Maya't maya ang paghilot niya sa sintido dahil hindi siya maka-move on sa mala-epic na pag subsob ng mukha niya, sa babaeng kasama niya ngayon sa selda at umiiyak sa isang tabi.
Sa dinami-rami ng parte ng katawan na pag susubsuban niya ay doon pa talaga sa pagkababae nito! Hindi lang isa kung 'di dalawang beses pa!
F*ck!
Kasalanan iyon ng lint*k na saptos na natapakan niya! Akala niya mauna pa siya mamatay dahil sa pagpilipit ng nito ng leeg niya gamit ng hita. 'Di kasi siya makakawala dahil sa higpit ng pagkakaipit sa kanya. Akala mo UFC Fighter mabuti nalang nakawala siya.
Pero sa totoo lang..mabango ang pagkababae nito. Nakaka-init ng katawan. Nakakahumaling ang halimuyak sa ilang segundong tinagal niya.
Wait!
Napatigil siya sa paghilot ng sintido at kumunot ang noo. Wow! Nagawa niya pa talagang purihin ang pagkababae nito, dahil lang sa mabango?
Napailing siya para sa sarili. Kahit gaano pa kabango ang manipis na panting suot nito o magandang brand man ang gamit nitong feminine wash, hindi magbabago ang tingin niya rito.
Matanda at bayarang babae!
Maganda nga mula ulo 'gang paa pero feeling dalaga. Bata ang itsura pero botox lang ito for sure. Virgin? Huh! Hindi siya maloloko. Kung birhen ito, wala dapat ang babaeng ito sa selda niya at namalagi lang sa bahay.
Bumuntong hininga siya. Hindi dapat siya magpaapekto sa nakakapanloko nitong hatid.
Pinagpatuloy niya ang paghihilot pero 'di mawala wala ang sakit. Nakakadadag ng sakit kasi ang pag iyak ng lint*k na babaeng kasama niya.
"Will you please, shut your f*cking mouth, Hakira!" sita niya.
Ngumuwa ito ng malakas. Sh*t!
"Halimaw ka! Bastos ka! Huhuhu!"
Nagpantig ang tenga niya. Agad niyang nilingong ang babae. Nakayakap ito sa mga tuhod at feeling kawawa. Kung makaiyak akala mo na Gang Rape. Ang kapal ng mukha nitong sabihan siyang bastos,e, aksidente ang nangyari!
"Ano! Ako pa talaga ang sinabihan mong bastos! Kung hindi haharang harang yang lint*k mong sapatos, hindi mangyayari iyon at wala ka ng buhay ngayon!"
"You! You are assh*le!" Turo nito. Aba't s*ra ulo itong babaeng ito!
"Kunwari ka pa! Balak mo naman talaga akong pag samantalahan! Nag pabebe ka lang pero gusto mo rin!"
"Kapal mo, ah!"
"Ikaw ang makapal! Dami mong sinatsat tapos bibiglain mo ako! Doon mo agad sinimulan!How d*mn dare you!"
Umigting ang panga niya. Sinapo niya ang mukha at inis na ginulo ang buhok. Baliw ata itong kasama niya. Ang feelingera mag isip! Tarag*s!
"Huwag ka ng magsalita! Nakakapikon ka ng matanda ka. Itigil mo na yang pag iyak mo, kung hindi ibabato ko sa pagmumuka mo iyang sapatos na iyan!"
"At talagang may gana ka pa rin manakit kahit kasalanan mo! Bakit hindi mo matanggap? Na kahit anong palusot mo gusto mo talaga akong kainin at angkinin. Kaya dito ka dumeretso!"
Napauwang ang labi at bumagal ang paghinga niya, nang bigla nalang itong bumukaka. Itinuro nito gamit ng hintuturo ang pagitan ng hita na tinutukoy nito.
What the f*ck!
"Kita mo 'to? Dito, dito ka kaagad dumeretso matapos mong makita!"
Mariin siyang pumikit at dumilat. Ginapang saglit ang sapatos 'di kalayuan sa kanyang tabi at ibinato sa babae.
"Itigel mo nga yan ginagawa mo at naasiwa ako!"
Sablay ang pagbato niya. Nakaiwas ang mukha nito kaya ang pader na kinasasandalan nito ang tinamaan, pagkatapos ay tumalbog sa tabi nito.
Sinara naman nito ang mga hita.
"Hay*p ka! Paano kung tinamaan ang maganda kong mukha!"
"Sayang nga't hindi pa tumama para tumigil ka na!"
"Huh! Ang angas mo. Rapebeast ka naman,Pabebe lang!"
"Ano?!"
"Sabi ko Rape-beast ka! Rapist na Beast pa, so Rape-beast!!"
"Hoy tanda! Mag pasalamat ka at kaya ko pa rin mag timpi. Pero kapag ibinuka mo pa yang pest* mong bibig sasaktan talaga kita!"
"Owws, talaga? E, kung parehas kong ibuka ko 'to,hmm?"
Balak nanaman nitong ibuka ang mga hita.
"Sinabing itigil mo nga yan! "
"Bakit? Baka hindi mo kayanin at bigla mo ako kainin? Ba't 'di mo pa gawin?"
Naputol ang pisi niya. Nakakapikon talaga ito kaya tumayo siya't sinugod ito. Babalian ng leeg ang feelingerang ito para matahimik na.
Ngunit.. nang susugod siya ay bumukaka muli ito. Malutong siyang napamura at napapigil Ang babaeng ito, oo! Ang sarap..tirisin, naku!
"O, ano? Sugod! Halika rito. Tingnan natin kung 'di mo gusto. Mananakit ka? O ito nangangalmot naman ito!"
" F#ck you, Old Woman!" mura niya.
Sinuntok niya nalang ang pader sa itaas ng ulo nito. Tumingala ito sa kanya na may mapang asar na hamon.
Napaungot siya sa sobrang inis. Tinalikuran niya ito at bumalik sa kaninang sinandalan.
'Ano bang problema mo, Armani! Bakit 'di mo magawang paslangin ang babaeng 'yan!'
Ilang hilamos ng mukha ang ginawa niya. Bakit ba puro siya dada at di niya magawa?
Bakit sa tuwing lalapitan niya ito nag iinit siya everytime na bubukaka ito?
Hindi naman ito birhen pero the f*ck! Iba ang tukso ng feelingerang ito. Ganito ba karisma ng mga bayaran? E, mas malala pa ang init na hatid nito kaysa kay Raya Marinal Rinaldi.
O, f*ck! He needs to calm down!
Pinikit niya ang mga mata para kumalma at para na rin hindi makita ang babaeng feelingera.
'D*mn you, Akee Alva! Kasalanan mo 'to!
Ano bang trip mo at ipinasok mo sa kulungan ko ang pest*ng feelingerang old woman na ito!'
****
BUMALIKWAS siya ng maramdaman niyang mahuhulog siya. Muntik niyang mahalikan ang sahig, mabuti't nagawa pa niyang itukod ang mga braso. Medyo nanlalabo ang mga mata niya ng dumilat siya at pader ang nabungaran.
Hindi na ganoon kasakit ang ulo niya ngunit masakit naman ang kanang kamao niya.
Tahimik ang paligid dahil wala na siyang naririnig na pag iyak ng feelingera. And.. speaking of feelingera ay hinanap ng mata niya ito. At nang makita, luminaw bigla ang mga mata niya at napaahon siya bigla.
Paano ba naman kasi bubungaran siya nito ng nakabukakang hita! Nakataas pa ang damit kaya nakita nanaman niya ang white lacey panty nito. Akalasiguro npapatulan niya ang patibong nito.
This old woman is crazy! Ang sarap batuhen muli ng sapatos sa mukha dahil wala man lang pag iingat sa sarili.
Tulog ito't naka uwang ang bibig. Mukhang napagod sa kakaiyak dahil kaunting galaw mahuhulog na ito sinasandalang pader.
Inayos ang niya sarili at sumandal ng upo sa rehas. Kahit anong iwas niya 'di niya mapigilan ang titigan ito. Maganda ito at may pagkakahawig kay Megan Fox. Simple pero ang lakas ng dating. May malusog na dibdib na di mo masasabing peke dahil nag ba bounce ito pag gumagalaw. Long leged at napaka kinis.
Bumaba naman ang tingin niya sa nakabukang mga hita nito. Kitang-kita niya ang kaputian ng singet nito. Uminit tuloy ang katawan niya.
Ilang lalaki na kaya ang naikama nito at na maintain ang ganda ng katawan. Malaki siguro ang binabayad kaya inalagaan ang kapiki pakinabang katawan.
Sayang..sayang talaga at bayaran ito. Pero hindi bali na kung sayang. Virgin man o hindi ayaw pa rin niya sa pagka-feelingera nito.
Hayss! Tukso talaga ito!
Ipinahinga niya ang sarili at ipinikit ang mga mata. Ngunit wala pang apat na segundong tinatagal ng pagpikit niya ay dumilat muli siya.
Nakakainis! Di niya kayang hindi tumingin sa pagkababae nito. Para siyang
umasailalim sa hipnotismo dahil mas lumalagkit ang pagkakatitig niya sa pagkababae nito, na nahaharangan lamang ng manipis na tela.
Mariing kinagat ang ibabang labi. Napapamura siya sa temtasyong dumadaloy sa kanya. Tumitigas ang pagkalalake niya at parang gusto niyang wasaken ang manipes na telang nakaharang.
'Sh*t! I want to f*ck, D*mn it!*
Sobrang kakaiba talaga ang karismang meron ang babaeng ito. Titig palang nakakagising na na halimaw niyang pagkatao. Nakakadimony* at nakakapanabik kahit hindi pa ito nakahubad.
Ilang lunok na ang nagawa niya. Tinitiis ang sakit ng katawan. Kung nakakatunaw lamang ang malagkit niyang tingin kanina pa tunaw ang lahat ng suot nito.
"Alam mo.. huwag puro titig. Gapang gapang din pag may time. Kung may balak balak ka ng gapangin ako aba'y bilis-bilisan mo lang at nag-aantay ako sa magandang lahing tulad mo."
Namilog ang mga mata niya. Namatay ang halimaw niyang pagnanasa at dinaluyan siya ng matinding kilabot ng lamig. F*ck! Gising ang feelingera?!
Idinilat niya ang mga mata at marahang nilingon ang sendika. Salubong na kilay agad ang pinakita at kay bilis magbago ng na reaksyon ng mukha nito na hindi siya nagulat . Hindi naman siya talaga tulog dahil sino makakatulog sa kulungan ng ilang oras palang? Sinadya niyang magpangap at nagbabaka sakaling gapangin siya nito habang tulog.
Ayon..naramdaman niyang mainit nitong titig, pero dahil sa ubod ng tagal nito magpigil gapangin siya ay hindi na siya nakatiis.
Ilang oras na kasi ang nasasayang kaya nakakainis na talaga. Sp*rm lang.. isang putok lang ang para mabilisan ng makaalis rito. At Kung kinakailangang bumukaka para maakit ito ay gagawin n'ya para sa inaasam na baby boy.
"Ano na? Gagapang ka papunta rito o ako na gagapang sa 'yo?"
"The h*lll you talking about?!"
"Sus! kunwari ka pa, e alam na alam ko namang pinag nanasaan mo pa ako kanina pa. Then come with me at pagbibigyan kita. King Latigo."
Lalong sumama ang mukha nito.
"Kung anu ano nalang pinagtatawag mo sa akin!"
"Bakit? Ano bang gusto mo, Baby?"
"Kung puwede lang ha, bigyan mo ng katahimikan ang seldang ito. Kanina ka pa madaldal. Hindi ka ba napapagod?"
"Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Willing naman akong ibigay ang sarili ko kung--"
"Kanina mo pa iyan sinasabi! Hindi ka na ba makatiis at pati ako'y dinadamay mo sa nangangati mong katawan!"
"Parehas lang tayo."
"Parehas? Magkaiba tayo, tanda. Hindi ako pumapatol sa bayaran!"
"Buwisit ka! Kanina mo pa rin 'yan sinasabi! Sinabing hindi ako matanda! Birhen ako at hindi bayaran!"
"Don't me!"
"Try me, nang malaman mong birhen ako!"
"Are you trying to seduce me?"
"King *na, hindi pa ba obvious?!"
"Puwes, hindi rin ba obvious na ayoko sa 'yo!"
"Wow.. really? Ako pa talaga niloko mo? Alam ko naman ang gusto mo ako. Gusto natin tikman ang isa't isa!"
"In your dreams!"
"Match tayo, Hage. Ikaw na kalahating halimaw sa s*x at ako naman ay dyosa, parang beauty and the beast lang--"
"Im not interested!" putol nito.
"Oh.. My.. Ang Sendika S*x Addict na tulad mo ay hindi interesado sa isang magandang tulad ko?" pagmamayabang niya kahit may ipagyayabang naman.
Mas lalong dumoble ang pagkairita nito sa kan'ya. Todo deny pa rin kasi ang sendika kahit halatang takam na takam na.
"Huwag mo akong itulad sa mga kinakama ka. Alam mo ang pangalan ko, kaya siguro naman alam mo ang gusto ko."
Tinaliman nito ang pagtitig sa kanya. "Birheng dalaga ang gusto ko. At hindi sa laspag at matanda!"
"Abay lint*k ka! Kahapon ka ba pinanganak? Hindi ka ba makaintindi na birhen ako, hindi ako matanda at laspag! Ako na nag alok na tikman ako,e nag inarte ka pa!
At isa pa, hindi ako bayarang babae kung 'yon ang inaakala mo, Rap*-beast!"
Malakas siyang tinawanan ng sendika. Ano bang nakakatawa kung totoo naman talaga ang sinasabi niya?
"Bukod sa feelingera ka na ay may talent ka rin palang mag joke. Pag patuloy mo yang joke mo ah, kasi hindi nakakatawa."
"E, baliw ka pala e! Bakit mo sinabing nakakatawa kung hindi pala nakakatawa!"
"Stop this nonsense topic, tanda. Kung nag-iinet ka ngayon ay huwag ako, dahil kahit anong gawin mong panunukso hindi ako tatablan kaya wag ka nang mag-aksya."
"Wow! Coming from you? Nag salita ang hindi nag-iinet diyan. Kunwari ka pa, e alam ko namang gusto mo na akong hubaran kanina. Sige, deny ka pa!"
"Tumigil ka ng matanda ka!"
"Sinabing hindi ako matanda!"
"Masiyado kang defensive! Wag mo nga akong pinagloloko!"
"Mukha ba akong manloloko?! Nakita mo naman kung gaano iaalay sarili ko sa 'yo kasi nga Virgin ako!"
"Tumigil ka na."
"Baka pag natikman mo ako, hindi ka lang maka isa! Virgin ako. Fresh, brandnew, non-edited, no filter and proudly Goddess of Pure Virgin."
Umiling-iling muna ito bago muli mag salita na may nakakaasar na ngiti.
"Talaga? Hindi halata o talagang Fake ka lang."
"Bwisit ka! Totoo ang lahat ng sinasabi ko! Virgin ako as in!"
"Stop it! Hindi ka magaling umarte!"
"Hindi ako umaarte! Dahil totoo naman kasing Virgin ako!"
Umayos ng sandal ang sendika at pinag-krus ang mga braso.
"Okay sige, dahil mapilit ka ngang matanda ka e, 'di ikaw na pa-Virgin at hindi old woman. Happy? So manahimik ka na. "
"Anong happy ka diyan! Hindi ako pa-virgin lets*!"
"Then, what's your agenda anyway?"
Kinunotan niya ito ng noo. "What do you mean my agenda?"
"C'mon! Kung hindi ka bayarang babae at Virgin ka pa nga kahit hindi halata, then why are you here? Bakit ka nakulong?"
"Hindi mo ba narinig ang pinag usapan namin ng police na nagdala sa akin? Dinampot lang ako galing sa raid. Biktima ng mga binebentang Menor de edad na babae pero ayaw niyang paniwalaan. Pero virgin ako!"
"Kung virgin ka at menor de edad e, bakit ganyan ka umasta?"
"What do you mean?"
" Kanina nahihintakutan ka na makulong dito at wala kang kasalanan. Biktima ka lang sabi mo. Tapos ng makaalis ang pulis na 'yon biglang nawala ang takot mo."
Natigilan siya sa sinabi nito. Sh*t hindi kaya.. nakakahalata na ito sa kan'ya?
"S-Syempre ang guwapo ng kasama ko,e.."
"O? Nawala takot mo? Kahit isa akong most wanted syndicate ng pilipinas?"
"A-Ahm.. Ano, feeling secured.."
D*amn! Ano itong sinagot niya?!
Umiling ito at natawa. "Secured? Really? Kahit anytime puwede kitang patayin?"
"Hindi mo naman magawa gawa kasi maganda ako. N-Nagandahan ka-"
"Alam mo, kataka taka lang kasi.. Ang daming babagsakan ng pulis na iyon ay dito pa talaga. Dito pa sa selda ko na maari kitang wakasan.
Babae ka at menor de edad sabi mo. Alam niyang mapapahamak ka sa kamay ko pero ipinasok ka pa rin niya."
Dumaloy ang lamig papunta sa batok niya. May punto ito at totoo iyon. E, malay niya bang pabebe ang sendika at ayaw siyang galawin dahil hindi daw siya Virgin.
"Kung virgin at inosente ka. Dapat magpahanggang ngayon umiiyak ka pa rin at nag mamakaawang lumabas. Takot na takot na makasama ako na baka maaring may gawin ako sa 'yo. Pero hindi e, nagawa mo pang mag 'Hi' tapos alam mo ang pangalan ko. At ang pinakamalupit maya maya inalok mo na ang sarili mo. Hmmm.. wierd."
Hala manega! Sapul na sapol siya. Nakahalata na ang sendika. Mas lalo siyang mahihirapan!
"O, napipi ka?"
"A-Ano ka ba namam. Syempre iba na a- ang panahon ng mga kabataan ngayon! Wala ng painosente. Tapang tapangan kung baga para harapin ang takot p-para di maano, ahhmm.. Para 'di mapaaga ma evict sa earth."
"Ahh.. Ganon ba? Pero kilala mo ako, a.."
"S-Sinabi niya sa akin a-ang pa-pangalan mo--"
"Pati background ko?"
"Oo."
"So, hindi ka natakot?"
Hindi siya nakasagot.
"Hindi ka natakot, na may maaring gawin ako sa 'yo?"
"Mahilig k-ka sa Virgin kaya--"
"Kaya ka dinala dito sa selda ko para tikman ka? T*ng'na.. Gawain ba iyon ng matinong pulis, hmm? Ano 'to pa-bonus para makaraos ako ngayong gabi at makaligtas ka sa kapahamakan? E, alam ng gag*ng 'yon na kung ginalaw kita kanina ka pa patay."
Napalunok siya." E, 'di mo naman nagawa 'di ba kasi maganda ako--"
"O, baka naman.. Hindi ka naman talaga isang biktima ng raid kung hindi isang babaeng may ibang agenda sa akin. Kung baga may lihim na pakay sa akin."
Hala naku, manega! Patay na. Kapag nag deny pa siya, wala na finish na. Goodbye sp*rm na!
Kung umamin man siya na tama ito, baka hindi rin siya pagbigyan lalo ang dahilan para lang maka-one night F*ck lang ito sa inaasam niyang s*x position at magandang lahing baby boy----
Wait! Why not?? Mas okay nga iyon para 'di ba? Mas mapadali ang lahat. Pag sinabi niya ang totoong reason ay baka maintindihan pa nito. At for sure maniniwala itong Virgin siya at pratatatat na!
'Go, Manega! Kaya ko 'to!"
"Ang tagal mong nag-isip diyan, ah. Don't tell me na may iba ka talagang pakay dito at kasabwat mo pa ang pest*ng Cedric Warvez na'yon tama ba?"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Inayos ang sarili mula buhok hanggang paa. May pa-flip hair pa siya at nameywang bago mag-salita.
Gusto lang niyang ipakita na hindi talaga siya bayaran na babae.
"Fine! Aamin na ako."
Natigilan ito. Kalaunan ay inis na natawa.
"Go on," utos nito.
"Yes.. May kailangan ako rito."
"E, 'di lumabas din pala. So.. tapos?"
"At ikaw ang target ko, Sendika S*x Addict," Seryosong dugtong niya.
"Ohh.. ako ang pakay mo talaga. So ano ka? Isa ka bang assasin? Tauhan ka ba ni Valen Metallad, para ipapatay ako?"
Sunod-sunod na ang katanungan ito na hindi niya masagot. Ano pinagsasabi nito? Malay niya kung sino iyon. Pero.. grabi din pala pakiramdam pag umamin. May kaakibat na kaba. Para kasing ang datingan ng tingin at pananalita ng sendika ay hindi siya maaring magkamali.
"I don't know what you're talking about. But i don't care. Hindi ako espiya ng tinutukoy mo o kung sino."
"Straight to the point, anong kailangan mo sa akin."
Humugot siya ng mas malalim na hangin. Kaya niya ito!
"W-Well nandito lang ako dahil may kailangan ako sa'yo,"
Tinaasan siya ng isang kilay.
"I want you."
"For what?"
"I want you..." Humugot muli siya ng hangin"-- to have s*x with me."
Umigting ang panga nito saka umiling. Halatang hindi pinaniwalaan ang sinasabi.
"Is that your d*mn reason,Woman?" mariing tanong nito.
"Yeah.. It's bullsh*t, but is true."
"To have s*x with me? T*ng*na g*go ka? Sabihin mo ang totoo. Anong kailangan mo sa akin."
"Iyon ang kailangan ko sa 'yo. Ang makatalik ka ngayong gabi. Wala ng ibang dahilan."
"Ako,a.. Huwag mo nga ako pinag gagag*ng feelingera ka. Kasi punung puno ako sa 'yo. Sabihin mo na ang totoong pakay mo!"
"Ikaw nga ang pakay ko. Gusto kong may mangyari sa atin ngayong gabi. Walang iba pang dahilan iyon lang."
"Nababaliw ka na. Gusto mong may mangyari sa atin? Huh! Iyon lang? Ano 'to? Wala ka ng maisip na kukumpleto sa pangangati mo? Ako pa talaga? Sa isang sindikato pa?"
Tinapangan niya ang sarili. Bahala na.
"So what? E, ano naman ngayon kung sindikato ka pa?" Mataray niyang sagot. " Ikaw ang gusto ko. And for correction.. hindi ako nangangati lang kaya gusto kong makipagtal*k sa 'yo. Virgin ako. At may malaking rason kung bakit."
"At ano pa ang isa pang baliw mong rason?
"Gusto ko ng anak. Anak na lalaki."
Napasuklay ito ng buhok. Ang mukha nito ay nanggigil at handa ng manakit.
"Nang dahil lang sa gusto mo ng anak na lalaki, e, sa akin ka pa talaga tumungo? Anong klaseng mind set mayro'n ka, hmm?"
"Baliw man pero totoo ang sinasabi ko. Ikaw ang gusto ko at pinili ko na makapagbibigay sa akin ng anak na lalaki."
"Ang daming iba d'yan na maganda ang background--"
"Wala nga akong pakiealam! Kahit ano pa ang pagkatao mo! Sp*rm lang naman ang habol ko sa 'yo. Anak na ĺalaki at alam kong kayang kaya mo iyong ibigay. Sigurado ako roon."
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo!"
"Oo! At alam ko ang tinatahak ko ngayon. Anak na lalaki na sa'yo manggagaling. Ikaw lang ang pumasa sa panlasa at paningin ko. Hinigitan mo ang mga lalaking may magandang background sa mga pinagpipilian ko. Ikaw lang, Hage.. Ikaw lang ang mas nakaangat. Kaya hindi maaring masayang ang pagpunta ko rito para tanggihan mo lang. Ilang araw akong nagpaganda, naghanda at ilang gabi mo rin akong hindi pinatulog--"
"Sorry kung pinutol ko ang kadramahan mo pero ayoko. Walang mangyayari sa atin."
"Meron, may mangyayari sa atin dahil birhen ako, Hage. Ikasasaya mo dahil birhen mo akong makukuha. Makakaraos ka pa ngayong gabi at ganoon din ako. Parehas na walang mawawala sa ating dalawa. At huwag kang mag aalala kung baka iniisip mong maghabol ako sa 'yo pagkatapos nito." Umiling siya. "No.. Hindi iyon mangyayari hanggang sa mamatay ako. Marami akong pera para sa kinabukasan ng baby boy at hindi kami kailanman mag eexist sa buhay mo sinisigurado ko iyan sa'yo."
"At gaano ka kasiguradong papayag ako sa gusto mo? Sa tingin sa rason mong iyan basTa nalang ako papayag?"
"Oo, dahil virgin ako."
"Sorry ka nalang pero hindi ako papayag. Umalis ka na ngayon sa selda ko at maghanap ka ng papatol sa kabaliwan mo."
Umahon ang galit sa kanyang dibdib. Umamin na siya tapos masasayang lang!
"Bakit ayaw mo?! Anong pa bang problema? Maganda ako, birhen ako, ano pa bang kulang!"
"Pakiealam ko kung birhen ka kahit hindi halata. Ayoko pa rin. Ayoko magkaruon ng anak sa hindi ko kilala at hindi ko gusto!"
"W-What? Wala namang mawawala sa 'yo!"
"Ipatawag mo ang police na iyon at sunduin ka na! Ayaw kitang makita rito."
"Pero paano ako? Ikaw lang ang paraan ko! Alam mo bang ilang araw ko itong pinaghahandaan. Ilang gabi rin akong hindi nakatulog! Ang simple simple lang ng gusto ko sa 'yo tapos nag iinarte ka pa, wala namang mawawala!"
"Nahihibang ka ba pest* ka? Alam mo ba iyang pinagsasabi mo? Anak ang hinihingi mo at hindi bagay!"
"Ako naman ang bahala pagkatapos at hindi naman kami mag eexist sa buhay mo!"
"Hindi ka dapat dito sa kulungan. Dapat sa 'yo sa mental dahil baliw ka na!"
"Please, Hage!"
Lumuhod siya sa harapan ng sendika. Napatayo tuloy ito sa ginawa niya. Bahala na kung magmukha siyang mababang babae. Mauubos na ang buwan ibinigay sa kanya ng ama at ayaw niyang maghirap at mapunta ang mamanahin sa mga pinsan. Kaya kailangan mabuntis na siya sa natitirang isa't kalahating buwan.
Ilang linggo na ang nasayang niya sa kakahanap ng lalaking magbibigay sa kanya ng anak. Lahat kasi ay hindi niya talaga gusto o natipuhan maliban lang kay Hage Juke Armani. Ito lang ang lalaking wala sa pinagpilian pero pumukaw ng atensyon niya sa isang iglap.
"Itigil mo yan hanggat kaya ko pa mag timpi!"
"Please, Hage..pagbigyan mo na ako.. Ano bang mawawala sa hinihiling ko? Wala lang naman dapat sa'yo ito 'di ba?"
"Anong sinasabi mong wala lang, ha? Ayoko ng anak sa ibang babae!"
"Ano bang mahirap sa kahilingan ko? Sinabi ko naman sa 'yo hindi kami mag e-exist. Saka wala lang naman sa 'yo ito dapat, e. Kung mangdukot ka ng babaeng virgin at pinapatay mo nalang after makaraos, e wala lang sa 'yo, ïto pa kaya?"
"Watch your mouth, motherf*ck*r! You don't know the whole f*cking story of my darkest life. Tao pa rin ako at hindi isang halimaw!"
"Pero ang simple lang ng hinihiling ko!"
Lumapit ang sendika sa kanya. Yumukod ito ng kaunti saka mahigpit na hinuli ang buhok nixta sa likod. Napa daing siya sa sakit.
"Kay Raya Marinal lang ang buong pagkataong mayroon ako. Si Raya Marinal ang nag iisang gusto ko at bibigyan ng anak. Si Raya Marinal lang ang nag iisang babaeng magdadala ng pamilya sa akin at hindi ikaw, na isang baliw? Tandaan mo 'yan feelingera!"
Walang pagsisi siya nitong inihampas sa sahig. Mabuti nalang at naidampa niya ang mga kamay. Gusto niyang maiyak sa pangyayaring ito sapagkat nasayang lamang pala ang lahat. Nagpakababa siya't lumuhod pa para lamang sa hinahangad na kayamanan.
Bakit ba kasi nagpapakatanga siya rito?
Bakit ba kasi ito pa ang natipuhan niya?
Ano ba kasi ang meron sa sendika na ito!
****
Nakayuko ang feelingera at wala na itong ni reak sa sinabi niya. Mukhang titigil na ito sa kakapilit na may mangyari sa kanila.
Salamat naman kung ganon. Napakawalang kuwenta ang mga idinahilan nito kanya at nakakatapak ng pagkatao.
Walang alam ang babaeng ito kung bakit siya naging halimaw pag dating sa init ng katawan.
"Umalis kana rito at ayaw na kitang makita pa!"
"Hoy brad! Ang arte mo!" reklamo ng isang sindikato sa kabilang rehas.
Uminit ang dugo niya dahil sa pangingiealam nito. Magsasalita pa sana siya kaso sunod-sunod na ang reklamo, sigaw, hiyawaan at kantsyawan.
"Patulan mo na kasi! Palay na lumalapit sa'yo nag inarte ka pa!"
Nag pantig ang tenga niya.
"Wala kayong pakiealam!" sagot niya.
"Wala kang kwenta! sup*t ka ata eh!"
"Mga t*ng'na nyo! Palibhasa gawain niyo pumapatol sa bayaran!"
"Bakla!"
"Hindi ako bakla! Kung gusto ninyo kayo ang pumatol rito!"
"Pag bigyan mo na kasi bata.. Makikineg lang kami rito," sabat ng may katandaan ang boses.
"Inip na inip na kami. Gusto na namin marinig ang ungol ng binibining kasama mo!"
Maraming ang sumang ayon sa isa pang sindikatong nangiealam.
Nakakabastos na sa pandineg niya ang naririneg na salita. Binalik niya ang tingin sa feelingerang nakayuko't pa rin. Tila walang pakiealam sa mga naririnig.
"Narinig mo ba ang mga sinasabi nila sa 'yo? Binabastos na ang pagkababae mo at iyan ang napapala mo!"
"Bilis na patulan mo na kasi!"
"Ang sarap siguro niyan! Puwedeng pagkatapos mo patikim naman kami!"
"Maanahimik kayong lahat!"
"Virgin daw mga brad. Tayo nalang ang pumatol!"
"Sige amin na yan kami na titira!"
Hinablot niya ang isang kamay ng asyumera. Kailangan maialis na ito bago pa siya madimonyo.
"Warvez!" tawag niya sa police na nagdala rito.
"Warvez! Kunin mo na ang babaeng ito!"
Kanya kanyang kalampagan ang mga rehas.
"Pucts* ka 'wag kang madamot! Sa amin nalang 'yan!"
"Mis! Puro lalake ang mga anak ko. Kayang kaya ko ibigay gusto mo kahit ilan pa! Huwag ka diyan sa pabebeng baklang sup*t na yan!"
Aba't gag* ang isang iyon! Tuluyan na siyang nadimonyo. Marahas niyang hinawakan ang magkabilang balikat ng feelingera. Pinanggigilan niya itong iharap sa kanya.
"Ganyan ba ang gusto mo? Ha! Yung binabastos ka na!"
Lumuluhang mata lamang ang sagot nito. Nagtagis ang ngipin niya sa iyak nito. Dahil lang sa ayaw niyang ibigay dadramahan siya! Pasensya nalang dahil hindi iyon uubra sa kanya.
Pagsasalitaan pa sana niya ito pero napatigil siya sa kakaibang tunog na nagmumula sa sahig. Maging ang mga kapwa sindikato ay tumigil sa pag ingay.
Parang may paparating na gumugulong na mabigat na bagay. Kasing tunog ng gulong ng isang golf ball.
Gumalaw ang ulo ng feelingera. Nilingon nito ay labas ng rehas at maging siyang napalingon din. Doon nila nakita ang tatlong paparating na umiilaw na bagay. Kulay pula ang mga ilaw nito na kinalaki ng mata niya.
"T*ng'na, mga Bomba, layo!" sigaw ng isang sindikato.
Kumurap kurap ang mga ilaw senyales na sasabog ito. Hinagkan niya ang feelingera upang makalayo sa bakal dahil may isang bombang malapit sa kanila. Ngunit huli na bago pa sila lumayo ay sumabog na ang bomba. Nabitawan niya ang feelingera. Parehas silang humagis at napatilapon sa pader.
Napadaing siya sa lakas ng pagsabog at napapikit ng mariin dahil sa tunog na umuugong sa kanyang tenga.
Sino ang may gawa ng pagsabog?
Anong nangyari sa high security ng kulungan ito?!
Pagdilat niya sobrang kapal ng usok. Napaubo siya sa barang dulot non. Hinawakan niya ang dibdib at bumubwelo siya ng hangin at pinakikiramdaman ang sarili. Masakit ang buo niyang katawan na parang binagsakan ng mga bato. Sinikap pa rin niyang makatayo kahit medyo umiikot pa ang paningin niya.
"Hakira kang hay*p ka! Magpapasabog man dadamay pa."
Paunti unti nawala ang usok. Tumunog ang fire alarm at nag buga ng tubig ang smoke detector. Nagkakagulo ang mga preso at Kanya kanyang takas na ang mga ito. Sinamantala ang kaguluhang hindi alam kung sino ang may gawa.
Nang makabawi ng hangin, pandinig at hilo hinanap ng mga mata niya ang feelingera.
Wala itong malay at nakahandusay sa sahig. Dumugo ang ilong nito marahil ay sa lakas ng pagtilapon.
"Oy feelingera! Buhay ka pa ba?!" tawag niya rito.
Lalapitan niya ito ng makarinig siya ng kasa ng baril. Rumehistro agad ang mga mata niya at naalarma.
Isang lalaking na may pulang mata ang nakatayo sa wasak niyang rehas. Nakatutok na ang baril nito sa kanya habang nakangiti.
"You can go now. Ako ng bahala sa kanya," utos nito sa kanya.
Sino naman itong mukhang pang aswang ang mata kung makautos sa kanya? Mukhang ito ang may gawa ng pagsabog. At ano naman ang gagawin niya sa feelingera?
"Who the f*ck are you?"
"Kailangan pa ba? Kung umalis ka nalang ng mapayapa kung ayaw mong pagsisihan."
Sinenyasan siya nito. Itinuro nito ang papalabas gamit ng baril.
"Hindi mo na kailangan magpasalamat sa akin. Just get out of here motherf*cker."
Buwisit ang isang ito. Ang angas manalita.
Tiningnan niya ang labas ng rehas. May mangilang ngilang tumatakas. Ito na ba ang pagkakataon na niyang makatakas? Kung palalagpasin niya ito at iintindihin pa ang feelingera baka hindi na niya maabutang buhay ang mahal niyang Raya Marinal.
"Huwag mo sayangin ang oras umalis ka na."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Atat ka ba?!"
Hindi siya nito pinansin bagkus binaba nito ang baril at nag diretso lamang ng lakad papunta sa feelingerang walang malay.
Ano bang balak nito?
Napaisip siya. Ano namang pakiealam niya? Pïnaiinit lang nito ang dugo niya kaya bahala na ito sa buhay.
Umabante na siya kailangan na niyang makaalis bago pa siya mag sisi.
"Kamusta mahal kong Frianka Hera?"
Tumigil siya maglakad. Gising na ba ang feelingera?
"Nahanap rin kita. Hindi ka naman puwedeng mamatay lang sa ganitong paraan. Mas maganda kung..pahihirapan kita ng kaunti."
Nagtaka siya. Bakit ganon manalita ang maangas na ito? Huminga siya ng malalim saka nilingon ang lalaki. Ganon nalang ang pag akyat ng galit niya ng makita ang ginagawa ng lalaki. Nakatutok ang nguso ng baril nito sa sintido ng walang malay na feelingera.
"P*tra Madre.."