LORRAINE POV Friday ngayon at bukas na ang debut ko. Kaya after nang huling klase ko mamaya, ay uuwi na kami ni Nathan sa Quezon Province. Mabuti na lamang at walang laro ng basketball si Nathan. Kaya maaga kaming makakauwi ng probinsya. Naglalakad ako sa hallway papuntang library nang biglang tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko ang aking cell phone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Babe Calling, mga salitang nakita ko sa screen ng aking cell phone. Mabilis kong sinagot ang tawag ni Nathan. "Hello, Babe, bakit ka po napatawag?" tanong ko kay Nathan. "Asan ka, Babe? Wala na po akong klase ngayon. At wala na rin po kaming practice ng basketball," tugon niya mula sa kabilang linya. "Andito po ako,sa hallway, papuntang library. May klase pa po ako, after thirty minutes

