LORRAINE POV Hindi pumayag si Nathan na hindi kami magkakaayos bago umuwi ng Quezon. Pagkatapos namin mag-stop over sa express way kanina. Dito naman kami sa San Pablo, tumigil. Upang bumili ng buko pie at iba pang pasalubong sa mga kasambahay namin. Tumingin sa akin si Nathan. "Babe, gusto mo ng drinks?" tanong niya sa akin. "Sige, Babe," sagot ko, habang namimili ako, ng mga pampasalubong na macapuno, espasol at shing-a-ling." "Manang dalawa nga pong softdrink," sabi ni Nathan sa tindera. Mabilis na tumango ang tindera kay Nathan. Habang kumukuha ng softdrinks ang matanda ay nagsalita ako. "Babe, naalala mo ba? Kung saang tindahan 'yong tinutukoy nina Charles?" Magsasalita na sana si Nathan nang biglang bumalik ang matanda, upang ibigay ang softdrinks namin. Nang iaabot ng mat

