naman siya masisi kung pang istorya sa libro ang buhay niya. Na kesyo makukuha lang ang mana niya kapag nakapag-bigay siya ng anak na lalaki. "Marami pang paraan! Bakit hindi mo subukan ang In Vitro Fertizilation?" "Ayoko!" "Frianka! At least sa prosesong iyon hindi mo kailangang magpagalaw o magalaw pa!" "Sinabi ngang ayoko! Gusto ko natural way!" "Hindi! In Vitro ang gawin mo. Saka okay lang kahit sa Sendika pa manggaling ang sperm, even na labag sa loob ko--" "Sinabing natural way ang gusto ko. At wag mong sabihin ngayon na magpa-CS nalang ako. Ayoko ng magkapeklat! Saka, helllo.. Ang sakit kayang manganak ka ng Virgin. At least sa natural way may butas na! Maluwag na. Dipende pa kung napasarap sa pag gawa e, 'di mas maganda para mas maluwag!" katwiran niya. Humilamos ito ng mukha saka saglit na nag angat ng ulo habang nakapikit. "Frianka, ayaw kitang mapahamak. Pinoprotektahan lang kita at sinasabihan ng tama. Hindi mo pa alam kung ano mangyayari sa 'yo sa loob kapag nagkita na kayo. Hindi basta ordinaryo lang ang sendikang iyon!" "Kaya kong protektahan ang sarili ko, kung iyon ang inaalala mo." "Alam ko. Alam kong malakas ka at kayang kaya mo siyang tapusin gamit lang ng isang kamay. Pero babae ka pa rin. Hindi palaging panig sa 'yo ang suwerte." "Tumigil ka na, Warvez. Ayoko ng makipagtalo sa' yo. Ayokong pumanget! "Frianka, please.. Ibang lalaki nalang huwag lang ang sendika--" "At sino naman ang hihigit sa kanya?!" Saglit itong nagulat kalaunan ay inilihis ang tingin sa ibang direksyon. "A-Ako. Puwede namang ako." "Huh?" "Ako nalang..kaysa naman sa masamang tao pa manggaling ang tagapagmana mo. I'm a healthy man and.. A-active ang sperm ko--" "Talaga?" "Aba, oo! Maganda ang background ko at..maganda rin naman ang lahi ko kaysa sa sendikang iyon-" "Ano?! Ang pangit kaya ng lahi mo!" Pagak itong natawa. "Wow! Grabi ang ganda mo, ah!" "Syempre, maganda ako!" "Ako nalang, Frianka. Sa akin hindi ka mapapahamak at hindi ka magagalaw. Hindi naman ako madamot. At kung alamin o malaman man ni Lord Vikram na ako ang ama--" "Warvez, nagpapagod ka lang kaya tumigil ka na. Bilang Lady mo at kanang kamay ng aking pamilya. Inuutusan kita na dalhin mo na ako kay Hage Juke Armani ngayon din," mariin at maawtoridad niyang utos. Umiling ito sa pagkadismaya. Oo alam niya na isang malaking kabaliwan ang desisyon niyang ito. Ngunit anong magagawa niya? Simula ng makita niya ang retrato ng sindikatong iyon, na isa sa nakahilera sa lamesa Detective ay may kakaiba na siyang naramdaman. Umalis siya sa harapan ng Detective at binalikan ang salamin. Pinasadahan ang sarili saka hinaplos ang isang pisngi. Sinikap niyang mas maging bata ang mukha para lamang sa gabing ito. Ang kabaliwan niyang naiisip ay may kaakibat din namang pansariling kagustuhan. Hindi lang naman mana ang habol niya, gusto niya rin magka-anak at hindi iyon labag sa kalooban niya. Trentay nuebe na siya at alanganin na ang ganitong edad magkaanak. Kaya..kakailanganin niya rin ng anak para may mag-alaga sa kaniya sa pagtanda kahit wala ng lalaking magmamahal sa tulad niya. "Please, Frianka," pagmamaakawa muli ng kanang kamay. Sinipat niya ito mula sa salamin. "Susunod ka sa inuutos ko o bubutasan kita lalamunan?" Banta niya. Kita niyang natigilan ito sa kaniyang sinabi. Kilala siya nito at alam ng Detective na hindi lang iyon ang kaya niyang gawin. Nag-aalala ito at hindi maiwasang mangamba sa kaniyang kabaliwang desisyon ngunit kaya niya ang sarili niya. Bumuntong hininga ito at mukhang na wala ng nagawa pa para pigilan siya. Naglakad ito patungo sa key closet kung saan naroon ang susi ng rehas na kinasasadlangan ngayon ng sindikatong nag ngangalang Hage Juke Armani. "Halika na, nang malaman natin kung itutuloy mo pa." ****** Mabigat ang bawat hakbang niya habang tinatahak ang daan patungo sa dulong selda. Nasa likuran niya si Warvez habang hawak ang mga kamay niyang nakalagay sa likuran at nakaposas. Parti iyon ng plano at pag arte niya upang makuha ang atensyon ng Sendika. Sa totoo lang... Habang papalapit ng papalapit sila ngsisimula na rin siyang pagpawisan. Kinakain siya bigla ng takot at isa iyong masamang pangitain. F•ck! Dapat sanay na siya kahit napapaaligiran siya ng mga nakakulong na bigating sindikato. Pero hindi e, iba ang kilabot. Parang mag isa lang siyang lalaban. At kailan pa nga ba ang huling pakikipaglaban niya ng siya lamang. Ramdam na ramdam niya ang mga mata sa palïgid. Puno iyon ng pagnanasa at saan pa ba nakatuon iyon kung 'di sa iningatang niyang katawan. Sipulan at hiyawan ang namamayani sa buong bilanguan. Pilit niyang binabaliwala iyon ngunit hindi niya maiwasan. 'Frianka! Hindi ka maaring matakot! Tandaan mo may dugo ka ng isang Wurzel!' Malalim siyang napabuntong hininga. Isa rin sa kinakabahala niya ay kung ano ang magiging simula nila ng tinaguriang Sendika S*x Addict. Paano kung pag pasok niya sa selda nito ay bigla siyang saksakin ng hindi man lang nakakapag huhubad? 'Sh*t! Sayang 'yon at ayokong mamatay ng Birhen, Manega!' Ngunit ang katotohanan ay..mula sa kasuloksulukan ng isipan niya ay nagsisi siya at napagtanto na kapahamakan nga ang pinasukan niya. 'No! Eto na 'yon at wala ng atrasan pa!' "Nandito na tayo," anunsyong pabulong sa kaniya. Bumalik siya sa realidad at hindi namalayang nasa harapan na pala niya kinasasadlangan ng pakay niya. "I-Ito na?" "Oo. At kung makaramdam ka man ng pag-alinlangan ay may segundo ka pa para umatras." Umiling siya at napalunok. "H-Hindi.." nauutal niyang sagot. "Binabalaan na kita. At kapag may ginawa siyang kaharasan sa'yo ay hindi ako magdadalawang isip na kitilin siya, Frianka." "Manega, walang thrill kung walang kaunting harassment na mangyayari ," pagbibiro niya. Malamig at walang liwanag ang bumabalot sa loob ng seldang nasa harapan. Hindi niya maaninag man lang kung nasaan banda ang sindikato pero nararamdaman niya ang kabigatan na presensya nito. 'Sh*t! Bakit kasi ang dilim!' "Desperada at mapilit ka kaya ibibigyan ko ang nais mo, Lady Frianka Hera." Pumunta sa kaniyang harapan kanang kamay at Hinawakan nito ang kandado ng selda. Sa bawat kalansin ng susi ay mas dumodoble pa ang kaba niya. Narineg niya ang tunog ng kandado, hudyat na bukas ito. "Ito ang iyong kulungan,Binibini. Kaya magpakabait ka." Panimula ng kaibigan na naayon sa kaniyang plano. Simula na ang pagpapanggap at pag arte. "Polïce Detective.. A-Ayoko dito natatakot ako. Wala po akong alam!" "Ganiyan naman palage ang sinasabi ninyo. Walang kasalanan at puro walang alam!" sigaw nito sabay hatak at tulak sa kanya papaloob ng selda. Ayy Sh*t! Ang sakit, ah! L*nt*k ka Warvez, tinotohanan pa!' Matapos siyang itulak sa loob ay agad nitong sinarado ang selda. Mas lalo siyang nilamon ng takot at kaba. Bakit kasi bigla siyang nanghintakutan? Hindi niya tuloy maiwasang maging makatotohanan ang pag-arte niya. Lumapit siya sa rehas at naluluha ang mga mata niya sa harap ni Warvez. "Detective, pangako hindi na po mauulit ito. Pakawalan ninyo na po a-ako!" "Alam mo binibini, kahit anong pangako mo ay sangkot ka pa rin sa gulo. Menor de edad ka pa rin na mahilig mag benta ng katawan sa mga Drug Lords!" Napanga-nga siya sa galing nang pag-arte ni Warvez. Pero nangunot ang noo niya sa huling sinabi nito. Kaya rumesbak siya. Aba! Mahirap na, baka maniwala ang sindikatong si Hage na nagbebenta siya ng katawan at laspag na siya. Baka mabulyaso ang plano niya. Hell No, Manega! "M-Muntik lang naman po ako maibenta! pero Virgin pa ako! As in Fresh Virgin!" pangangalandakan niya na ikinaigting ng panga ni Warvez. Lumapit din si Warvez sa rehas. Mata sa mata silang nagttiitigan. Ipinasok ang dalawang kamay nito sa loob rehas at napunta iyon sa kaniyang mga kamay na nakaposas. Ina-unlock pala nito ang posas. "Frianka.." "Ba-bakit?" nauutal niyang tanong. Ngumisi ito kasabay ng pagkalas ng posas. Walang sabi-sabing iniharap siya sa madilim na knatatayuan at kinasinghap niya. "Hoy, sendika addict!" tawag ng kaibigan sa sindikatong nasa kadiliman. "What do you want, f*ckstard?!" bastos na tugon nito. Dumambol ng matindi ang puso niya dahil sa napaka-manly ng boses ng sindikatong nasa kadiliman. "Pansamantala dito muna sa selda mo ang magandang binibini na ito." "Pakealam ko naman diyan! Patayen ko pa yan eh!" Nanindig ang balahibo niya sa sagot nito. Base sa tono ng pananalita nito ay mukhang balak talaga siyang patayin agad. Inilapit ni Warvez ang labi saka itinapat iyon sa kanayang tenga nito. "May i introduce to you.. Sendika s*x adict Hage Juke Armani" anito sabay bukas ng ilaw gamit ng isang pitik ng daliri nito. "Ang lalaking..sagot sa panalangin mo." Hindi niya nagawa pang magsalita sa sobrang gulat at bilis ng pangyayari. Ni hindi nga rin niya namalayan na nilayasan na pala siya ng Warvez. Kaya ito.. Kitang kita niya ang mukha nito sa personal. 'Oh My Manega!' sigaw niya sa kaniyang isipan. So this is it na nga talaga. Ang lalakeng pumasa sa manega niyang panlasa na ngayon ay nasa kanyang harapan na. Ang sindikatong maanggas na nakaupo at masama ang titig sa kanya. Na kalaunan ay.. nagpakawala nang nakakakilabot na ngiti. "You'll be, dead.. Binibini"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD