CHAPTER 25

1655 Words

LORRÀINE POV  Pagkatapos naming kumain ni Nathan ay nagdesisyon na kaming pumunta sa living room upang makausap ang mga parents namin. Dahil hihingi na kami ng basbas sa aking ama upang hindi na maging lihim, ang relasyon naming dalawa ni Nathan. Magkahawak kami ng kamay ni Nathan habang naglalakad papalapit sa mga magulang namin. Nang makalapit na kami ni Nathan, at makaupo sa harapan ng aming mga magulang ay may kaba pa rin akong nararamdaman. Ngumiti si Nathan sa akin at bumulong. "Huwag kang matakot. Magkasama tayong magsasabi sa kanila, at...haharapin ang desisyon nila," sabi niya, na nagpalakas sa aking loob. Tumango ako kay Nathan at huminga muna ako nang malalim, upang kunin ang atensiyon ng aming mga magulang. "Ehem," tikhim ko upang maagaw ang atensyon ng mga magulang namin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD