Tirik na tirik ang araw ng lumarga ang manegang asyumera sa katanghaliang tapat. Nakasuot siya ng mamahaling Gucci shades matakpan lang ang mga matang puyat na puyat na sa kakaantay ng text ng pinakamagandang lahing si Hage Juke Armani.
Mahigit apat na araw ba naman siyang pinaghintay. Alerto siya bawat oras kung may mensahe na ba ang sendika. Nagpaka-dalagang pilipina pa nga siya dahil tiniis niyang 'wag itong itext o tawagan. Gusto niya lang ipakitang hindi siya excited o atat kahit gusto na niyang loadan o pasahan ng dos magparamdam lang ito.
Until she recieved one text message from him.
King Sp*rm Latigo:
Magkita tayo around 2pm sa Coastal Mall.
Don't be late, Baby.
Nang matanggap niya ang mensaheng 'yon ay nangarag todo-todo ang manega n'yo. Nagpaganda siya para mag mukhang fresh at masarap siya sa unang araw ng mahal*y days nila.
"Mommy, i have to go. Hindi ako puwedeng ma-late dahil magagalit ang mister ko," paalam niya sa inang maluha-luha na sa kakaiyak.
"Anak..mag-iingat ka kung saan ka man dalhin ni Latigo. Galingan mo at wag kang tanga huhu. Huwag kang magiging low level na babae okay? Dapat may class ka sa paningen niya kahit sa pag-ungol Huhuhu."
"What?"
"Hindi puro 'Ah Ah at Oh Oh, lang. Common na iyon at walang class 'yon."
"Pati sa pag-ungol po may pangaral kayo?"
Sumimangot ang ina niya. "Aba oo, para hindi ka mag mukhang f*ckgirl!"
Ano daw? Hindi pa ba siya mukhang f*ck girl dahil siya ang nag aya?
"So, ano po dapat? Eh, natural na ungol na po 'yon, Mommy."
"Ang ungol mo dapat ay ganito.. Ehh Ehh, Ihh Ihh at Uh Uh. Iyan dapat para maiba at unique. Gamitin mo ang ibang vowels hindi puro Ahh at Ohh."
Napangiwi siya sa pangaral ng ina pero may punto ang sinasabi nito. Dapat nga naman ay ang daing niya ay ka-level ng estado ng buhay niya.
"Noted, Mom!"
"Ngayon palang ma-miss na kita anak. Huhuhu ang dalagang gurang kana talaga."
"Haller Mommy, magtatanan lang kami para namang hindi babalik."
"Galingan mo anak, tandaan mo proud na proud si Mommy sa'yo. Wag kang uuweng butas lang dapat may laman parang alkansya. Huhuhu.."
Umirap siya sa ere at hinawakan ang ina sa magkabilang balikat.
"Mom, trurst me. Mag kaka-apo kayo dahil maganda ako. Kaya nga kame magkikita kasi honeymoon namin--"
"Anong honeymoon!" Singet ng ama niya sa hindi kalayuan. Namilog ang mata niya ng makita ang ama niyang paparating. Paano ito nakatakas? E, ikinulong nga ito ng ina upang maayos siyang makaalis.
"Oh? Paano ka nakatakas, Vikram?"
"Bravia, masiyado mo akong minaliit. Ako ang nagpapasahod sa mga tauhan kaya papalabasin nila ako, dahil kung hindi sisante ko sila at ipapatay pa."
Bumuntong hininga lang ang ina. Ang ama naman niya ay masamang tumingin sa kanya.
"At ikaw babae ka, ni hindi nga kayo kasal may pa honeymoon ka pang nalalaman. Masiyado ng malayo ang nararating ng pagka-advance ng isip mo! Ni hindi mo nga magawang maipakilala sa akin yang pest*ng King sp*rm na mukhang Baby latigo na yan. Eh, paano kung panget 'yan nang hindi ko alam, hm?"
"Daddy, Chill okay? Magtatanan lang kami at gagawa ng apo. Babalik naman ako,e."
"Talaga ,Babalik ka? Eh, dala-dala mo nga yang tatlong aparador mo!"
"Dad.. kaysa naman sampung maleta ang dala ko.Mainam na aparador ang dala para wala ng hussel sa tiklupan."
"Oo nga Vikram, Bwis*t ka talaga. Ngayon alam mo na kung gaano katalino ang anak mo."
"E, tinamaan ng lint*k! Pinagpatong-patong nga niya yung aparador nga eh! Dadalhin niya ng ganyan sa coastal mall, paano kung sang lupalop ka niya dalhin?"
"Problema ko na 'yon, Daddy, saka secured ako sa kanya, haller!"
"Secured daw, ni hindi ka nga masundo dito."
"Daddy, may magtatanan bang manunundo?"
"Hay naku, Vikram..hindi ka mananalo sa anak mong matalino."
Umatras ng kaunti ang ama at napatingin sa ina. Parang 'di makapaniwala sa kanyang sinabi. Kalaunan ay ibinalik nito ang tingin sa kanya.
"Sabihen mo nga sa akin Frianka, ano ba estado ng buhay mayroon ang Latigo na 'yan? Ano ba itsura at ano ba talaga panga--"
"Dad, aalis na po ako. I-text ninyo nalang yung sermon po ninyo kahit triple send pa, hmmp!"
"Saguten mo ang tanong ko, Bastos ka!"
"Ded..!" pabebeng sambit niya.
"Ayokong pinag-iintay ako, Frianka Hera! Ano ba ang itsura niya? Mukhang Latigo ba talaga 'yan o Tao? Saka ano ang pangalan ng pamilya niya at estado ng buhay meron siya?"
Pinaningkinitan niya ang amang hindi maipinta ang mukha at atat na atat na sagot niya.
"Sabi ko chill lang, basta magkaka-apo na kayo pag-uwe ko gaya ng napag-usapan po natin okay? At kung tatanungen ninyo pangalan niya ay hindi na mahalaga pa. Basta King Sp*rm Latigo a.k.a Baby ang bansag ko sa kaniya. Sa usapang estado ng buhay niya ay medyo-medyo hindi natin siya ka-level, pero kung sa aksyon ay talagang ka level natin siya. "
"What? You mean hindi siya pangkaraniwan? Isa ba siyang Mafia?"
"Secret.."
"Sabihin mo na nga at huwag kang pabitin!"
"Hay nako, Daddy, ma-lalate na ako at ayokong pinag iintay ang pinakamagandang-lahi sa mundo."
"Vickram, hayaan mo na ngang umalis ang anak mo, sayang yung blessing."
"What the f*ck? Blessing? My God,Bravia naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? At ikaw naman babae ka, ano itong sinasabi mo ang pinakamagandang-lahi sa mundo. Ano 'yan Aso?! "
"Dad naman, 'wag mo pong sabihan ng masama ang baby sp*rm ko!"
"Gusto ko makita ang mukha niya! Gaano ba kagandang lahi yang aso na yan para magkaganiyan ka?!"
"Dad, hindi siya aso!" sigaw niya na kinatigel ng ama. "He's so attractive, yummy, hot, may mahaba at makapal na latigo!"
"W-What?"
" At higit po sa lahat, ang gwapo pa niya. Mas gwapo pa sa 'yo Daddy. Kaya let me go para sa mana ko!"
"Mahaba at makapal na latigo? Ano 'yan pagi(sting ray)? Tapos mas guwapo pa sa akin?! What the hell, Frianka, tao pa ba 'yang nagugustuhan mo?"
"I have to go, ayaw ko na makipag talo."
Umiba ang expression ng ama at napalitan ng takot. Hinawakan nito ang isang kamay niya at pinisil iyon.
"Anak, please lang huwag ka ng umalis. Dumito ka nalang sa amin ng ina mo. Baka mamaya hindi tao ang kalabasan 'yan kung mas gwapo pa siya kaysa sa akin."
Pilit man siyang pigilan ng ama ngunit hindi na magbabago ang pasya niya.
"No, aalis ako at babalik na may apo sa akin."
"Anak! Huwag ka ng umalis, please lang. Nag mamakaawa ako, ipagpapalit mo ba kami sa lalaking aso na 'yan? Na may makapal at mahabang latigo? Paano naman kami na gustong bumawi sa 'yo?"
"Pero Daddy, Mahal ko po siya!"
Ay may ganon ang manega ninyo?
"Hindi ka niya mahal 'wag kang feelingera masyado, anak." Singit ng ina.
Pinanlakihan niya ng mata ang ina. Hindi man lang sinakyan ng ina ang sinabi niya. "Mommy, please huwag kang panira."
"Ano? Tama ba ang pagkakarinig ko, Bravia? Hindi siya mahal? Kung ganon bakit ka pa aalis Frianka!"
Urgh! Wala tuloy siyang magawa kung hindi magsabi ng totoo.
"Daddy, hindi na baling hindi niya ako mahal e, sureball na baby boy at magandang lahi ang maibibigay niya. Tutal naman iyon naman po talaga ang kailangan ko sa kaniya. At yung pagmamahal na tinutukoy ninyo? Huh! True love never exist. Pipiliten kong limutin ang lahat!" madramang sagot niya. Patungkol ang pagmamahal kay Ariesto.
"Anak, tigilan mo na ito. Tama na dahil kung mahal ka niya ay siya ang kukuha sa'yo para itanan ka at hindi ikaw!"
"Hindi nga po ako mahal pero dito ako masaya kasi may kailangan po ako sa kanya. "
"Hindi ka kailanman sasaya!"
"Please, tama na Vikram, hayaan mo na ang anak natin. Anong oras na kaya."
"Hindi bravia!"
"Bye, aalis na me!" paalam niya saka nagmadaling lumakad patungo sa sasakyan na pick up truck RAM 1500 Trx.
"Anak, huwag mo kaming iwan ng iyong ina! Parang awa mo--ahh!"
Napadaing ang ama, sinapo nito ang ang dibdib kung nasaan ang puso. Ang ina naman niya ay alaalay ito at pilit pinapakalma.
"Vikram!"
"Fri-frianka, anak.. Bumalik ka."
Patuloy pa rin ang pag mamakaawa ng ama habang siya'y papalayo at puntahan ang piniling kaligayahan.
Nilingon niya ang ama bago sumakay sa sasakyan. Nakahandusay ito sa malamig na simento habang patuloy na tinatawag ang kanyang pangalan.
"Frianka!"
"Hay naku!"
Sumakay agad siya ng sasakyan saka pina-andar iyon. Nakita niya ang ama na patuloy sa pag da-drama nang bumangon ito bigla at hinabol siya.
"Hoy Frianka!"
"Vikram, tumigil ka na nga,Hayaan mo na ang anak nating lumigaya!" pigil ng ina na hinabol din ang ama.
"Frianka, bakit ka pa rin dumiretso. Kita mo ng inatake na ako hindi mo man lang ako pinuntahan!" Sigaw ng ama habang kinakalampag ang bintana ng sasakyan.
"Frianka wag kang umalis, Anak!"
Binuksan niya ang bintana ng sasakyan, itinaas ang shades saka inirapan ang ama.
"Daddy, ang panget mo pong umarte kahit kailan! Wala kang future sa drama at hanggang aksyon ka lang. Tss! Kaloka," sabi niya saka miniobra ang sasakyan. Pinaharurot niya iyon upang hindi na siya mahabol ng ama niyang napahawak na sa tuhod. Kita niya ang galit nito pero binaliwala niya.
"Anak..!! Masakit ang tuhod ko!!" Pahabol pa ng ama.
Umikot ang mata niya saka ibinaba ang shades. Isinarado na niya ang bintana ng sasakyan upang hindi na marinig ang pag dadrama ng ama.
Mag pahanggang ngayon ay tinatanong niya sa sarili niya kung bakit ganito kumilos ang ama niya. Sa labas ng bahay ay mafioso na iniilagan ng lahat mula sa misteryosong pamilyang Wurzel, pero pag dating sa bahay? My Gawd, eh dakilang palpak at isip bata. Iniisip din niya kung paano ito napag tyagaan ng ina maliban sa magandang lalaki ito ngunit mahangin.
Well anyway, change topic because this is it manega! Heto na ang araw na pinaka-hihintay niya. Ang araw na magaganap na ang pag-iisa nila ng sendika. Kailangan na niyang masalinan nang magandang lahing sp*rm nito at lahat ng klaseng pang-aakit ay gagawin niya para 'wag nang tumagal pa ang pag hihirap niya.
"Sa pangalawang pagkikita natin, sisiguraduhin ko na hindi na ako papalpak."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela saka iniisa-isa nanamman ang mga bagong plano niya. Aba syempre, Kahit papaano may utak din naman siya at imposibleng hindi siya pahihirapan ng sendika bago siya ikama.
"Pang kama ako, kakama kama ako. Kung alam mo lang kung gaano ka kasuwerte dahil ang magandang Wurzel pa ang makukuha mo. You have to be proud pero kainis lang hindi puwede."
Hindi puwede kasi hindi naman kasi kailangan. Sp*rm lang ang kailangan niya. No need pa ipangalandakan ang background niya. Mabuti nalang talaga hindi tsismoso si Senator Akee Alva. Mukha pa naman mag frienny ang dalawa.
"Okay, let start na."
Kinuha niya ang mamahaling Smart Phone saka tinapo ang isang application na makakatulong sa kaniya. Naroon kasi ang mga iba't-ibang impormasyon kung paano aakitin ang halimaw na lalaki. At ang application na iyon ay tinatawag na..
"w*****d, Kala mo ah!"
Binuksan niya ang reading list sa library account niya. Pagbukas non samut-saring kuwento ang isinave niya patungkol sa pang-aakit, linyahan at syempre mga the moves sa para sa mahalay day and nights nila.
Hinanap niya ang pinakapaboritong kuwento sa lahat. Ang storyang ito ay talaga namang kakaiba, dahil prolouge palang nabigyan na agad siya ng impormasyon.
'Walang malupit na latigo sa matalim na itak'
Iyan ang titulo ng kuwentong binabasya niya.
"Bay bhe Ko, here i come. I'm sure naman sa tindig at kaganda ko pa lang makakalimutan mo na ang pa epek mong kondisyon!" Desidido niyang sabi kasabay nang matagumpay n'yang ngiti.
Goodluck nalang sa manega ninyo.
Unti-unti ng nawawala sa paningen ang papalayong sasakyan ng anak.
Kumuyom ang mga kamao niya at doon ibinuhos ang nag aalab niyang galit.
Ang nag iisa niyang prinsesa na mahabang panahong napabayaan ay gusto ng magkapamilya sa maling paraan.
Syempre bilang ama ay gusto niya maihatid ang anak sa altar. Nakakabit ang pinakamatamis na ngiti sa labi dahil makakasama na nito ang tamang lalaking pinakamamahal.
Hindi itong ganito na hanggang sa dulo kapag nawala sila sa mundo ay nag iisa lamang ito at walang mag aalaga.
"Frianka.."
Ngayon palang tutol na siya sa mga advance nitong isip. Kaya gagawin niya ang lahat para lamang hindi magtagpo ang tinutukoy nitong magbibigay ng masarap na apo. Aanhin mo ang sarap kung 'di ka naman masaya.
"Wala kang alam Frianka kung gaano kita kamahal. Hindi ako showy pero higit pa sa inaakala mo ang kakayahn kong kontrolin ang lahat para lamang maging maayos ka."
'At higit po sa lahat, ang gwapo pa niya. Mas gwapo pa sa 'yo Daddy. Kaya let me go para sa mana ko!'~ Frianka
Isa pa sa hindi niya matanggp na mas gwapo pa sa kanya ang tinutukoy ng anak. Wala namang kaso iyon pero iba pa din kung sa anak niya magmamana ang magiging apo. Sa lahi nila at hindi sa asong iyon.
Mas lalo siyang nilukob ng interes mahanap ang tunay na pagkatao ng pesteng asong sp*rm na umaakit sa nag-iisa niyang prinsesang asyumera.
"Kailangan kong makausap si Warvez. Tutal naman ito ang madalas niyang sabihan ng kung ano at pati ako na nagpapasahod e, pinalilihiman pa. "
Alam niyang malapit ito sa isa't isa. Si Warvez lang ang pinakamalapit na makukuhaan niya ng impormasyon. Hindi na ito nagrereport, iniisip niya nalang na abala ito sa trabaho sa USP.
"Wurzel Sun," tawag ng asawa mula sa likuran niya. Nilingon niya agad magandang asawa na hinihingal.
"Queen Sun, hinihingal ka?"
"Malamang hinabol kita para pigilan ka kaso nagkakaedad na ako kaya nahirapan ako. Pero infairness ang galing mo umarte, akala ko pa naman e kung ano na nangyayari sa 'yo. Kaya mo ng tapatan ang kalokohan at kadramahan ni Lucy." Ang tinutukoy nito ay ang asawa ng pinsan niya.
"Talaga?"
"Oo naman."
Nilapitan niya ang asawa upang aalalayan. Pinahid niya ang pawisan nitong noo saka hinalikan sa labi.
"Bravia.."
"Hmm?"
"Mahal mo ako 'di ba?"
"Oo naman, kahit palpak ka at mahangin ay mahal na mahal kita."
Seryoso niyang tinitigan ang asawa. Alam niyang isa rin ito sa may alam.
"Kung mahal mo ako, dapat sabihen mo sa akin ang mga kasagutang nais kong malaman."
Ngumuso ang asawa niya at mukhang alam na ang pahiwatig niya.
"Ayoko nga, kung tungkol kay Frianka ay hindi ko'yan masasagot."
"Bravia please, ako ang ama ng anak mo, ang asawa mo. Bilang ama karapatan ko malaman ang lahat."
"Para ano para pa imbestigahan mo? My God Vikram, kilala kita. Alam ko ang lahat sa 'yo kahit ang pinaka-maitim mong parti ng pagkatao."
"Alam ko namang kilala mo ako, pero kung ayaw mong gamitan ko ng dahas malaman lang ang katotohanan, sabihin mo na sa akin."
"Vikram, hayaan mo na ang anak natin, doon siya masaya. Kung isa ito sa paraan para makabawi, e kailangan nating ibigay.
"Bravia, babae ang anak natin, nag iisang prinsesa. Hindi iyan lalaki na puwede kahit saan."
Nalungkot ang mga mata nito. Siguro ay nakuha ang punto niya. "Alam ko ang nararamdaman mo, kahit ayaw ko man dahil babae siya pero.. mapipigilan ba natin ang kagustuhan niya? Sabihin na ko man na...marami na siyang nakabangga, binutasan ng lalamunan gamit ng kuko at kaya niyang lumaban ng siya lang. Syempre tulad mo nag aalala pa rin ako."
"Iyon naman pala, e..sabihin mo na sa akin kung sino para mabawi ko kaagad ang anak natin sa asong sp*rm na mas gwapo pa raw kuno sa akin."
Umiling ang asawa. "Hindi ko pa rin ako magsasabi."
"Bravia naman.."
"Ito ang paraan ko para bumawi, huwag mo sirain ang pambabawi ko. Huwag kang inggitero gumawa ka ng paraan mo para makabawi ka. "
"Ano 'to kompetisyon ng pagbawi? Di ba puwedeng sabay tayong bumawi?"
"Gumawa ka ng pambawi sa sarili mong paraan. Sa ating dalawa ako ang pinaka nawalan ng oras. Exempted ka na duon kasi na coma ka."
"Ganito ang paraan ng pagbawi mo? Masaya ka ba?"
Lalo itong ngumuso.
"Bravia, kung ayaw mong gumamit ako ng kapanyarihan ko para hawakan ang anak mo sa leeg, sabihin mo sa akin ang lahat ng impormasyong nalalaman mo patungkol sa asong mas guwapo pa sa akin," pagbabanta niya.
"Sinabing hindi ko nga masasagot! Privacy na ng anak natin 'yon kaya wag ka ng mangiealam. Doon masaya ang anak mo at bumabawi lang ako!"
"At talagang pabor ka pa sa kabaliwan niya ha, Gano'n ba!"
Umalis ito sa harap niya't dumistansya.
"Huwag mo akong sigawan, pangalan lang ang alam ko pati mukha pero ang estado ng buhay ng lalaki niya ay hindi ko alam. Pero ang mahalaga lang sa akin ay ang kaligayahan ng anak mo dahil bumabawi ako sa pagkukulang ko, natin. Buti nga magaling ako umarte at napapayag ko yung binatang mas gwapo pa sa'yo!"
Namilog ang mga mata niya sa huling sinabi ng asawa. Mas gwapo pa sa kaniya? God manega.. Galing pa mismo sa bibig ng asawa! Awwch!
"Ma-Mas gwapo pa sa akin, ha?"
"Oo! Kaya dapat matuwa ka kasi magandang apo ang maibibigay ng batang asong sinasabi mo."
"What? Bata? You mean, hindi niya ka-edad?!"
"Yah! Millenials ang trip ng anak mo!"
Umiling siya.
"Hindi puwede, mas lalong hindi ako papayag!"
"Saan ka ba nagagalit? Yung mas gwapo pa sa'yo yung millenials o yung p--"
"Ayokong mapunta ang anak ko sa hindi niya ka edad o ka-level! Kaya mainam na maikasal siya sa pinili kong lalaki para sa kaniya!"
Sinamaan siya ng tingin ng asawa.
"Vikram, itutuloy mo pa rin? Alam mong hindi masaya ang anak mo sa ganyan. Mas lalo 'yon mag rerebelde. Lalo pa't hindi naman mas gwapo pa yung binata kaysa sa pinili mo."
Naikumpara ng asawa ang aso at ang lalaking ipapakasal. Naipakita na niya kasi ang itsura nito.
"Siya ang nababagay sa anak natin dahil hindi ito masyadong gwapo at mas lamang na lamang ako!"
"Pest* ka Vikram! Nahihibang ka na, Lalo mo lang palalayuin ang loob ng anak mo sa atin."
"Hindi ko pinalalayo dahil mas bagay silang dalawa. Ito ang karapat dapat dahil parehas na parehas sila. Sobrang compatible sila ni Trowa Spencer Borton."
Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng asawa.
"Ano ibig mong sabihin Vikram?"
Nginitian niya ang asawa saka nilingon muli ang daang tinahak ng anak.
Inalala niya ang lalaking nakilala kamaikailan dahilan para ito ang napili niya para sa anak.
****
LATE NA LATE ng nakarating si Lord Vikram Wurzel sa tagpuan nila ng client niya dahil naipit siya sa kahabahaan ng trapiko sa edsa. Nang makapasok na siya exclusive restaurant ay itinuro agad ng door representative ang table na pinareserba. Nakita niya roon na nakaupo ang isang lalaki at tiyak na galit na ito sa tagal na pinag intay niya.
"Good day Mr. Wurzel,"magandang pagbati nito habang prenteng naka-upo at susimsim ng alak.
"My apology, sobrang trapik sa Edsa. Madalas naman akong dumaraan roon ngunit hindi ko alam kung bakit may kabigatan na ngayon. I'm sorry again Mr.Borton."
Ngumiti ito "No worries, late din naman ako,same your situation. Kakarating ko lang din naman. Have a sit."
Tumango siya't umupo. Ipinaton ang sa lamesa ang isang gold case saka sumenyas sa isang waiter upang humingi ng tubig.
"Natrapik ka rin ba?"
"Yes and actually, Ako dapat ang humingi ng pasensya dahil natrapik ka."
Ano daw?
"What do you mean?"
Binaba nito ang alak saka siya nginitian.
"Ako ang dahilan ng pagkakaroon ng matinding trapik sa edsa. Nagkagulo ang mga kababaihan sa akin yung trip kong maglakad sa kahabaan ng Edsa dahiĺ ang bagal ng daloy. Alam mo na hindi masiyadong kagwapuhan."
Nagsalubong ang kilay niya. Gwapo naman ito kainis lang dahil masakit lang sa mata ang kulay pula nitong buhok, gero mas guwapo pa rin siya. Kaso..mas malala pa ang kahanginan nito.
"Nagbabaan ang mga kababaehan at kinukuhaan ako ng litrato. May mga stolen shots pa kaya kailangan ko pang huminto at mag pose ng kaunti para sa mga nagkakandarapa sa akin kaya..'wag kang mag-alala hindi ako galit. Ako dapat ang humingi ng pasensya dahil na-late ka."
Umismid siya, ang yabang ng lint*k na ito.
"Okay. Wala akong pakiealam sa dahilan mo." Pagsusungit niya. "Ang mahalaga nadala ko ang ipo-propose ko sayong singsing, Mr. Borton."
Mas lalo itong ngumiti. Tinagilid nito ng kaunti ang ulo at mataman siyang tinitigan.
"You know what Mr.Wuzel, pwede bang magdiretsahan na tayo? Kasi ang ayoko sa lahat ay hindi straight to the point. Tell me, what do you want from me?"
Anong pinagsasabi nito sa kanya?
"Ano nanaman ba yang pinag sasabi mo?"
"Alam mo na, nakikipag schedule sa akin pero iba pala ang pakay."
"Ikaw itong nakipag schedule sa akin 'di ba? Baka nakakalimutan mo."
"Yeah, ako nga pero syempre may isasabay pang isa pang pakay."
Nakakapikon na ang lalaking ito. Panay pilit sa puntong hindi niya matukoy.
"Alam mo mag pasalamat ka nalang at tinamad akong pasabugen ang Edsa kanina kaya't buhay ka pa. Now, itigil mo na ang pinupunto mo at ipapakita ko sa'yo ang Imperial Empire Jewerly Collection ko."
Binuksan niya ang Gold Case gamit ng passcode. At nang mabuksan ay ipinakita niya ang nilalaman non.
Kita niya ang paghanga sa mga mata nito.
"Wow, ang ganda ng pagkakadisenyo."
"Siyempre, disenyo iyan ng pinamamahal kong asawa. Ang J.N niyan bay Emery"
"Emery?"
"Pinagsamahang, Emerald Gem na nakuha sa karagatan ng atlantika at Fire Ruby na namina sa Saudi Arabia. And its surrounded of a ring of diamonds na tiyak pasok sa panlasa mo."
"Amazing, napakaganda nga ng singsing na 'yan. Bagay na bagay sana sa babaeng magsusuot niyan."
"Nagkakahalaga ito ng ilang milyon na barya lamang sa sa 'yo."
"Okay ibilhen ko." sagot nito. Madali naman pala itong kausap.
"Cash or check?" tanong nito.
"Transfer it to my personal account, I will send to you the details "
"Ibigay mo na sa akin aura mismo at ipoproseso ko na ngayon."
"Nagmamadali ka?"
"No.." tipid nitong sagot saka uminom muli ng alak.
Isinarado niya ang gold case. "Ang passcode ng case na ito ay--" Pinatigil siya magsalita gamit ng isang kamay. What the heck?
"I don't need that."
"What?" gulat niya. Sira ba ang ulo nito?
"Akala ko bibilhin mo--"
"Yes, bibilhin ko pero hindi ko na 'yan kailangan."
"The case?"
"Both. The case and the ring."
"Ano? Bakit?"
"Basta, kung gusto mo ipamigay mo o hindi kaya itapon mo nalang." Tamad nitong sabi.
Nag pantig ang tenga niya sa sinabi nito, para kasing wala lang rito ang lahat ng paghihirap at tyaga nang bumuo ng singsing na dala-dala niya.
"Ipapamigay? And worst itatapon nalang? Ano 'to gaguhan ha, Mr.Borton?"
"Mr. Wurzel, Binili ko na. Akin na 'yan at ako na magdedecide kung anoman ang gusto kung gawin diyan. End of discussion about the dealing and tell me you true agenda."
Abay tinamaan ng lint*k! Buwis*t itong lalaki na ito.
"Ang kulet mong ungas ka. Bakit ba pinipilet mong meron akong agenda sa'yong iba kahit wala naman?"
"Wala nga ba?"
"Naiines na ako sa 'yo, Mr. Borton. Nilapastangan mo na nga ang sipag at tiyaga ng mga tauhan ko maging ang disensyo ng asawa ko, tapos paparatangan mo pa akong may agenda. Bakit sino ka ba sa akala mo, e kapantay lang naman kita."
"Na-apriciate ko ang singsing pero aanhin ko naman iyan kung ang mag susuot ay iniwan na ako. Biro mo.. yung medyo kagwapuhang tulad ko at perfect na talaga ay iniwan pa. The hell, bulag siya. Kaya Pasalamat ka nalang at binili ko pa. So..ano ba talaga ang pakay mo, Lord Wurzel?"
Hay naku nagdrama pa ang mayabang na ito. Pero natawa talaga siya.
"Deserve mo iyan, kasi mayabang ka."
"May maipagyayabang naman," segunda nito.
Grabi..sarap pukpokin ng case ito sa bunbunan.
"So..pwede ko na bang malaman ang totoong pakay mo? Kasi yung tulad ko ay hindi dapat pinag hi--"
"Perfect ka," putol nya.
"Sorry pero matagal na," proud nitong sabi.
"Tutal panay pilit mong may iba pa akong pakay e, 'di sige. Dahil sa kayabang at kahanginan mo ay pinahanga mo ako."
Sumeryo naman ang mukha nito at ang mga mata nito ay napalitan ng katanungan.
"What do you mean?"
"I like you."
"Buwakanang sh*t! Gano'n na ba ako kagwapo? Na maging sa isang Wurzel na tulad mo ay magkagu--"
"Bagay na bagay ka sa anak ko. Huwag kang ano d'yan."
"Ha, ang alin? Sino?"
"Tutal wala ka namang girlfriend at iniwan ka na sa pagiging maayabang mo ay nababagay talaga sa'yo ang anak ko."
Bigla itong malakas na tumawa.
"Kayo talagang mga magulang, oh. Lahat nalang inerereto ninyo sa akin ang mga anak ninyo. Duh...nakakasakal at nakakaumay na. Wala na ba kayong ibang dadahilan pa ?"
"Meron.."
"Talaga? At alin naman, ha?"
"Yung pagiging Feelingero at Asyumero sa lahat ng bagay. Kaya..."
Itinuro niya ito gamit ng hintuturong daliri niya sa mukha .
"Lord Trowa Spencer Borton, Rank 5 4rth Generation. Pakasalan mo ang feelingera at asyumera kong anak na kauri mo."
*****
DOON natapos ang usapan nila ni Mr. Borton.
"Tutal naman anak lang ang nais niya mainam ng si Trowa Borton ang makapag bigay. Siya ang nararapat kay Hera. Si Trowa lamang at walang iba."
"Eh,ayaw nga ng anak mo lalo pa pag nalaman non na hindi pa ito kagwapuhan!"
"Yon na nga..Kasi hindi kagwapuhan kaya lamang pa rin ako."
"Baliw ka ba? Dahil lang sa ayaw kang malamangan ng kagwapuhan sa pamilya natin?!"
"Hindi naman sa gano'n pero parang ganoon na nga, pero konti lang na may pagka-Oo."
Ano daw?
"Ewan ko sa'yo! Mas-bet ko ang batang aso kaysa sa don sa sinasabi mo. Dahil mas guwapo naman iyon at yummy pa!"
Nilayasan siya ng asawa matapos sabihin iyon. Napanganga siya sa double kill na compliment nito sa asong pinanggigilan niya.
"Hoy Bravia! Anong sinasabi mong mas guwapo at yummy? 'Wag mong sabiheng may gusto ka sa aso na 'yon! Ako lang dapat ang pinaka-guwapo sa paningen mo!"
Hindi siya pinansin ng asawa at tuloy tuloy lang itong pumasok sa kabahayan. Ilang mura ang nasambit niya. Hindi puwedeng ganito palagi. Kailangan na niyang umaksyon nakakagigil na!
Kinuha niya ang cellphone na nakatago sa coat at tinawagan ang soon to be son in-law niya para ito ang maghanap sa aso at sundan ang anak na paladisisyon.
"This is Trowa Borton, speaking."
"Hey..si Vikram Wurzel ito."
"Oh, ikaw pala Mr. Wurzel, anong kailangan mo?"
"May iuutos ako sa 'yo."
"Ayos ka rin, ah."
"Nag deal na tayo 'di ba? Yung tungkol sa anak ko."
"Bakit pumayag na ba ako?"
"Hanapin mo ang anak ko ngayon din gamit ng mga koneksyon mo. Pag ginamit ko ang mga tauhan ko mahahalata niya."
"Bakit saan ba nag punta?"
"Umalis siya at pinuntahan ang katanan niyang aso!"
Narinig niyang nagmura ito.
"Mas lalong ayokong pakasalan ang anak mo na pumapatol sa aso! Saka may binabantayan pa akong chicks na buntis may alter--"
"Sh*t naman Trowa! Pumayag kana 'di ba?"
"Hay naku.. pumayag lang ako para salinan lang siya ng genes ko na namumukod tangi lang naiiba sa mundo. Kaya please lang yung puso ko ay para lang kay Miriam Silves--"
"Na iniwan ka!"
"Sh*t naman! Kailangang ipamukha?"
" Basta unahan mo ang katanang aso ng anak ko, huwag kang puro satsat! Makaka move on ka rin pag nakita mo kung gaano kaganda ang anak ko! Sumunod ka na lang at makikita mo na hindi ka magsisi sa pinapagawa ko."
"Tss! Oo na lang.. Isend mo sa akin ang picture at pangalan."
Pagkatapos non ay Binabaan siya ng tawag. Mabuti naman at sumunod ito kahit papaano mababawasan ang pag aalala niya sa anak niya.
Pumasok na rin siya ng bahay at sinundan ang asawa. Kokompratahin niya ito sa mga salitang hindi niyang matanggap at pipilitin niyang pagsalitain ito patungkol sa King Sp*rm Latigo a.k.a baby dog.
"Aalamin ko kung ano ang itsura ng latigong baby dog na'yon. Kung kailangan kong idaan sa lasingan ang asawa ko ay gagawin ko. At kung mas kinakailangan i shoot to kill nalang ang pest*ng iyon ay gagawin ko."