CHAPTER 10

3827 Words
Pasado alas-tres na pala ng hapon nang tingnan niya oras sa relong pambisig. Mahigit isang oras na pala siyang nag hihintay at nakatayo sa entrance ng coastal mall . Nanakit na ang mga binti at paa niya at dahil iyon sa suot niyang Elizabetha Franci na heels. Malay niya bang maghihintay siya ng ganito katagal tapos walang mensaheng pinadala kung saan banda ba magkita. Kaya heto siya't gutom na parang tangang nakatayo sa entrance. "Manega! Na saan na ba ang lalaking 'yon!" Nakakasira ng kagandahan ang sobrang init. Mabuti nalang at hindi siya nag make-up kasi hindi naman niya kailangan dahil maganda na raw siya. "My gulay manega, napaka init!" reklamo niya kasabay ng pag paypay niya gamit ang kamay. Namamasa na sa pawis ang Dolce Gabana niyang white fitted dress sa tindi ng inet at mukhang dumidilim ang kalangitan. "Huwag naman sanang umulan, mababasa ang aparador ko!" Tinawagan at tinext ang baby niya pero hindi 'to sumasagot sa tawag niya, kahit man lang reply sana. Lumalakas pa naman ang hangin at at kung sustwertehin ay babagsak na ata ang ulan. "Huwag niyang sabiheng i-india-nin niya ako! Kung ika-cancel niya baka naman puwede niyang sabihin." Bakit kasi ayaw sagutin ng sendika ang tawag niya mahirap ba mag swipe? Nagsimula ng magbagsak ng tubig ang kalangitan, na sinabayan pa ng biglaang pagkulog at kidlat. Napatili tuloy siya sa lakas non at napayakap sa sarili. "My God Hage, where are you na kasi? I'm scared na kaya!" Wala siyang nagawa ng bumuhos na ang malakas na ulan. Ang mahal niyang aparador na puno ng magaganda niyang damit ay nabasa na sa parke. May namuo ng galit sa dibdib niya. Mukhang sinimulan na nito ang pagpapahirap sa kanya at ang unang puntirya nito ay ang pasensya niya. "Hayop ka talagang sp*rm ka, Urggh! Hindi ka marunong pumapatas sa akin." Sa kalagitnaan ng galit niya ay tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya iyon at pangalang sendika ang nakita. Sa wakas nagparamdaman din ito at kung puwede lang talaga ay singhalan niya ito. Siya kasi dapat ang habulin dahil siya ang may pinakamaraming kapalit na ibibigay tapos ganito? "Na saan kana?" untag niya agad. "I'm sorry, nauna na ako." Namilog ang mata niya sa sagot nito. " Wait, what?! What do you mean na nauna kana, saan?" "Galit ka?" Sh*yt manega, Manhid ba ito? Dapat alam nitong magagalit siya dahil pag intayin ba naman siya ng isang oras sa lugar na bago lang sa kanya. "Sa tingen mo ba hindi? Ilang beses kitang tinawagan at tinext tapos sasabihen mo na-una kana. WHat the h*ll is the meaning of this?!" "Bakit nagagalit ka? Ano suko kana?" Nagtagis ang mga ngipin niya. Kumuyom ang kamao niya at parang gusto niyang mag butas ng lalamunan. "Ako susuko? Anong klasing tanong 'yan, Armani." "O 'yon naman pala, eh. So bumiyahe ka mag-isa." What the heck! Mag isa siyang babyahe! "Ano? Bi-biyahe ako mag-isa?" "Yes baby.." " Paano ako bi-biyahe kung hindi ko alam kung saan ang lugar ang pupuntahan ko?!" galït niyang tugon. "Suko kana? Madali lang akon-" "Wala akong sinabing sumusuko na ako! My point is, sana man lang ininporma mo ako agad ng maaga na hindi ka didiretso dito! Hirap ka bang mag text o tumawag man lang nang mas maaga ha?!" "Nakalimutan ko kasi." Napasapo siya ng noo. Gusto niyang sumigaw at mag mura sa narinig. How dare him! Isang walang kwentang ang katwiran nito. "Anong klasing sagot 'yan! Ang kapal nang mukha mong paghintayin ang magandang tulad ko! Palit kaya tayo ng sitwasyon,Armani!" Naku.. naging manegang monster na ang manega feelingera. Hindi na tuloy niya napigilang magwala. "Nakakatakot ka masiyado baby, parang gusto ko nang tumiwalag sa usapan natin." "What?! Ikaw pa ang may gana?" "So anong gusto mo ikaw?" "Bakit ba kasi kinalimutan mo?!" "Ang dami kong inasikaso saka hindi ako basta papayagan lang ni Akee Alva na bumiyahe. Kailangan pa rin nila ako i escort papunta sa Cavite. Alam mo naman siguro kung bakit 'di ba?" May point naman ang baby sp*m niya, pero the f*ck lang talaga ang ginawa nito. Akala pa naman niya ma-experience niyang ang maitanan ng lalaking handa siyang ipaglaban kahit siya lang yung palaban. Pati na rin ang imahinasyon niyang bumibyahe ng masaya with insert music. "Kung tinawagan mo sana ako ng mas maaga, e, 'di sana nag da-drive na ako pa-- " "Hindi ka gagamit ng sasakyan," putol nito na ikinauwang ng labi niya. "Ano?Anong gusto mo maglakad ako habang basang-basa sa ulan?!" "No cars and some stup*d things" Mukhang ang tinutukoy ata nito ay ang sasakyan at tatlong aparador niya. "Ano!" "Mag-commute ka, baby." "What the.. mag ko-commute ako? Yung tulad ko pinag ko-commute mo? Are you d*mn crazy na ba ha, baby?!" "This is you your second task. Isa sa mga condition ko kung karapat dapat kang ikama. Mag-commute ka at 'wag kang magrereklamo." "No way! Paano kung maligaw ako? Tapos may..may umaligid sa aking mania*c sa bus or sa kahit saang poor vehicle? Tapos.. Tapos.. Kidnapin ako, ma-rap* o gawing s*x slave?! O kaya.. O kaya--" "'Huwag ka ngang feelingera, tumigil ka sa kakaisip mo ng mali. Saka puwede ba, use your mouth to communicate isabay mo na rin ang feelingera mong utak. Maari kang magtanong kung paano pumunta ng Tagaytay Cavite sa mapagkakatiwalaang tao sa paningen mo kaya wag kang tatang* tang*." Awch ang hard naman nito. "Pero ang hirap paano kung maligaw ako?" "Hindi ka maliligaw kung hindi ka mag papakatang*. You only have 3 hours sa lugar na susunduin kita. At kapag naligaw ka at lumagpas sa oras bagsak kana. Goodbye, baby boy ka na." "Ang sama mo! Nakakaines ka naman! Malamang hindi ko maiiwasang maligaw!" "E, 'di wag kang tang*!" "Ayoko sabi!" "Mag ko-commute ka o mawawalan ka ng Baby boy? Kasi alin man sa dalawa ang disisyon mo ay wala akong pakiealam dahil walang mawawala sa akin. So think wise, baby." Talaga lang, walang mawawala? Sure siya? "What about my precious stuff and my Ram pick up car? Iiwan ko na lang?" "Bring some important things na magagamit mo. Ayoko ng puro ka-ekekan o kaartihan lang ang dadalhin mo, baby." "Pero lahat iyon importante." "Umaandar ang oras, baby. Kaya pumanaog kana at kumilos. Ayokong nasasayang ang oras,Kilos!" Nagpapadyak siya sa ines dahil ayaw niya talaga, never niya pa kasing nagawang mag commute. Naiiyak na siya at balak-balak ng sumuko. Sa totoo lang ang dami-dami naman kasing iba diyan at willing pang magpalahi, pero iba 'to manega! As in sh*t sa sarap yung lahing meron ang sendikang ito. Plus naalala pa niya ang usapan ng ina niya na uuwi siyang may laman at makukuha niya ang mana. Mawala palang ang pera sa buhay niya kinikilabutan na siya. Ayaw niya mag hirap tapos tatandang mag-isa? No manega! No way! "Fine! Gagawin ko na, Baby." "Good.. So goodluck nalang. I-sesend ko nalang ang lugar na pupuntahan mo at kikitaan natin okay?" "Oo na!" "Tandaan mo, umaandar ang oras, kaya 'wag kang tang*. Take care Baby." Gusto pa sana niyang sumagot pero umurong ang dila niya kaya wag nalang. Sakto din na pinatay nito ang linya. "Eee...! Manega! Eeeee!" Tili niya sa gitna ng malakas na ulan."How dare you, Armani!"Ipakidnap nalang kaya kita! Buwis*t ka talaga naku!" Ilang paghinga ang ginawa niya para kumalma. Nanggigigil beast mode talaga siya ng sobra. Kung puwede lang manghablot ng tao rito para doon itarak ang kuko niya. 'Di niya napigilang maiyak sa sobrang dismaya. "Bakit palagi nalang akong minamalas pag may meet up!" Pinahid niya ang mga luhang kumawala. Palagi nalang siyang pinagmumukhang tanga pag usapan meet up. Kay Ariesto, sa WWG at ngayon sa Sendika. "Kailangan ko ito ituloy kahit anong manyari." Nilunok niya ang sakit at isang malalim na buntong hininga ang ginawa. Kaya niya ito, konting pasensya pa. Kinuha niya ang cellphone sa sling bag niya at tinawagan si Warvez. Mabuti nalang sumagot ito, huwag lang siyang babarahin baka bugahan niya ito ng matindi. "Bakit?" malamig nitong tugon. "Alam kong busy ka pero can you do me a favor?" "Ano nanaman ba iyon Frianka--" "Kunin mo ang Ram Trx pick up ko sa parke ng coastal mall. Kung hindi ka puwede iparadyo mo sa nearest police station na hatakin ito at dalhin sa unit ko." "What? Sandali lang bakit nasa Coastal mall ka? Nasiraan ka ba?" "Hindi, mag ko-commute ako. Kunin mo na at basang basa na ang tatlong aparador ko. Pag dating sa unit ipaayos mo sa representative." "Basang basa? Teka, nabasa ka rin ng ulan? Tapos mag commute? Ano 'to Frianka--" "Kunin mo na at huwag ng puro tanong! Ayoko ng babagal bagal!" "Ako ang kukuha, susunduin kita. Hindi ako papayag na mag commute ka tapos basang basa ka--" "I'm fine, i don't need your concern. 'Di ba nga iniwan mo ako sa ere!" Binaba niya agad ito tawag. Tumawag ito ngunit hindi niya inabalang sagutin. Alam niya at ramdam niyang concern ito, syempre trabaho nito ang asikasuhin siya. Pero alam niyang hahaba lang ang usapan at babangayan nanaman siya nito. Nagpasya na siyang umalis sa kasagsagan ng ulan, hindi na siya mag aabalang kumuha ng damit dahil aksaya lang iyon sa oras. Pero bago iyon tiningnan muna niya ang Chanel Sling Bag kung kumpleto ba ang kailangan niya sa biyahe. "Maybeline Press powder, check!" "Mini Dior Ivy Perfume, check!" "Naked lip matt,check!" "Smart phone power bank, check!" "BPI debit and Credit card,check!" "Money? Uhmm.." Napahalungkat siya bigla ng bag niya. " God Manega.. Piso lang ang meron ako? Urgh! Hate ko pa naman mag withdraw." Mabuti nalang may malapit na atm machine ng maglingon lingon siya. Pinuntahan niya iyon kahit medyo mahamapas ang ulan. May bubong naman ang tinatahak niyang daan at Hindi naman siya mababasa sa kaunting hangin ng ulan. "Kaasar!" Lingon sa kanan at kaliwa muna ang ginawa niya bago ipasok ang card. At ng hingin ang password non ay yukung yuko ang manega niyo . Kulang nalang ay ilong nalang ang gamiting pampindot ng password. Sa kabilang banda habang abala ang manega ninyo magwithdraw ay may nakamasid sa kanyan 'di kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Nakasuot ito ng Black Cap, black jacket at black mask. Sinusuri nito mula ulo hanggang paa ang feelingera at hindi niya maiwasang mapangiti. "Frianka Hera.." Syempre..ang feelingera manega ay malakas ang sense sa paligid. Alam niya kung may nakamasid, masama man o mabuti ang intensyon nito. "Sh*t.. Tauhan ba ito ni Daddy? O mga kaaway ko?" Kung tauhan ng ama niya walang problema dahil madali niya itong takasan. Pero kapag kaaway? Subukan lang nila dahil talagang dito niya itutuon ang lahat ng inis niya. Hahanapin niya sana ang taong nagmamasid pero natigilan siya. May naisip na senaryo na nabasa niya sa libro. "Wait.. parang alam ko 'to.." Habang abala ang atm machine sa paglabas ng dalawanpunglibo na gagamiting pamasahe papuntang cavite tagaytay ay may napagtanto siya. "Manega nabasa ko na 'to!" sabi niya sabay hampas sa atm machine. "Alam ko 'tong eksena na to. Nabasa ko na 'to sa Wattpad." Nang makuha ang pera ay agad niya iyong inilagay iyon sa sling bag. "Lech* naman tong si Hage, Kaines talaga! Akala niya hindi ko alam ang ganito? Hahaha." Lihem siyang kinilig at may paayos-ayos pa ng kaunti ng buhok. "Hay naku, Frianka.. nainis at nagalit ka pa, e sinabi niya lang na nauna siyang bumiyahe pero ang totoo.. Eeeee.... Manega eee..!!" tili niya kasabay ng 'di mapigilang ngiti. "Pero ang totoo, chine-check niya lang kung magagawa ko ba yung task niya. Gawd, ang talino ko. Pa-arte-arte pa ako, e nandito lang naman pala si Babay ko sa paligid at lihim akong binabantayan kasi maganda ako,Hahaha. Syempre ako lang naman ang pinakamagandang nakilala niya at hindi niya ako hahayaang mapahamak kasi maganda ako!" gandang ganda sa sarili niyang sabi. Ang galit kanina lang ay napalitan ng kilig. Nag assume na ang feelingera na narito nga sa paligid ang sendika na lihim na nag babantay. "Okay Frianka, dapat hindi mo ipahalata na alam mo ang plano niya. Hayaan mong siya mismo ang lalapit sa 'yo " pangaral niya sa sarili. "Kailangan kong mag mukhang nahihirapan hanggang sa makonsensya siya at patitigilin niya ako dahil ayaw niya akong mahirapan. Eee... s**t eeee.... " mahina niyang tili. "Kailangan ko siyang mapalabas agad. Kung kinakailangan kong bumaba ng bus in the middle of no where habang kasagsagan ng ulan ay gagawin ko. Tapos mag papanggap ako na sukong suko na ako sa task niya habang yakap ang sarili sa magdilim na kalangitan. Tapos bigla siyang susulpot at yayakapin yung sexy kong likuran. Eeee...... Manega eeeee!" Sana all advance mag isip. Grabi ang itinatakbo ng isip ng feelingerang ito. "Tapos hahalikan niya yung batok ko at hihingi siya ng tawad sa akin,eeeh.... !! Tapos sasabihen niya. "Im sorry baby pinahirapan kita, please forgive me' Eeeee!!Tapos sasagot ako ng suko na ako sa kanya. Tapos pipigilan niya ako at sasabihin niyang 'No please, mi amore don't you ever f*cking leave me. I'm begging you, baby. Waaahh..!!" E de wow! Sana all na predict ang mangyayari. "Tapos mag iinarte ako syempre hahaha! Haharapin ko siya at duduruin na may kasamang hampas sa masarap at matikas niyang dibdib at ng sasabihen ang linyang.. 'Ilang beses mo ba ako pagmumukahaing tang* para lang ma-i-kama mo ako? Pagod na pagod na ako, alam mo ba? Pagod na pagod na ang puso ko'. Eeeee...!!! Tapos sasagot siya ng malupit niyang linya na.. 'Tara na umuwi na tayo, nilalamig ka na. Baka magkasakit ka pa bay...bhe' eeee....!! Tapos syempre dapat makaramdam ako na magkakasakit ako at mawawalan ng malay tapos sasaluhin niya ako at sasabiheng sh*t baby ang init mo! Eeee..!! Tapos dadalhin niya ako sa bahay niya, iaakyat sa kuwarto at Aalagaan tapos biglang huhubaran. Tapos..tapos.. Maakit siya sa katawan ko tapos..aaaaah...!! Waaaah!!! Pratatat na! Lalatiguhin na niya ang pusacat ko. Eeee..Manega eeeeee..!" Wala na nakabuo na agad ng isang chapter ang manegang feelingera. Nilamon na siya ng sistema ng w*****d at mga librong nababasa. "Wet ka na ba Pusakat? Later kana mangalmot sa beasty latigo, okay? Eeee..manega eeee!!" Nag send na ng location at terminal bus na sasakyan ang sendika. Nag reply siya rito tatlong heart at sinumulan na niya ang mala-w*****d adventure niya patungo sa Pratatat of the Year. "Baby Latigo..galingan mo lang ang pagtatago. Wahahaha." Tinungo niya ang uniwide terminal ng coastal mall upang hanapin ang sasakyang gagamitn. Hindi alintana ang ulan dahil inspirado siya. At dahil kung ano anong eksenang pumasok sa isipan niya ay gumawa siya ng isang kalokohan. Kung sinusubukan siya ng sendika puwes susubukan ni rin ito. Abala siya kunwari sa pagtitipa ng phone ng may humablot sa sling bag niya. "Oh God Manega! Yung precious bag ko!" Hinabol niya ang magnanakaw ngunit sa taas ng heels niya ay hindi na niya ito naabutan. "Help me! Someone grab my bag!" Walang nag abalang tumulong sa kanya. Waring normal lang iyon sa mga tao na napailing nalang. "Help me please! Oh my God!" Nang makita niyang papalayo na sa kanyang paningin ang bata ay nanlaki ang mga mata niya. Hindi iyon ang usapan. "Ay walang hiya, saan ka ppunta! Ibalik mo yung bag ko!" sigaw niya. Hay naku..ang manega ninyo. Sa sobrang advance mag isip at sinubukang palabasin ang sendika sa tinataguan nito ay nangyari ang hindi inaasahan. May binayaran kasi siyang batang hamog na kunwari ay kukuning ang bag niya para syempre daw lalabas sa lungga ang baby niya para habulin iyon. Pero ayon..wala, nganga ang manega. Walang Baby na lumabas upang siya'y tulungan. At pinakamalas pa ay talagang kinuha ng tuluyan ang bag niyang ginamitan pa ng kutsilyo para makuha sa kanya. "Kainis kang bata ka! Ibalik mo ang bag ko!" Malay ba niya kasing totohanin nito ang pagnakaw ng bag niya kaya ito, umiyak sa pagkadismaya ang feelingera. At ang tawag diyan ay Karmang feelingera. Anong gagawin niya ngayon? Wala siyang perang pamasahe, naroon pa naman ang debit and credit cards niya pati na rin ang cash na ipapamasahe niya sana. "Sh*t naman 'tong si baby hindi man lang lumabas eh!" paninisi niya sa sendika. Mabuti nalang hindi nito nakuha ang cellphone niya kaya mabilis niyang pina-block ang cards niya. Sunud non tinawagan niya ang sendika ngunit out of coverage. Sinubukan niyang itext baka kasi walang signal ngunit no-response. Pumasok tuloy sa isip niya baka wala naman talagang sendika sa paligid at talagang nauna na ito. Naging over na ata ang pagka-advance ng isip