CHAPTER 2

1259 Words
LORRAINE POV "Manang, pwede po akong tumulong." sabi ko. Naisipan kong tumulong sa aming kasambahay dahil hilig ko ang magluto at lalo na ang magbake. Sa edad kong katorse, nag-enroll ako sa culinary at pinayagan naman ako ng aking mga magulang dahil pangarap nilang magkaroon ako ng sariling restaurant at bakeshop pagdating ng panahon. "Naku! Seniorita, huwag na po, mapapagod lang po kayo. Isa pa, mamaya ay nariyan na po ang pamilya Buencamino." pagtanggi ni Manang Melba. Si Manang Melba ang nag-alaga sa akin simula noong bata ako. Dahil ang aking mga magulang ay busy sa trabaho, kaya sobrang napalapit ako kay Aling Melba. Kahit hindi payag si Yaya Melba ay nagkusa akong kumuha ng apron at nagsimula na akong maggayat ng mga gulay at iba pa. “Sorry Manang, na bo-bored lang po talaga ako eh," pilyang sabi ko. "Ewan ko ba talaga sa 'yong bata ka. Kahit kailan nangingialam ka," sabi ni Manang Melba. Wala nang nagawa ang matanda at pinabayaan na ako sa aking ginagawa. "Basta sina Nathan ang pupunta dito, lagi kang ganadong tumulong. Siguro, boyfriend mo na si Nathan, noh?" patanong na sabi ni Manang Melba habang nakatitig siya sa akin. Bigla akong namula sa sinabi ni Manang Melba. Ngunit, bigla akong nalungkot nang maalala ko na may ibang mahal si Nathan. "Naku, manang! Hindi po, kaibigan ko lang po talaga si Nathan.” Naalala ko ang sinabi niya kanina… “Isa pa, may iba siyang gusto," pagpapaliwanag ko. "Tumulong lang, boyfriend ko na agad yung tao. Ikaw Manang ha, kung ano-ano po ang pumapasok sa isip mo." pagpapatuloy ko habang naggagayat ng gulay. Bigla kong naalala si Nathan na paborito niya ang chopsuey kaya naisipan ko siyang ipagluto niyon. "Manang, pwede po ba tayong magluto ng chopsuey? Paborito po kasi ni Nathan ang chopsuey. Eh, ano pa ba ang magagawa ko? Pang-chopsuey na ang ginagayat mong gulay." napapailing na sabi sa akin ni Manang Melba. "Hindi daw boyfriend, eh. Gusto namang ipagluto ng paborito," pabulong na sabi ni Manang Melba na parang kinikilig. Hindi iyon nakalampas sa pandinig ko. "May sinasabi ka po Manang?" tanong ko habang nakangisi. "Ah, Wala! Ang sabi ko, sarapan mo'ng magluto nang makuha mo ang puso ni Nathan. Tutal, bagay kayong dalawa.” kinikilig na sabi ni Manang Melba. Si Manang, ang tanda na pero parang bata kung kiligin.” bulong ko sa sarili ko. "Si ma..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may biglang tumikhim at nagsalita sa likuran ko. Kilalang kilala ko ang boses na yon. Bigla akong namula at nakaramdam ng paruparo sa tiyan ko. Sana naman ay hindi niya narinig ang sinabi ni Manang Melba. "Ehem! Sarapan mo luto, huh." seryosong sabi ni Nathan malapit sa tainga ko. Bigla akong pinamulahan ng pisngi. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga ni Nathan sa tainga ko. "s**t!" mura ko sa isip. “Ano ba itong nararamdaman ko?” tanong ko sa sarili ko. "Ka_kanina ka pa ba riyan?" nauutal na tanong ko kay Nathan habang nagsisimula na akong magluto ng chopsuey. "Bakit ba dire-diretso ka dito sa kusina?” tanong ko kay Nathan. Tawang-tawa naman si Nathan habang nakatingin sa akin. "Kadarating ko lang," pagtanggi ni Nathan. Lumapit ito sa akin. "Hinahanap kasi kita, aayain sana kitang mag-dance revo. Kaso, busy ka sa pagluluto ng paborito kong gulay." pagpapatuloy ni Nathan at lalo pang lumapit sa akin. “Bakit kaya dikit nang dikit sakin ang mokong na 'to?” bulong ng isip ko. "Sige, pagkatapos ko dito ay mag-dance revo tayo. Pwede bang lumayo ka muna sa 'kin? Hindi ako makakilos nang maayos," utos ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa pagdidikit ng mga balat namin. Huwag naman sana akong mahalata. "Oh, sige." sagot niya sa akin. "…but I will help you, ok.” Sabi niya sa akin habang nakatitig siya sa akin. "Okay," maikli kong sagot sa kanya. Sobrang saya ko ngayon kasi feeling ko mag-asawa kami. "Charot," mura ko sa isip ko. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. “Focus ka lang Lorraine sa ginagawa mo.” bulong ko. Pagkatapos ng kalahating oras ay maluluto na rin ang niluluto kong chopsuey. “Perfect!" sabi ko, pagkatapos kong tikman. "Can I try?" tanong naman ni Nathan. Pumayag ako na tikman niya ang niluto ko. Nagulat na lang ako ng ang gamitin nitong kutsara ay ang ginamit ko. "Gosh, para na kaming nag-lips-to-lips," bulong ko sa sarili ko. Ano ka ba Lorraine? Kung ano-ano'ng iniisip mo. "Sarap! Ito ang best chopsuey na natikman ko." masayang komento ni Nathan. "Talaga?" tanong ko kay Nathan. "Yes, ang galing mo na talagang magluto!" masayang tugon ni Nathan. Lumapit sa akin si Nathan at biglang dinampian ang aking mga pisngi ng mga daliri nito. "Pinagpawisan ka pagluluto." sabi ni Nathan. Nasa ganon kaming posisyon nang biglang pumasok sa kusina si Manang Melba, "Ay 'sus! Ang mga kabataan nga naman ngayon…hindi raw magkasintahan pero kung magtitigan ay wagas." napapailing na sabi ni manang Melba. "Selya, kumuha ka nga ng pang-spray sa langgam at may nilalanggam dito." natatawang tawag ni Manang Melba sa isa pa naming kasambahay. Bigla kong naitulak si Nathan. "Sige, punta muna ako sa kwarto ko. I need to change my clothes." pagpapaalam ko kay Nathan. "Just wait me sa playroom, mag-dance revo tayo." pahabol na sabi ko kay Nathan habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko. Pakiramdam ko ay pulang-pula na naman ang mukha ko dahil sa sinabi ng Yaya ko. Kakainis talaga, baka mahalata ni Nathan na may gusto ako sa kanya. Dali-dali akong nag-shower at nagpalit ng damit na pinili kong maong short at spaghetti strap na pang- itaas. Kapag nasa bahay lang kasi ay mas gusto ko ang naka-shorts at sando lang. After kong magbihis, pumunta na ako sa playroom at naabutan kong nagda-dance revo na si Nathan. "Come on, let's play," tawag sa akin ni Nathan. Lumapit ako kay Nathan at nagsimula na rin akong maglaro. Masaya kaming naglalaro nang biglang tawagin kami ng kasambahay namin na si Ate Selya. "Excuse me po, seniorita. Ipinapatawag na po kayo ng Papa ninyo." tawag sa amin ni Ate Selya. "Sige po ate Selya, susunod na po kami." tugon ko sa kanya. "Let's go." pag-aaya ko kay Nathan. Nagulat ako nang hapitin nito ako at yakapin. “Lorraine, thank you dahil ipinagluto mo ako ng chopsuey.” Masaya kaming kumakain ng hapunan kasama sina Papa at Mama pati ang mga magulang ni Nathan na sina Don Rafael at Donya Eliza. Biglang nagsalita si Nathan upang ipagpaalam ako para sa outing sa darating na Sabado. "Tito Julio, Tita Lorena, pwede ko po bang isama si Lorraine sa outing namin this weekend?" pagpapaalam ni Nathan sa mga magulang ko. "Saan naman kayo pupunta at sino ang mga kasama ninyo?" seryosong tanong ni Papa kay Nathan. Huminga muna nang malalim si Nathan bago sumagot. "Pupunta po kami sa Caliraya Lake sa Laguna." diretsong sagot ni Nathan. "Tito, mga team mates ko po at mga ka-grupo sa cheering squad ni Lorraine ang mga kasama namin." pagpapatuloy ni Nathan. Tumikhim muna si Papa bago muling nagsalita. "Sige, pumapayag ako pero please make sure na babantayan mo si Lorraine dahil first time niyang lalabas ng Tayabas ng hindi kami kasama." Si Papa ay kilala sa buong bayan ng Tayabas dahil sa estado ng buhay namin. Kita ang saya sa mukha ko at ni Nathan. Halos sabay kaming nagsalita. "Talaga Papa?" ang nahihiwagaan kong tanong. "Talaga po Tito!?" ang tanong naman ni Nathan na may pagkagulat. “Thank you po, Tito! I promise na babantayan ko po si Lorraine." pangako ni Nathan sa papa ko at nagpatuloy na sila sa pagkain .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD