CHAPTER 1

1719 Words
LORRAINE POV Napabalikwas ako ng bangon nang tawagin ako ni Nathan. “Lorraine, gumising ka na diyan! Male-late na tayo sa school!” sigaw ni Nathan. "Sandali lang, maliligo pa ako!” sigaw ko at nagmadali na akong maligo. Simula nang mag-high school ako at pumasok sa AMIS na mas kilalang Alexander Montesorri International School, palagi na kaming magkasabay pumasok ni Nathan. Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin, hindi ako makapaniwala na lalaki akong maganda at may magandang pangangatawan. Habang lumalaki ako ay nakikita na sa akin ang aking kagandahang taglay. Ang matangos na ilong, mapupungay na mata na may natural na mga malalantik na pilik-mata, at mapupulang labi. Ngumiti ako, "Ang ganda mo talaga, Lorraine," puri ko sa aking sarili. Kahit solo akong anak ay masaya pa rin ako dahil mayroon akong kababata. Ang aking matalik na kaibigan na walang iba kung 'di si Nathaniel Buencamino. Siya ang anak nang matatalik na kaibigan ng aking mga magulang. Matanda si Nathan sa akin ng isang taon at habang tumatagal, may namumuo akong lihim na pagtingin para sa kaniya. Ngunit mayroon kaming sumpaan na hindi kami pwedeng magkagusto sa isa't isa. Habang inaayos ko ang aking sarili sa harapan ng salamin,narinig ko si Nathan na sumigaw. “Hoy! Lorraine, bilisan mo naman!” tawag nito sa akin na halatang naiinis. Dahil sa tagal kong kumilos ay hindi ko namalayan na malapit nang mag-alas-otso ng umaga. “Oo, andiyan na ako,” mabilis kong tugon. Halos mapatawa ako nang makita kong salubong ang mga kilay nito. “Kahit kailan talaga ang tagal-tagal mong kumilos, Miss Lorraine Monteverde.” Ngumiti ako at niyakap ito. “Ikaw talaga, kahit kailan ang taray-taray mo sa akin,” sabi ko habang nakangiti. Minulatan ako nito ng mata. “Tara na.” Sabay hila nito sa aking kamay. Nagulat ako ng pagkalabas namin ng mansyon ay mabilis siyang pumunta sa kanilang mansyon at paglabas nito ay nakasakay na sa kanyang motor. “Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Sakay na,” utos nito sa akin. Napalunok ako nang sumakay ako sa motor, dahil amoy na amoy ko ang mahalimuyak na amoy ng pabango nitong gamit. Napakagat labi ako nang siya'y aking yakapin at mahawakan ko ang matitigas nitong dibdib. “Grabe! Ang tigas-tigas ng dibdib mo, parang ang sarap mong kagatin,” pilyang bulong ko sa aking sarili habang napapapikit. "Hoy! Lorraine, kumapit ka nang mahigpit. Huwag mo akong pagnasaan," biro nito sa akin nang mapansin niyang halos dumikit na ang aking mga labi sa batok niya. Pinagtaasan ko ito ng aking kilay. "Ang kapal ng mukha mo!" inis kong sabi dahil sa pagkapahiya ko, na tinawanan lang nito. Pagkarating namin sa gate ng aming school ay nagmadali na rin kami sa paglalakad papunta sa classroom ko. Nang maihatid na ako nito sa classroom ay bigla itong nagsalita. “Lorraine, mamaya nga pala, may laban kami ng basketball, manood ka ha,” sabi nito. Ngumiti ako, "Sige po, Mister Nathaniel Buencamino," tugon ko na may halong lambing. Tinitigan ako nito at ngumiti sa akin. "Ang swerte ko talaga sa 'yo, Lo..." hindi na nito naituloy ang sasabihin nang bigla siyang hilahin nina Charles, at Alex. "P're, tara na," narinig kong sabi ni Charles. "Sige, Lorraine, pumasok ka na! sigaw ni Nathan. Nang makapasok na ako nang classroom ay sinalubong ako ni Joyce. “Lorraine, boyfriend mo ba si Nathan?” patiling tanong sa akin ni Joyce. “Hindi, ah!” mabilis kong tugon dahil nakita ko ang bestfriend kong si Lavinia na masama ang tingin sa akin. Nang makaupo ako sa upuan ko ay nagsalita si Lavinia. "Lorraine, pwede bang i-set mo ako ng date kay Nathan?" maarte nitong tanong sa akin. Ngumiti ako at tumango. "Sige, sasabihin ko sa kaniya," ang mahina kong tugon. Malimit magpagawa si Lavinia ng love letter sa akin para ibigay kay Nathan. Ngunit itinatapon lang ito ni Nathan at naiinis pa sa akin sa tuwing iniaabot ko sa kanya ang love letter mula kay Lavinia. Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay narito ako sa gym upang manood nang laban ng basketball nina Nathan. “Nathan, shoot mo na!” malakas kong sigaw nang hawak nito ang bola at sinisipat ang ring. Tumingin muna sa akin si Nathan bago itira ang bola. "Yes!" sigaw ko nang ma-i-shoot ni Nathan ang bola “Go, Nathan!” muli kong sigaw nang maagaw ni Nathan ang bola. Nang matapos ang laban nina Nathan ay lumapit ako sa kanya. "Ang galing mo talagang mag-basketball, Nathan," puri ko sa kanya. Si Nathan ay isang basketball player dito sa aming school. Lubos akong humahanga sa talento ng aking kaibigan. Siya at ang apat niyang mga kaibigan na sina Charles, Alex, Rigor, at Carlo ang mga tinitilian nang maraming kababaihan dito sa aming school, na kung tawagin sila ay mga kilabot ng kolehiyala na hindi naman nakakapagtaka dahil mga gwapo talaga silang lahat. Seryoso si Nathan na tumitig sa akin at ngumiti. “Ikaw, kasi ang lucky charm ko.” Napailing ito. “Pero nakakahiya ka kanina," pabirong sabi ni Nathan na naging dahilan kaya bigla akong sumimangot. “Oh! Bakit biglang haba ng nguso mo ngayon?" tanong sa akin ni Nathan . Pinalo ko ito sa braso. "Nakakainis ka kasi! Ako lang ba ang sumisigaw kanina?!" paismid kong tanong kay Nathan. Napailing ito kaya muli akong nagsalita. "Mas nakakahiya naman ‘yung mga fans mong baluga," pang-aasar ko kay Nathan sabay nguso ko. Pagkatapos ayusin ni Nathan ang kanyang sarili ay lumapit ito sa akin at bumulong. "Wala akong pakialam sa kanila, dahil masaya akong nakitang nanood ng laro ko ang babaeng pinakamamahal ko." sabay kuha niya sa mga kamay ko. "Tara, meryenda tayo," pag-aaya nito at nagsimula na kaming maglakad papunta sa canteen. Bigla akong tumahimik dahil nalungkot ako sa sinabi ni Nathan kanina. Pakiramdam ko ay parang kinukurot ang aking puso. Gusto nang pumatak ng aking mga luha dahil sa nalaman ko, pero ayaw kong ipahalata kay Nathan. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may girlfriend ka na?" lakas-loob kong tanong kay Nathan. Dahil ang puso ko ay nagsisimula nang umiyak dahil labis akong nasaktan sa nalaman ko. Tumikhim muna si Nathan bago sumagot. "Hindi ko pa siya girlfriend, kasi hindi pa siya pwedeng mag-boyfriend," sabi nito kasabay ng pagngiti sa akin. Tinitigan niya ako sa aking mga mata kaya alam na alam niyang nalulungkot ako dahil sa sinabi niya sa akin. Kilalang-kilala talaga ako ng aking kaibigan. "Bakit parang ang lungkot mo ngayon?" tanong sa akin ni Nathan. "Ako malungkot? Hindi ah!" pagtanggi ko sabay ngiti ko nang pilit upang maitago ang aking nararamdaman. "Basta kapag nagka-girlfriend ka na, dapat ipapakilala mo agad sa 'kin. Upang makilatis kong mabuti at kailangang pasado siya sa 'kin, para sa 'yo, okay," pagpapatuloy ko habang pilit kong itinatago ang tunay kong nararamdaman. "Ang gaga mo talaga, Lorraine!" inis kong bulong sa aking sarili. Ngumiti ako kay Nathan habang nakatitig ito sa akin. Nakakaramdam ako nang pagka-ilang sa mga titig niya sa akin. Pakiramdam ko binabasa nito ang mga mata ko, kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Tahimik kaming kumakain nang biglang nagsalita si Nathan."Siyanga pala, may outing sa Caliraya ngayong Saturday ang team namin.” Ngumiti ito at nagtanong sa akin. “Pwede ba kitang isama? Para may kasama rin akong babae." “Ha! Bakit ako? 'Yong babaeng mahal mo na lang," wala sa loob kong tugon kay Nathan. "Lorraine, ikaw ang gusto kong makasama." Hinawakan nito ang aking kamay at ngumiti. Kasabay sa pagpisil sa aking kamay. "At saka mas sanay akong kasama ka every weekend," malambing na sabi ni Nathan. "Hindi ko sure kung papayagan ako nina Papa at Mama," sagot ko. Naiilang ako sa ginagawa ni Nathan na pagpisil sa aking kamay. Kaya mabilis kong hinila ang aking kamay at muli akong nagsalita. "Siyanga pala, pinasasabi ni Papa, na sa bahay kayo mag-dinner mamaya.” Masaya ako dahil makakasama ko pa rin ang lalaking lihim kong minamahal. "Sige, sabihin ko kay Dad, para maipagpaalam na rin kita kina, Tito Julio, at Tita Lorena, nang makasama kita sa outing,” sabi ni Nathan. "Sige," pagsang-ayon ko. Tuwing hapon palagi akong hinihintay ni Nathan. Sabay kaming umuuwi at kasabay namin ang mga kaibigan niya. Kasabay din namin ang mga classmates ko na co-cheering squad ko na walang iba kung hindi sina Abby at mga kaibigan niya. Si Abby ang girlfriend ni Charles. Nakakakwentuhan ko sina Abby pero kapag oras lang ng practice namin ng cheering at sa loob ng classroom dahil si Lavinia ang lagi kong kasama. Naalala kong bigla ang love letter na pinabibigay nito para kay Nathan. "Nathan, ito nga pala ang love letter na pinabibigay ni Lavinia." Sabay abot ko ng love letter. Kinuha ito ni Nathan ngunit kinuyumos lang at itinapon. "Sa susunod, Lorraine, huwag mo nang kukunin ang love letter na pinabibigay sa akin! Dahil nababadtrip lang ako, okay!" inis na paliwanag nito sa akin, na narinig naman nina Rigor. "Kung kami sa ‘yo Pareng Nathan, magtatapat na kami sa babae mong minamahal," sabi ni Rigor, dahilan upang malungkot muli ako. "Ang swerte naman ng babaeng 'yon," sa loob-loob ko. Umakbay sa akin si Nathan at nagsalita. "Darating din tayo do'n," sabi nito at sabay bulong sa akin. "Lorraine, ang ganda-ganda mo ngayon.” Ngumiti ako. "Talaga lang, huh!" maarte kong sabi. "Kung maganda ako, bakit hindi na lang ako ang minahal mo?" bulong ko sa aking sarili. "Lorraine, kapag may nanligaw ba sa 'yo ay papayag ka?" bigla nitong tanong sa akin. Ngumiti ako at nagsalita, "Hindi ko alam. Alam mo namang ayaw pa ni Papa na mag-boyfriend ako 'di ba? Kahit mayroon na akong gusto." Tumitig ito sa akin. "Talaga, mayroon ka nang gusto?" seryosong tanong sa akin ni Nathan. "Naloko na, bakit ko ba nasabi yon?!" singhal ko sa sarili ko. "Wala naman akong sinasabi ah," tanggi ko kay Nathan. Pumormal ang mukha ni Nathan. "Huwag mo nga akong gawing tanga, Lorraine, rinig na rinig ko kaya,” pormal na sabi nito sa akin. Ngumiti ako. "Sige, aaminin ko na, si Richard Gomez," biro ko kay Nathan. "Sana huwag niyang mahalata na siya ang tinutukoy ko na Richard Gomez," sa isip-isip ko. Hindi na ako kinulit ni Nathan nang sabihin kong si Richard Gomez. Habang pauwi na kami sa bahay ay nagsalita si Nathan. "Malapit mo nang makilala ang babaeng tunay kong minamahal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD