Ilang segundo na ba ang itinayo niya habang nakatingin pa rin sa maangas na lalaking, tinututukan ng baril ang sintido ng walang malay na feelingera. Basang basa na ang katawan niya sa paulang tubig ngunit hindi pa rin siya umaalis.
Dapat sa mga oras na ito nasa labas na siya at nakikipag sabayan sa mga presong hinihingal na sa pagtakas. Ngunit . . . heto siya't nakikipag talo sa sariling katawan. He wants to leave pero parang may kung ano sa kaloob-looban niya na hindi dapat.
Kïnuyom niya ang mga kamao. Bakit ang hirap iwanan ang feelingera para sa kanya? Parang kapag iniwan niya ito mukhang uusugin siya ng konsensya o kargo niya kahit hindi dapat.
Narinig niya ang biglang pagtawa ng lalaki. Sinamaan niya ito ng tingin. Pinailalim nito ang malayang kamay sa ulonan ng feelingera habang nakatutok pa rin ang ang baril nito Inangat ang kalahating bahagi ng babae kaya nasilayan niya ng husto ang lagay nito. Basang basa na rin ito ng tubig. Hindi lang duguan ang ilong nito, kung 'di nasira rin ang kanang bahagi ng damit kaya nalantad ang hindi dapat.
"Parang simpleng pag sabog lang nawalan ka na agad ng malay," sabi nito saka mahigpit nitong sinabunutang ang buhok.
Namilog ang mga mata niya. Parang kanina siya ang gumagawa no'n ngayon iba na.
"Gumising ka at pagmasdan mo kung sino ang nasa harapan mo!"
Ginising nito ang feelingera gamit ng matinding hawak nito sa buhok.
What the f*ck!
Sino ang lalaking ito at ganon tratuhen ng ganito ang feelingera? Kaaway ba nito o may namamagitan lang sa dalawa? Kung normal na namamagitan lang, e bakit kailangan pa nito magpasabog ng rehas mahanap lang ang feelingera?
Anong mayro'n sa babaeng ito para magalit ng husto ang maangas na 'to?
"Gumising ka!"
Nagtagis ang mga ngipin niya. Bakit niya iintindihin ang feelingera? Pakiealam niya ba kung ano namamagitan sa dalawa! Labas na siya roon.
"Idinalat mo yang mga mata mo!"
Tagumpay nitong nagising ang feelingera. Namilog agad ang mga mata nito sa unang nasilayan.
"How are you, my beloved?" tanong nito.
Pagkatapos sa buhok ay lumipat ang kamay nito sa panga ng feelingera. " Ang ganda ganda mo pa rin kahit mukha kang kawawa."
Sinubukan mag salita ng feelingera ngunit halatang hirap ito. Ang mata nito ay unti unting pumupikit muli. Halatang malaki ang epekto sa babae sa pagsabog.
"Sayang lang talaga dahil nabulyaso ang mga plano ko. Kung 'di ka lang nangiealam , e 'di sana baka naawa pa akong magtagal ang buhay mo at matupad ang nakakasuka mong hiling!"
Hindi na niya kaya ang eksena. May namumuong galit na talaga sa dibdib niya. Tinalikuran niya ito at inis na minumura ang sarili. Ilang paghinga ang ginawa niya bago siya mariing pumikit saka dumilat.
"Sandali nga.." unang dalawang salitang sinabi niya. Wala na, hangal talaga siya. Nang dahil sa feelingerang ito paniguradong mawawala na ang pag asang makatakas pa.
"You still here?" malamig nitong tanong.
"Anong gagawin mo sa babaeng 'yan?"
"Bakit nandito ka pa rin?"
"Mahirap ba yung tanong ko?"
"Bakit? Ako ba tinanong kita kung bakit nandito siya sa selda mo, Hage Juke Armani?
Hinarap niya agad ito. Hawak pa rin nito ang panga ng feelingerang nakapikit na ang isang mata. Kilala pala siya ng maangas na ito
"You know me?"
"Of course! One of the most wanted syndicate. Isa sa mga tuta ni Valen Mettalad."
Tinawanan niya ito. " Hindi na ako parti ni Valen Mettalad. At Kung kilala mo ako, malamang isa ka rin sindikato."
"E, ano naman ngayon? So, puwede ka na bang umalis?"
"Hindi mo pa sinasagot ang unang tanong ko."
"Labas ka na sa amin ng babaeng ito. Kaya kung ako sa 'yo tumakas ka na at baka ikaw ang una kong magbabawas ng bala ko."
Itinutok nito ang baril sa kanya. "Now, leave," maawtoridad nitong utos.
Sa tingin nito matatakot siya sa pagtutok ng baril?
"Ang simple lang ng tanong ko. Anong kailangan mo sa kanya?"
"Pag sinagot ko ba yan aalis ka na?"
"Dipende sa sagot mo."
"At bakit nakadipende pa sa sagot ko? Tsismoso ka ba-"
"Kargo ko ang babaeng 'yan."
Saglit itong nagulat. Kalaunan ay tumalim ang mga mata. "What?"
"Dinala ng police ang babaeng iyan dito sa selda ko ng biglaan. Sakit sa ulo ang dinudulot 'yan sa akin. Dapat nga kanina pa patay 'yan sa mga kamay ko bago ka pa gumawa ng madramang eksena. Kaya . . ngayon ang tanong ko, anong kailangan o balak mo sa kanya?"
Inis nitong binatawan ang panga ng feelingera at walang pag iingat na itinayo. Sumubsob tuloy ang nanghihinang katawan ng feelingera sa dibdib nito. At kung 'di pa pinaikot ang isang braso ng maangas se bewang ay babagsak ito.
"Katulad ng gusto mo papatayin ko rin siya pero u-unti-in ko mu na.
Nginitian niya ito. "Kung papatayin mo rin lang, e 'di sa akin muna siya."
Nag salubong ang kilay nito.
"Ang babaeng 'yan. Gusto niyang may mangyari sa amin dalawa. Gusto niyang bigyan ko siya ng anak na lalaki."
"What the hell are you talking?"
"Simple lang."
Tumalon siya ng mataas at buong pwersang sinipa ang kamay nito gamit ng ibabaw ng kanang paa. Nabitawan at pumaere ang baril sa kung saan. Sunod non ay mabigat niyang pinalad ang dibdib nito ng malakas kaya't pumakawala sa kamay nito ang feelingera. Agad din niyang sinalo ito at hinagkan papalayo sa lalaki.
"Hay*p ka!" mura nito habang sapo ang dibdib.
"Baka hindi mo ibigay e, kaya sapilitan kong kinuha."
"Ano bang kailangan mo? Bakit hindi ka nalang tumakas?!"
"Napag isip isip ko, na kahit umalis ako hindi rin ako makakatakas. Mahirap ng maliitin ang underground syndicate prison."
"Tang* ka ba? Ako nga walang kahirap hirap na nakapasok,ang lumabas pa kaya! Ibigay mo sa akin ang babaeng 'yan!"
"Bakit ko naman sa 'yo ibibigay? E, regalo sa akin ni Warvez ang babaeng ito para makaraos ako."
Umigting ang panga nito. "Regalo sa 'yo ni Warvez? Ang hay*p na detective na 'yon?!"
Puno ng galit ang mga salita nito ng banggitin niya sa Warvez. Patunay na may ugnayan ang tatlo na nagbibigay sa kanya ng kakaibang interes.
"Easy ka lang, ibibigay ko naman siya sa 'yo pagkatapos ko siyang galawin. Ayaw ko rin namam siya bigyan ng anak. Kung baga Ako ng bahala sa pag papahirap at ikaw naman ang tatapos sa buhay niya. E, di dalawa tayong nakinabang."
"Manahimik ka! Ako ang magpaparusa kaya ibigay mo kung ayaw mong durugin kita!"
Ito naman ngayon ang sumugod. Pinosisyon niya ang Uraken Back Fist niya. Sunud sunod ang pag atake ng kamao nito na pilit niyang sinasangga. Ang hirap ng kumilos ng may umuulang tubig. Masakit pa naman ang kanang kamao niya pero tinitiis niya. Tinitiis 'wag lang makuha ang feelingerang kanina lang gusto niyang patayin.
"Ibigay mo, Armani!"
Nakalusot ang isang kamao nito kaya't nasuntok ang kanang pisnge niya. Kasunod non ay isang suntok sa tagiliran at isang sipa sa binti dahilan ng kawalan ng balansi. Parehas silang bumagsak ng feelingera.
Lint*k! Nang dahil sa babaeng ito napapalaban at nasaktan pa siya. Parang gusto niya ng mag sisi kung bakit nanghimasok at nag alala pa sa feelingera.
"Isa kang pakielamero!"
Hinatak nito ang feelingera ngunit agad niyang ibinalik papunta sa kanya. Tag isa tuloy sila ng braso nito.
"Bitawan mo!"
"Sinabing akin muna siya! Since siya na din nag alok ng sarili niya sa akin!"
"Manahimik ka! Ako ang mundo niya hanggang kamatayan!"
Ilang putok ng mga baril ang nagpatigil sa pagitan nila. Mukhang nagkakahulihan na ng presong tumakas.
"Mr. Creef!"
Sabay silang napalingon ng maangas sa pinanggalin ng boses. May lalaking nakatayo sa kaliwang pasilyo di kalayuan sa kanila.
"Nakuha nanamin ang Emarati. Kailangan na nating umalis nalagasan tayo ng isang grupo!"
"Paanong nalagasan e, ang dami ninyo!"
"Nakarating agad kay Senator Akee Alva ang plano natin, kaya kailangan nating makalabas agad dahil narito na siya kasama ng mga ka ranggo niya. Hinaharangan lang ng ating mga tauhan-"
Ilang magkasunod na putok ng baril ang nagpatigil sa tauhan ng maangas.
"Lumabas at lumaban ka!" hamon ng lalaki mula sa labas.
"Mr. Creef, tara na! Aalayan tayo ng mga tauhan natin papalabas Nariyan na si Warvez at ibang police!"
"Eh, kung tulungan mo ako kunin ang babaeng ito!"
Nagkasunud sunod na ang palitan ng baril. Kinuha niya ang pagkakataong sipain sa tiyan ang maangas na may pulang mata. Mabuti may lakas siyang sipain ito ng matindi para mabitawan nito ang feelingera. Bumangon siya ng kaunti at agad hinagkan ang feelingera.
"You're dead, motherf*ck*r!" mura niya.
"Hay*p ka! Dapat pinatay nalang kita--"
"Mr. Creef, tara na! Wala na oras!"
"Ano ba!"
Hinatak ng tauhan nito ang maangas papalayo sa kanilang dalawa.
"Kailangan na nating umalis!"
"Babalikan kita, Armani! Sisiguraduhin ko dudurugin kita ng pino!"
"Tama na, Mr. Creef!"
"Go to h*ll, mor*n!" balik niyang sagot.
Nang makalayo layo na ito ay tiningnan niya agad ang lagay ng feelingera. Wala nanaman itong malay at patuloy pa rin nagdudugo ang ilong. Sinikap niyang tumayo kahit masakit ang ilang parti ng katawan niya. Kailangan magamot ang babaeng ito at baka nag cause ng head injury ang pag sabog kaya patuloy na nagdudugo ang ilong.
Maingat niyang inilagay sa mga bisig ito at bumuwelo siya ng pagbuhat. Kahit siya kailngan niyang magamot dahil nararamdaman na niya ang epekto sa katawan niya. Nang mabalansi niya ang katawan ay umikot
Maingat niyang inilagay sa mga bisig ito at bumuwelo siya ng pagbuhat. Kahit siya kailngan niyang magamot dahil nararamdaman na niya ang epekto sa katawan niya. Nang mabalansi niya ang katawan ay umikot na siya saka tinungo ang nilabasan ng dalawa. Bahala na kung maabutang nagbabarilan sa labas. Sa pagliko niya isang Glock 19 holster ang tumutok sa kanya. At ang may hawak non ay ang nakaunipormadong si Cedric Warvez.
Basa rin ito at nagalusan sa mukha.
"Saan ka pupunta, Armani?"
"Tigilan mo ako! Kailangan magamot ang babaeng dinala mo!"
Bumaba ang tingin nito sa buhat niya. Namilog ang mga mata nito at humigpit ang pagkakahawak sa baril.
"Anong nangyari sa kanya! Anong ginawa mo sa kanya?!"
"Pasalamat ka at naawa pa ako sa babaeng dinala mo sa selda ko! Kung hindi lang masama ang lagay niya kanina pa kita sinuntok!"
"Sagutin mo ang tanong ko!"
Dama niya ang pagigil nito sa kanya. Bakit? Kasalanan niya ba?!
"Ginalaw mo ba siya?! May ginawa ka bang masama sa kanya!"
"Sa tingin mo sa itsura naming ito may naganap sa amin?! At bakit ko basta papatulan ang babaeng basta mo nalang dinala at may baliw na hangarin! Alam mong nagpasabog iyan pa ang pumasok sa utak mo!"
"Kung wala kang ginawa sa kanya bakit ganyan ang itsura niya!"
The h*ck! May utak ba talaga ito? Parang kasalanan pa niya!
"Malamang may nagpasabog at nadali kaming dalawa! Kung walang pasabog patay na ang babaeng ito sa kamay ko! Dapat alam mo 'yan!"
"Si Ariesto?"
"What?!"
"May ginawa ba sa kanya si Ariesto!"
"Lint*k kang police ka! Kung sinu sino 'yang binabanggit mo! E, kung pinagana mo yang utak mong slow para gamutin na agad ang feelingerang ito!"
"Si Ariesto yung lalaking dahilan ng kaguluhan! Ang ex-fiance niya!"
Ang kapal ng mukha ng police na ito para sigawan siya. Malay niya ba na Ariesto ang ngalan ng hud*s na baliw na nagpasabog at nanakit ng pisikal sa feelingera!
At anong sabi nito? Ex fiance? May ganon bang mag ex? May pasabog ang pagkikita at kailangang manakit?
Wait? Pakiealam niya ba!
"Warvez, puwede ba! Huwag mo akong masigaw sigawan! Malapit na akong mapikon sa'yo dahil may kasalanan ka sa akin! Pasalamat ka't hindi ako tumakas at mas pinili ko pang iligtas ang babaeng ito! Kaya kung ako sa 'yo escort-an mo ako kung saan ang gamutan ninyo!"
Sinamaan siya lalo ng tingin nito. Ilang hingang malalim ang ginawa nito bago mag pasyang ibaba ang baril. Ngunit nagulat nalang siya ng iabot sa kanya ang baril.
"Anong gagawin ko di 'yan?" inis n'yang tanong.
"Hold this gun and escort me. Ako ang magbubuhat sa kanya."
Piinandilatan niya ito ng mata na parang hindi makapaniwala sa narinïg. Siya pa talaga ang mag escort?!
"Okay ka lang?!"
"Bilis na! Akin na siya!"
Kukunin na nito sa kamay niya ang feelingera pero iniwas niya. Nabuwisit siya talaga sa police na ito.
"Anong problema mo?"
"Ikaw ang problema lint*ka!"
"Akin na nga siya!"
"Ibibigay mo sa akin 'yang baril na 'yan? E, paano kung pumayag ako at bigla kong iputok ko sa ulo mo 'yan, tapos tinakasan kita?"
Mariin itong pumikit at dumilat. Siguro naman na gets nito ang punto niya. Na maari talagang gawin niya iyon.
"O, ano? Palit?"
"Just hold her gently. Kapag mananching ka puputulan kita ng kamay."
Pinakitaan niya ito na nakakaasar na gulat. Waring natatakot siya pero nambubuwisit lang.
Lumapit ito sa kanya at nanginginig ang kamay nitong pinahid ang dumudugong ilong. Pagkatapos ay inayos ng kaunti ang sirang damit.
"Follow me."
"Tandyakan pa kita d'yan, e!"
Nag dirty finger ito sa kanya. Gusto niyang patulan ito sa pagiging iresponsable sa seguridad ng mga sindikato pero baka sila naman ang magtalo.
Umabante na sila at naging alarma sa bawat kilos. May barilan pa rin naririnig pero hindi gaanong karami kung para kanina.
Nang makalabas na sila sa Prison A ay dinaluyan agad siya ng lamig. Malawak ang labas ng kulungan at mausok na paligid ang bumungad.
Inilibot niya ang mga mata. Nasilaw siya sa liwanag ng naglalakihang mga Led Stadium light na nakatutok sa buong area. Natatakpan nito ang kadilaman ng gabi kaya kitang kita ang labasan ng Prison A. Napakataas ng pader at sa pinakatutok non ay may electric bud wire na nakaikot. May makakatakas ba sa lugar na ito?
"Detective Warvez" tawag ng isang police na tumatakbo papunta sa amin.
"Anong na nangyari?"
"Nakatakas pero napuruhan naman sila ng mga tauhan."
"Bullsh*t!"
"Ang iba nating kasamahan ay nakatamo ng sugat dahil sa mga pagsabog. Kinailangan pa ng iba na dalhin sa kabilang bahagi ng USP"
"Hindi ninyo nahuli si Ariesto?!"
"May resbak sila galing sa labas. Minataan nila ang pagdating ng senador. Mukhang tauhan iyon ng emarati."
"Buwisit! Mautak ang traydor na police na narito!"
Eeksena sana siya dahil wala siyang pakiealam sa katangahang seguridad ng buong area. Nilalamig na siya at kailangan ng magamot ang babaeng buhat niya pero may paparating na isang grupo patungo sa kanila.
Kilala niya ang parating. It's Akee Alva kasama ng dati niyang mga kaibigang ka ranggo nito.
"Warvez!"
Sumaludo ang dalawa sa paparating na senador. Hindi maipinta ang mukha nito ng makalapit sa kanila. Siya rin ay hindi rin.
"Kinuha nila ang Emarati! Anong kapalpakan ito, Warvez!"
"Patawad, Senator Akee. Hindi ko inaasahan ang malaking gulo na ito."
"Bawat araw o gabi dapat alerto ka. Hindi lang sindikato ang dapat mong tutukan! Pati na rin mga kaduda dudang mga police!"
Nakayuko lamang si Warvez habang sinisita ng senador. Karma na nito at ganti sa binigay na sakit sa ulo nito. Nasa likuran lamang siya ni Warvez. Mukhang hindi pa ata siya napansin.
"Akee, hindi niya ginusto. Hindi lahat matutukan niya. Detective siya pero maraming kasong hawak. Kaya dapat buong ka pulis-an ang sisihin mo. Lalong lalo na ang Protection Unit Squad," dipensa ni Heero Yuy, Ang ka ranggo ng senador.
"Nabubuwisit ako dahil siya ang inaatas ko sa Prison A. Kahit mababang lebel ang ranggo niya, isa pa rin siya sa mahusay na police."
"Patawad, Senator Akee. Hindi ko alam na ang taon ng nakakulong na Emarati ang pakay nila."
Pinaikot niya ang mga mata. Labas siya sa usapang kapalpakan. Pagod na ang katawan niya at kinatagalan bumibigat ang feelingera.
"Excuse me lang a, baka puwedeng dalhin mo muna kami sa clinic ninyo?"
Lahat ng mga mata napunta sa kaniya. Mabilis ang ikot ni Warvez na halatang nakalimot. Ang senador at ang ka ranggo nito ay kanya kanyang gulat.
"Hage? Nandito ka?" gulat na tanong ng Senador.
"Ay wala!"
"Wow! Hindi ka tumakas?"
"Oo, kaya magpasalamat ka nalang. Kahit may pagkakataon akong tumakas kung hindi lang dahil sa bitbit ko, e baka pinoproblema mo na rin ako!"
Bumaba ang tingin nito sa buhat niya. Sinuri nito ang kabuoan ng buhat niya. Gusto niyang ilihis ang feelingera dahil panigurado sa nakalantad na dibdib at hita ito nakatingin.
"What the? Sino 'yan! Ano 'yan babae?!" Turo nito sa buhat niya.
"Bakit hindi ba halata?"
"Paano? Bakit may bitbit kang babae?! Paano nakapasok 'yan rito?"
"Bakit hindi mo tanungin 'yang palpak mong pulis na nagdala ng babaeng ito sa selda ko," sagot niya saka inangasan niya ng tingin si Warvez.
"Warvez, totoo ba ito? Dinalan mo siya ng babae?!"
"Akee, puwedeng habang sinesermunan mo yan dalhin mo kami sa Clinic? Kasi dalawa kaming napuruhan ng pagsabog. Malala ang epekto sa baliw na babaeng ito na kanina pa dumudugo ang ilong at nawawalan ng malay. Dinagdagan pa ng isang maangas na baliw na lalaki na sinasaktan siya ng pisikal."
"Sinaktan niya ng pisikal?" Gulat na tanong ni Warvez.
"Teka sandali, anong bang nangyari? Ano 'to Warvez? Ano 'tong pinag gagawa mo, ha?"
Nagkuyom lang ng kamao ito.
"Warvez, tinatanong kita! Bakit nagdala ng babae dito sa Prison A! Alam mong pinagbabawal ko ito at dito mo pa kay Hage, dinala! E, paano kung inataki ng sakit 'yan at patayin niyan!"
"Muntik ko ng gawin dahil mapilit ang babaeng ito na may mangyari sa amin. At muntik na rin mamatay ang babaeng ito sa baliw na lalaking dahilan ng pasabog!"
"Dahilan ng pagsabog?"
"Oo, ex fiance ng babaeng ito sabi ng palpak mong pulis. Now.. baka puwede mo na kaming dalhin kasi ang bigat na kaya nito!"
"Ex fiance?"
Tiningnan muli nito si Warvez. Gano'n din ang pulis. Huminga muna ito ng malalim.
"Si Ariesto Creef ang tinutukoy niya."
Bahagyang umatras ang katawan ng senador sa sagot nito. Tila 'di makapaniwala sa narinig.
"Ariesto Creef? Ex fiance?"
Tumango ang police. Hindi makapaniwalang umiling ang senador. Siya naman ay nahihiwagan sa pag uusap ng dalawa. "Warvez, huwag mong sabihing ang babaeng 'yan..."
"Parusahan ninyo ako Senator Akee, pero mapilit siya at sinunod ko lamang."
Gumalaw ang senador at malaki ang hakbang na lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang mukha ng feelingera at matagal na pinagkatitigan ang mukhang hanggang ilipat ang mata nito sa katawan. Nainis siya titig nito parang kay lagkit.
"Anong ginagawa mo, Akee! May asawa ka na!"
Hindi pinansin ng senador ang sinabi niya. Nakisilip naman ang dalawang ka ranggo na si Hero Yuy at Duho Maxwell.
"Anong ginagawa ninyo?Bakit hindi ninyo pa kami dalhin sa clinic!"
"Oh, boy.. Your dead men!" sabi ni Duho.
"Paano mo 'yan lulusutan, Akee?" untag ni Heero.
"You, motherf*cker!" mura ng senador kay Warvez.
Kagulat gulat ang reaksyon nito.
"You have to explain everything to me Police Detective Cedric Warvez and face your punishment!
"Tatanggapin ko senador."
Kinuha ng senador sa bisig niya ang feelingera. Ito ang bumuhat at bigla siyang tinalikuran. Siya naman'y napatanga sa ginawa nito.
"Kayong lahat! Alamin ninyo ang bawat anggulo ng pangyayari. Lahat ng kahina hinalang police, kakaibang mga kagamitan, kaduda dudang komunikasyon na malapit patungkol sa Emarati ay dalhin sa investigation dept. Ayoko ng maulit ang kapalpakan ng seguridad dito USP, maliwanag?!"
Lahat ay tumango at kanya kanyang lisan ang ilang police upang gawin ang trabaho.
"Iparadyo ninyo na maglaan ng isang kuwarto sa pagamutan. Tawagan ninyo si Camel Narque at sabihin na kailangan ko siya ngayon 'din!"
Kumilos ang ilang natitirang police naroon maging si Warvez.
"Sumunod ka sa akin Armani," utos ng senador sa kanya bago ito nagmadaling lumakad.
Hindi niya alam kung bakit naging kabaha bahala ang kilos ng senador ng makita nito ang lagay ng feelingera.
Parang malaking problema ito na hindi alam kung paano su-solusyunan.
Pinagitnaan siya ng dalawang ka ranggo ng senador na sina Duho at Hero. Sa likod at gilid nila pinalibutan sila ng bodyguards ng senador.
Sumunod siya't hindi na nagsalita. May namuong katanungan at umusbong ang kakaibang interes sa kanya.
Anong mayroon sa babaeng iyon?
Bakit ganoon ka alarma ang senador para maasikaso ito?
Labas na dapat siya sa buhay nito ngunit nangiealam siya. Nadamay sapagkat babalikan pa nga kuno siya ng ex fiance nito para durugin.
Kaya ito wala siyang magagawa kung hindi pag bigyan ang sarili na alamin ang katauhan ng feelingera.