niya. "Seryoso ba talagang wala siya?" tanong niya sa sarili. "Kung ganoon paano na ako nito? Wala talaga bang Hage na lalabas?" Wala, as in wala. Ilang minuto na ang lumipas na kahit umiyak at mag maktol siya walang lumabas. "Paano na ako nito? Paano ako makakarating ng Cavite?" Kawawang manega. Ayaw pa naman niya humingi ng tulong kay Warvez dahil tiyak 'di siya pakakawalan pag nalaman nito ang gagawin niya. "Kainis ka talaga, Armani!" Habang abala siya kakaiyak at pag-iinarte dahil sa katangahan niya ay may tumawag sa kaniya. "Uy ate Hera, iKaw ba yan?" Nilingon niya ang boses babaeng pamilyar sa kanya. Ganoon nalang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang isa sa grupo ng WWG o w*****d Wives Group. Ang wirdong grupo na trip pasukin ang buhay ng mga mahihirap. "E-Eli Zha?" Ngumiti ito. "Yes it's me! Buti nakilala mo pa ako." Pinahid niya ang mga luha. "B-Bakit nandito ka?" "Bakit nandito kami?" "Ha? kayo?" "Kaming lahat," sagot ng isang babae. Nilingon niya iyon at laking gulat niya ng makita niya si Miriam Silvestre. Nakataas ang isang kilay nito at masungit na nakatingin sa kanya. Katabi nito ang tatlo pang kasamahan na sina Joy Chanie Ortega, Chelsy Roces at Angelica Pagulong. Hinanap ng mga mata niya si Ann-Jellic Heaven dahil ito lang ang wala. "A-anong ginagawa ninyo rito? Saka nasaan si Annj?" "Huwag mong hanapin ang wala," masungit na tugon ni Miriam. Aba't ayos itong babaeng ito, lagi nalang siyang binabara. "Okay..so bakit siya wala?" "Pupuntahan namin siya sa Tagaytay. Ang sabi masama daw ang pakiramdam kaya kailangan naming dumalaw." Napaisip siya. Naroon 'din sa tagaytay si Hage, hindi kaya pinuntahan nito ang kapatid dahil masama ang pakiramdam? "How about you Ate Hera, bakit ka nandito?" Speaking of Tagaytay , kung pupunta rin ang mga ito ay sasabay na siya. Mga sosyalerang feeling mahirap naman ang mga ito kaya makakalibre siya. "Hulog kayo ng langit, pupunta rin ako ng Tagaytay, ang kaso lang ninakaw ang sling bag ko ng batang hamog" "Oh my God, ninakaw ang sling bag mo ng batang hamog?!" gulat ng mga ito. "Oo kaya..wala akong pamasahe. Please, help me..babayaran ko nalang kayo kahit patungan ninyo pa ng interest." "Sorry to hear that Ate, but sad to say wala na din kaming pamasahi tulad mo." What?! Pati sila ay walang pamasahe! Paano nangyari 'yon? Mga sosyalera sila pero walang pera! Paano na siya ngayon? Tumatakbo ang oras niya! "Bakit wala kayong pera? Paano kayo pupunta ng Tagaytay kung wala kayong pamasahe?" "Makakarating kami dahil nandito ka," sabi ni Chelsy. "Paanong nandito ako, e ninakawan nga ako 'di ba?" "No! Ang punto namin ay ikaw nalang ang paraan para makaalis at pumunta kami ng tagaytay. Kung kami ay hulog ng langit para sa 'yo, e..mas lalo ka na sa amin. Isa ka rin hulog ng langit." "What do you mean?" Lumapit sa kanya si Eli Zha at hinawakan ang kamay niya. "Naghahanap pa kami ng isa pang kundoktor." "Kundoktor?" "Yes! Kulang kasi ami ng isa, eh. Tulal wala si Ann-jellc, substitute ka muna sa kanya?" "Ha? Teka hindi kita maintindihan. Anong kinalaman ng pagkukundoktor?" "Stup*d, why you're so slow? Don't you get it what are point? We need another one and that is you!" segunda ni Miriam "Hindi ko nga naintindihan! Epal ka, ah." "Stop girls, wala na tayong oras.. Ate Hera magkokundoktor kami at kulang kami ng isa. Ikaw nalang ang pag asa namin para makumpleto na." "What? You mean mag kokundoktor kayo? Totoo?" "Yes, ang bus na gagamitin ay byaheng Cavite tagaytay. This is our chance." Iba ang pakiramadam niya sa pahiwatig nito. Please, don't tell her na mag kokundoktor siya. Sa ganda niyang ito! "Mag k-kondoktor tayo?" "Yes, tutal mukha ka ng mahirap dahil nïnakawan ka kagaya ng mga mahihirap ay sumama ka na sa amin." si Chelzy Nawalan lang siya ng pamasahe mukha na siyang mahirap? Itutulad pa siya rito. "Pupunta ka rin naman ng Tagaytay e, 'di sumama kana," pamimilit ni Angelica. "Aha! Hindi puwedeng pupunta kami ng Tagaytay ng walang pinag hihirapan, syempre mag papaka mahirap kami. Kasama iyan sa poor 101 tips namin." pahabol ni Eli Zha. Lanya sabi na nga ba at may kawirduhang gagawin ang mga ito. "So ano? Join ka na?" May magagawa ba siya? Kung ito lang magiging paraan para makarating sa ekasaktong oras ng meet up nila ni Hage ay gagawin niya. "Okay j-join na ako "pilit niyang sabi. "Great! Tara, ipapakita ko sa iyo ang bus na gagamitin." Hinatak nalang siya ni Eli Zha at walang nagawa kung hindi mag patinaod. "Nakikita mo ba yang bus na yan, iyan ang gagamitin natin. " Napaatras siya sa nakita. Manega! Bakit ito ang gagamitin! "That ordinary bus, without aircon?!" "Yes," "Bakit iyan? Baka maaksidente tayo nyan!" "Hindi a, same lang 'yan ng private bus. Saka mas mabilis nga 'yan,e. Kaya yan ang bus na gagamitin at iyan ang tatrabahuin natin." Lumunuk siya. "Pero hindi ko alam kung paano mag kondoktor, Eli Zha." "Kaya mo 'yan. 'Wag kana mag-inarte kaya biles na. Ngayon ang schedule ng alis niyan kaya tara na. Tayong dalawa ang unang babyahe!" Sita sa ni Miriam Silvestre. "Tayo? Tayong dalawa Talaga?!" "Ako driver at ikaw ang konduktor, may angal ka?" Sarap kaltukan ang babaeng ito! "Hala bilis! HuWag puro satsat!" Hinatak nalang siya bigla ni Miriam papasok sa bus na parang kawawang bida sa w*****d. Ikinabit sa braso niya ang isang maliit na machine na kinagulat niya. "What the hell is this?" "Ticket machine 'yan. Bibigyan mo sila ng reciept patunay na nagbayad sila. Bilis na mag Tawag ka na ng pasahero at mag trabaho kana! Kailangan pa natin ng pasahero bago lumarga, bilis!" Sunod naman ay itinulak siya papalabas para magtawag ng pasahero. "Magtawag ka na!" "King ina manega may galit ka ba sa akin ha? Bwis*t ka!" Inirapan lang siya. Ewan ba niya pero kumukulo ang dugo niya kay Miriam at ganon 'din ito. Parehas pa silang may sama ng luob sa isa't isa. Napasabunot siya sa sariling buhok, hindi niya aakalaen na ganito magiging ang kapalaran niya. Tapos wala pang pakiealam ang baby sp*rm niya mag pakita o 'di kaya mag response. Pero tamang-tama na rin ito dahil wala siyang pamasahe. Kaya kailangan niyang magtiis para sa baby boy. Hindi siya puwedeng ma-late! Kaya kailangan ng maka-alis. Huminga siya ng malalim at nagpakawala ng mainit na hangin. Inayos ang boses saka sinigaw ang kailangan. "Oh, mga kabit diyan na gustong dumayo ng Tagay, sakay na rito sa Tagaytay Cavite! Aallis na, aalis na! Mga kabit na gustong tumagay, Tagaytay Cavite na kayo! Aandar na, aandar na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD