CHAPTER 2

3207 Words
Ilang segundo ang tinagal ng pagkatulala niya bago siya kumurap at umayos ng tindig. Hindi niya inaasahan na mas higit ang kagandahang lahi nito kaysa sa retrato. Nakaupo ang sendika at nakasandal ang likod nito sa malamig na pader. Nakapatong ang kanang braso nito sa nakatiklop na kanang tuhod at nakisabay sa pagtitig sa kanya. Ang mga mata nito ay mas matapang. Nakakasunog ng damit na sagad hanggang kaluluwa. Ang labi nitong nakangiti na parang hindi naman natutuwa, ay mukhang manununggab kaya't napapiga siya ng labi. Dinako naman niya ang mga mata sa namamawis nitong pang itaas. Urgh! Walang damit! Kaya malaya niya nakikita ang batak nitong katawang pangdigmaan sa kama. Oh..my Manega! Mukhang handa ito sa lahat ng oras kapag makakita ng babae! Mabuti nalang sobrang perfect niya ngayong gabi at handang handa na kung bigla siyang punitan ng damit! D*mn! "A-Ahm, Hi!" basag niya sa katahimikan. Kumamay pa siya at alangang ngumiti. Hindi siya sinagot nito. Bagkus tumayo ito na kinaalarma niya. Para naging slow motion ang paligid ng mag lakad ito patungo sa sa kanya. 'Hanla! Ang ang bilis ngayon na agad? Sh*t, Sh*t Maghuhubad na ba agad ako? O siya itong maghuhubad sa akin?' Pinanlalakihan niya ito ng mata habang nagtitili na siya sa isipan. Paano ba ang una niyang irereak rito! Papalapit na ito sa kaniyang kinatatayuan pero hindi parin niya alam ang gagawin. Kung tumili ka siya at umaktong inosente? Tama! Ang Virgin ay isang inosente kaya kailangan umaktong inosente. Pero baka ma-boring ito o di kaya'y wala namang pakiealam kung inosente ka o hindi. Basta matikman at makaraos lang ito saka ka papatayin. Huh! Di naman siya papayag na matapos siyang angkinin ay papatayin siya. Uunahan niyang paralisahin ito bago mangyari iyon. Manega! Mgandang lahing Sperm lang ang kailangan niya 'no! So this is it na nga talaga. Huminga siya ng malalim at handa na niyang wasakin ang damit ngunit natigilan siya. Bigla niyang naalala na hindi niya nai-check ang pinaka-importante sa lahat. Ang mahal niyang 'Pusacat' Nanlamig siya. Kung bakit naman kasi sa dami ng makakalimutan ay 'yon pa! Hindi niya alam kung mabango pa ba iyon o walang amoy na karumaldumal! Wala ng oras kailangan na niyang kumilos bago maganap ang 'Pratatatat in Cel no. 69!' Umatras siya nang nasa harapan na niya ang sendika. "Wait! S-Sandali lang.." Pigil niya. Hindi ito nag salita. Bagkus malamig lamang itong nakatitig sa kaniya. "Bago mo ako angkinin.M-May, i-che-check lang ako sa loob ng panty ko--" "Alis," utos nito. "What?" "Binge ka ba? O sadyang Tanga lang!" Walang kahirap hirap siyang inigkas gamit ng isang kamay. Muntik na siyang masubsob. Mabuti nalang nakabalanse siya. What the heck! Anong nangyari? "Huwag kang haharang kung gusto mo pang mabuhay!" Kumurap kurap siya sa sinabi nito. "T-Teka sandali.. hindi ba dapat kinakain mo na ako--" Hindi man lang siya pinatapos dahil lumapit ito sa bakal na rehas. Pinanggigilang nitong kalapagin iyon. "Akee Alva! Hindi ko na kayang mag hintay! Ilabas mo na ako rito!" Aba't ang sendikang ito ay hindi man lang siya pinansin! Dapat sa mga minutong lumipas ay mapusok na silang naghahalikan na para bang ayaw siyang pakawalan. No! Hindi maaring mabaliwala ang paghahanda niya para baliwalain lamang siya ng sendika! Buong tapang niya itong nilapitan. Hinablot niya ang isang matikas nitong balikat saka iniharap sa kanya. Nagbabagang mata agad ang sinalubong nito. "Excuse me!" Sinamaan niya ito ng tingin. "How dare you na baliwalaen ang magandang tulad ko?!" sigaw niya rito. Ang boses nila ay nangingibabaw sa kulob na bilangguan. Hindi ito nakapagsalita.Ang salubong nitong kilay ay biglang sabay umangat na waring nagulat sa malapitan nilang titigan. Ngunit segundo lang iyon nagtagal at nanumbalik sa pagsalubong. Napaisip tuloy siya kung bakit naging ganon ang reaksyon nito. Hindi kaya.. nagandahan, nahumaling at naakit sa kanya ang sendika ngunit pinipigilan lang?! But why naman? Gayong sa sendika lamang siya ngayon gabi. Gossh! Tumikhim siya. Tumidig ng matindi para mag bounce sa harap nito ang dibdib niyang handang magpadakma. "Ano? Titigan lang? Huwag mo sayanging ang oras ko! Kung hubaran mo na kaya ako-" "Lumayo ka nga!" "Bakit? Tempted ka?" "Huwag kang magsalita! Dahil kapag nagsalita ka pa tatapusin kita!" "Tatapusin sa sarap?" Umigting ang panga nito. Bingo! "Huwag mo ng pigilan ang sarili mo. Parehas lang tayo may kailangan--" "Binabalaan kita umalis ka sa harapan ko!" Oh..my.. Pa heart to get pa ang sendika. Nakakainis ang pagiging pabebe nito! "Ah, gan'on? Nagpipigil ka pa rin? Tingnan ko lang kapag ginawa ko ito." Pilya niya itong nginisian. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ang bagal bagal kaya siya na mismo kikilos at nakakahiya naman. Pinahid niya ang mga kamay sa matipuno nitong dibdib. Para siyang kakapusin dahil sa tikas ng mga muscle. Sa libro niya lang nababasa ang ginagawa niya. Ngunit lalaki ang kumikilos at hindi babae. Helloo.. Dalagang pilipina ito! Ni hindi nga niya magawang hawakan ang katawan ng ex niyang manloloko na mangagamit pa. Maging kay Warvez hindi niya rin hinawakan kahit isampal sa kanya ng lantaran ang katawan nito. Hindi kasi siya naakit at naTatakam. Hindi katulad ng sendikang ito na para bang may majica at dalhin siya sa digmaan. Napakagat siya ng ibabang labi. Bumababa na ang kamay niya sa abs nito patungo sa pinakamahalagang parti. Ang pakay niya ngayong gabi. Ang kargadong sandatang bumubuga ng pinaka magandang lahing baby boy! Urgh! "Don't--" "Stop?" putol niya. Sheyyyt! Para siya pa yung mukhang lalaki sa kanila. "Yung init ng ulo mo bakit hindi mo nalang sa akin ilaban. Hmm?" Bumaba ang tingin niya sa pantalon nito. Pinanlakihan niya ang mga mata sapagkat maumbok iyon. Manega! Nag twril ang mga daliri niya sa mga paa sapagkat gusto ng mangalmot ang pusacat niya! "Pagbigyan mo ng bumaon ang sandata mo sa malalim kong--" Naputol ang mahalay niyang labi ng kunin ang kamay niya at nilapirot iyon. Ngumuwi siya dahil para ng dudurugin iyon. "Ang sabi ko, huwag mo akong hahawakan o lalapitan kung gusto mo pa mabuhay!" "Bitawan mo ang kamay ko-" "Wala akong pakiealam kung nasasaktan ka. At isa pa. Hindi.Ako.Pumapatol... sa matanda at laspag!" Matapos non ay ibinato na lamang siya sa malamig na sahig. Napaigik siya dahil mali ang bagsak niya. Sinamaan niya ito ng tingin. Hindi na ito nakatingin sa kanya. Bumalik nanaman ito sa pagkalampag ng rehas. How.. How dare him! Tinawag siyang matanda at laspag na hindi man lang siya tinikman! Nanggalaiti siyang bumangon sa kinasadlangan. Nanlalaki ang mata ng humawak siya sa mukha at kinapa-kapa iyon. My God! gano'n na ba siya katanda tingnan? Pero imposible naman iyon dahil alagang-alaga naman niya ang kutis mula ulo hanggang paa. Para hindi siya magmukhang matanda na sa paningen ng mga lalaki. Yes, 39 na siya pero hindi pa siya makunat! "Hoy, Mister! Bawiin mo nga yang sinabi mo! Ganoon na ba akong katanda! Imposible naman yon! Ang ganda ganda ko at mukhang bata pa tingnan!" "Wala akong pakealam sa'yo tanda! At kung pwede lang lumayo-layo ka nga sa akin! " "Hindi pa ako matanda! Bakit hindi mo ako tikman para malaman mong Fresh Virgin ako mula paa hanggang mukha maganda! " pagmamalaki niya. "Shut up old woman!" Aba't inulit pa talaga! Kumuyom ang mga kamao niya sa galit. Hindi niya matanggap tanggap ang pinagsasabi nito sa kanya. Patayin niya kaya ito habang nakatalikod? Ngunit hindi puwede dahil sayang mga araw ng pag papaganda. Sayang din ang gabi na hindi siya pinatulog kakaisip ng masarap na posisyon nilang gagawin. Nakakainis! Kung paralisahin nalang kaya niya ito at siya na kumilos? Tsk! Wala naman thrill . Baka magkamali pa siya at babae ang kalabasan ng panghahalay niya rito. Siya yung nagpagod at ito nasarapan tapos sablay? Manega, no! Sa sobrang inis niya napasabunot siya. Hinubad niya ang isang pares ng wedge niyang saptos at akma ng babatuhin. "Palabasin mo na ako rito, Akee Alva! Kaiilangan ako ng Raya Marinal. Kailangan ako ng asawa ko! Ibalik ninyo sa akin!" pagwawala nito. Umuwang ang labi niya. Nabitin sa ere ang balak niyang pagbato rito ng sapatos. Anong sabi nito asawa? May asawa ang sendika! "Akee Alva! Kailangan ako ng asawa ko!" What the hell! Narinig niya muli ang salitang asawa. Hindi pa nga siya nagkaka-recover sa mga salitang laspag at matanda, tapos itong sumunod na lumabas sa bibig nito ay kagulat gulat pa! "M-May asawa ka?" Napahawak siya sa bibig. Totoo? May asawa talaga siya? Umiling siya sapagkat hindi siya makapaniwala. Imposible talaga. Ang sabi ni Cedric Warvez single daw ito at walang sabit. Oo may nasabi si Warvez na may kinababaliwan daw itong babae pero binalewala lang niya dahil akala niya joke lang iyon para tumigil siya. At kung meron man wala siyang pakiealam sa babaeng kinakabaliwan nito dahil hindi naman mag jowa. Mamatay nalang iyon sa inggit kung natikman niya ang sendika. Pero the f*ck! Hindi nga jowa pero asawa naman! Sheyy...t! Ang ganda ganda niya para maging isang kabet! Nagulo niya ang sariling buhok. Hindi maari.. "May asawa ka?" tanong niya sa sendikang abala sa kakalampag ng rehas. Wala pa rin itong pakiealam. Buong pwersang ibinubuka ang dalawang makapal na bakal na hawak nito. Kapag hindi nagtagumgay ay sinisïpa nito ang rehas. "Mas kailangan ako ni Raya Marinal! Ako lang ang tanging nakakaintindi sa kanya. Kapag ibinigay mo si Ray kay Lureen ay para mo na rin siyang pinatay! Ako ang mas may karapatan kay Raya at hindi si Lureen! Dahil ako naman talaga ang asawa niya!" "Ma-May asawa ka talaga?! Se-Seryoso?" singit niya sa pagwawala nito. " Pwede ba tanda manahimik ka! Gusto mo na bang mamatay ha?!" "May asawa ka talaga?! As in?" "Ano namang pakiealam mo kung may asawa ako! Ngayon, kung hindi ka tatahimik pagsisihan mo na punta ka sa selda ko!" "No.. It can't be. Hindi 'yan totoo! Wala kang asawa. Bawiin mo yan.. Ayokong maging kabet!" Binato niya ang isang pares ng sapatos rito ngunit di naman tinamaan. Kung makapag drama ang manega ninyo akala mo pinagtaksilan ng Jowa. Walang pakiealam ang sendika sa nagpupuyos niyang galit. Mukhang mas nasasaktan pa ito kaysa sa kanya. Sa kinikilos nito walang ibang nasa isip nito kung hindi asawa daw. "Raya...! Ibalik mo sa akin si Raya, Akee Alva! Ako dapat ang kasama niya at hindi si Lureen EL Kvork. Bakit hindi mo parin makita na mas karapat dapat ako sa kanya! Pinakasalan niya lang si Raya para lang magkaroon ng tagapagmana. Inagaw niya sa sakin ang nararapat! Ako naman talaga ang dapat pinakasalan!" Natigilan siya sa mga narinig niya. Ano daw? Dapat ito ang pinakasalan at hindi si Lureen El Kvork? Kung hindi ito ang pinakasalan ng nag ngangalang Raya, e, di ibig sabihin ay wala talaga itong asawa? Namilog ang mga mata niya. Kung ganoon ang sendika ay as in single at walang sabit? Hindi rin siya matatawag na pinakamagandang kabet? O..my Manega! Tinaasan niya ng isang kilay ang sendika panay ang pagwawala. Pinagkrus niya ang mga baso at pinaningkitan ito ng mata. "Makapag sabi ka d'yan may asawa ka kala mo kinasal. Hmmp! Feelingero ka rin, eh!" Nilayasan niya ito at nagtungo sa gitnang parte ng selda. Umupo siya saka isinandal ang likod sa malamig na dingding. Mapapagod lang siya kakakuha ng atensyon rito lalo na't sarado ang isip nito sa isang babae. Mamaya nalang pag napagod ito at kumalma. Mag iisip mu na siya kung paano niya makukuka muli ang atensyon nito. Habang tumatagal ang pagtitig niya sa sendika nakakaramdam siya ng inggit. Paulit ulit nitong isinisigaw ang nag ngangalang Raya. Na mahal na mahal niya raw ito at ito lamang ang nararapat. Ang kaso lang iba ang pinakasalan nito. Iba ang piniling bigyan ng pamilya ng babae. Ano nga ba ang pakiramdam maging espesyal? Yung tipong special ka,hindi lang dahil sa background family mo kung hindi isa kang taong dapat pahalagahan. Hindi niya naramdamang maging espesyal sa sariling magulang. Akala ng mga kaklase noong kinder 'gang mag ka -collage siya ay napaka suwerte niya. Buhay prinsesang pinaglilingkuran at iniingatan. Uniqa Ija nga siya ni Lord of Sun Vikram Wurzel at Queen of Sun na si Lady Bravia Wurzel pero pinaramdam sa kanya at pag iisa. Binigay nga luho niya ngunit gumagraduate siyang walang magulang. Nag birthday siyang walang magulang. Kaya..mali ang nakikita ng mga taong special siya. Mapait siyang ngumiti. Akala niya sa pagdating naman ng ex niyang si Ariesto ay magbabago na ang makulimlim niyang buhay. Hindi pala..mas lalo nitong pinadilim. Pina-ibig lang siya at ginawang tanga. Kaparehas din sa magulang na nanlilimos siya ng oras. Kasama nga niya pero iba pala ang pakay. Kaya ano nga ba pakiramdam maging espesyal lalo na sa pag ibig. Yung araw-araw pinararamdam sa 'yo na mahal ka talaga. Tinuturing reyna ng buhay nito at 'di kakayaning mawala ka. "Ano kaya ang pakiramdam ng may nababaliw sa'yo?" tanong niya sa isip. Umirap siya at umismid. Bakit niya ba naiisip pa ang walang kuwentang katanungang iyon na hindi kailanman masasagot. True love never exist. Anak at kayamanan nalang ang importante na ngayon sa kanya. Tinitigan niya muli ang sendikang 'di pa rin tumitigil. Mukhang siya pa ata ang napapagod para dito, kaya nag lakas-loob niya itong tinawag. Kailangan niya maisakatuparan ang plano bago matapos ang gabi. "Hey! Hindi bawal mag pahinga. Baka puwede itigil mo muna yan?" Hindi ito sumagot pero tumahimik naman ito sa sinabi niya. "Damn it!!" sigaw nito kasabay ng malakas na suntok sa bakal. Aray! Ngumuwi siya sa ginawa nito. Matapos suntukin ang bakal ay bigla itong humarap sa kanya. Salubong na kilay agad ang nakita. Umupo ito saka sumandal sa rehas. Sinuri niya ang isang kamay na pinangsuntok nito. Namumula at panigurado mamaya magkukulay ube at itim 'yon. Ngunit parang wala lang sendika ang ginawa nito sa sarili. Kailangan na niya gumawa ng action para mapaamo ito. Hindi pwedeng tatahimik lang siya para matuwa ito. Sayang ang oras kaya gagawin niya ang mga nababasa niya sa libro. Tumayo siya. Iniba ang ekpresyon ng mukha at pinalitan ng pag aalala. Mag papa-goodshots siya para umamo ito ng kaunti saka niya aakiiting muli. Tapos Pratatat na! Kunwaring natatakot na may halong pag aalala siyang lumapit sa sendika. "Hage.." Malambing niyang pagtawag rito. Inis siyang pinanlakihan ng mata nito. Umisa siya ng hakbang. "Yung kamay mo--" "Don't you f*cking dare! Kapag lumapit ka pa ihahampas ko yang mukha mo sa bakal na kinasasandalan ko!" Urrggh..! Kainis na ang lalaking ito! "Diyan ka lang kung mahal mo pa ang buhay mo!" Tama ang eksenang nangyayari sa kanila ngayon kagaya ng flow sa libro. Ang kaso lang ang babae sa kuwento 'di nagpatinag sa pagsigaw ng lalaki. Tuloy tuloy lang ang paglapit. Kung hindi lang siya nanghihinayang rito, ihahampas niya mukha nito sa bakal, dingding at saheg ng magising na sa katotohanan. Kaya ito maingat dapat ang linyang sasabihen. "Patawad..ngunit ako'y nag-aalala lamang sa iyong lagay. Maari ko bang makita ang iyong kamay?" Paumpisa niyang drama na ikinagulat ng sendika. Kita sa mukha nito ang pagtataka. Humakbang muli pa siya ng isa. "Wag ka sinabing lalapit pest* ka!" "Hi-Hindi ako masamang tao.." Isang hakbang muli ang ginawa niya. "Ano ba! Ang kulit mo ah!" Takot yarn? "Gusto ko lang tingnan ang kamay mo." "Wala kang pakiealam!" Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Bakit ba lagi kang nakasigaw? Kanina ka pa,a? Di ka ba napapagod?" "Dahil naiinis ako sa pagmumukha mo at sa mga pinagsasabi mo!" Nginitian niya ito. Lalo tuloy bumusangot ang mukha nito. "Naiinis ka kasi maganda ako?" "Kapal ng mukha mong matanda ka!" Nagpantig ang tenga niya. K*ng ina madapaker! Pinilit niyang kumalma. "Oh? Mukha akong matanda? Sure ka? O, baka naman nagaganda ka talaga hindi mo lang maamin-- "You shut up!" "At gustong gusto mo akong angkinin pero tinitiis mo lang kasi akala mo, hindi ako birhen--" "I said shut the f*ck up!" "Virgin ako!" sigaw niya. " -at hindi ako laspag!" Tumayo ito na kinagulat niya. "Ang sabi ko tumahimik ka! Kanina pa ako timping timpi sa 'yong matanda ka, pero ayaw mo pa rin tumigel! Ang dapat sa 'yo pata-" "Ano! Patayen? Kanina mo pa yan sinasabi pero hindi mo pa rin magawa! Bakit? Nanghihinayang ka?" "You!" Turo nito. Lumunok siya at tinapangan pa ang sarïli. Pag may ginawa na itong 'di na maganda ay wala na siyang magagawa kung hindi gawin ng huling alas. "Nanghihinayang ka na baka nagkamali ka lang na hindi ako virgin! " "Ikaw,asyumera matanda ka!" Mabilis itong lumapit kanya na may nakahandang kamao. "Ngayon patutunayan kong papatayin kita!" Tinaas nito ang kamao. Umalerto siya. Mabilis siyang nakaiwas sa walang awang pagsuntok nito. D*mn! Ramdam niya ang hangin mula sa daplis na suntok nito. Mukha nga itong hindi nagbibiro! Kumuyom ang dalawa niya ring kamao at naghanda. Kainis! Kailangan pa bang mapalaban para makuha lang ang sperm nito! Kapag kasi nakipag basag ulo siya rito mas lalo itong maenganyong patayin siya. Baka kung ano pa isipin sa kanya. Kapag naman hindi siya pumatol, e, parang ganoon rin papatayin siya! May gulay! Wala rin choices! Pagkaiwas niya may kasunod nanaman. Nakaiwas siya dahil nababasa niya ang galaw nito. Nagtatagis ang ngipin nito kapag nakakaiwas siya. Naloko na! Mukhang totoo nga ang sinabi sa kanya ni Warvez. Hindi nga ito basta basta at kinilala. Masyadong mabigat ang kamay nito na parang nakakalamog. Ano na ang magiging desisyon niya ngayong gabi! Paparalisahin niya ba ito at siya na kikilos para makuha ang pinakamagandang lahing sperm nito o tatapusin niya nalang ito at baka 'di siya buhayin. Isip manega! Matapos makaiwas sa ikalawang suntok ay minalas siya dahil nahabol nito ang isang kamay niya. Sh*t! Manega! Napangiwi siya dahil sa higpit non. Pinilit niyang inagaw ang kamay niya pero malakas ito. Ngunit sinusubukan pa rin. "Isang suntok tapos kana at manahimik habang buhay!" Segundo lang dapat makapag desisyon siya. Wala man thrill paparalisahin niya nalang ito. Gagalingan nalang niya siguro baka doon magustuhan nito at makipag sabayan pa. Pumikit siya saka dumilat iyon na ang desisyon niya. Pinatigas niya ang malayang hintuturo at gitnang daliri upang patamaan open spot ng sendika. Kaso ng parehas silang bubuwelo sa isa't isa ay bigla nalang itong nadulas sa natapakan nito at Diredretso itong sumalubsob papunta sa kanya. "Aww! Oh, My God, manega!" Kaybilis ng pangyayari at parehas silang nakahandusay na sa malamig na sahig. Napa igik siya sa sakit na naramdaman dahil dalawang bahagi ang nanakit sa kanya. Yung likod niyang sinakop na ng lamig dahil sa nipis ng damit niya. At yung isang masakit na ininda ay kinaangat niya ng ulo. Doon nang makita niya ang sendika na nakasubsob ang mukha sa kanyang iningatang pusacat! Sakto pa naman siyang nakabukaka at nakataas pa ang laylayan ng maxi dress niya. Mahabagin! Lumaki ang butas ng ilong niya ng makita ang pag ahon ng sendika. Tila ilang beses pa itong kumurap bago napagtanto ang binagsakan ng mukha nito. Nang mag angat ito ng tingin,bumungad ang namumulang mukha nito na may kagulat na gulat na reaksyon. "What..the..hell" mura nito. Pinanlakihan niya ito ng mata. Naalala nanaman niya ang mga sinasabi nitong laspag siya at matanda na. Dinagdagan pa ng masasakit na salita tapos nanakit pa. Kaya nainis siyang pinipilit ito gamit ng hita niya. Napasubsob muli ito at napayakap sa hita niya. "Walang hiya ka!" "A-Ano ba!" "Ang dami dami mong sinabi sa akin diyan ka rin pala pupunta! Buwis*t ka! Ang sama mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD