kabanata 3

2631 Words
New CEO... Malapit na ang nasabing meeting kaya naman naghahanda na sila para sa pagpunta sa meeting hall, ayon sa kanyang mga katrabaho ipakikila daw sa araw na ito ang bagong CEO nang kompanya... Nang makarating sa nasabing meeting hall ay agad na naupo ang mga empleyado sa bawat departamento ay may nakalagay sa upuan at dahil sa accountant department sya dun sila nakaupo sa pangalawang hanay kung saan makikita mo kaagad ang nasa harapan., lahat ay nasa loob na nang hall at ang tanging hinihintay na lamang ay ang pagdating nang big boss nila... Nadia, sa tingin mo sino kaya yung bagong papalit na CEO? Tanung nang ka officemate nya... Hindi ko din alam, malay ba natin kung sino sya, kahit sino man sya ang importante maayos ang pamamalakad nya diba? Sagot nya dito Pero sana mabait at gwapo., hehehe kinikilig na sabi nito Ano kaba naman, paano mo naman nasabi na lalaki or babae ang papalit? Bakit sinabi sayo ang tungkol jan? Tanung nya dito Hindi pero narinig ko lang naman sa mga chismosa dito sa office na lalaki daw kaya naman nakakakilig..., di mapigilang sagot nito na kinikilig padin... Ewan ko sayo, wag kana nga maingay jan, natatawang sabi nya sa katabi... Maya-maya lamang ay nagsalita na ang emcee para ipaalam ang pag uumpisa nang nasabing meeting... Magandang hapon sa ating lahat, salamat sa lahat nang mga empleyadong dumalo, ngayong hapon ay makikilala na natin ang bagong CEO nang ating kompanya, kaya naman tawagin na natin ang ating Big boss para sya na mismo ang magsabi sa ating lahat., Ladies and gentlemen our Big boss Mr. VILLAFUERTE Nagpalakpakan ang lahat nang tao sa loob nang nasabing hall.. Magandang hapon, samalat sa inyo at nagpunta kayo ngayong hapon, gusto ko lamang sabihin sa inyo lahat na ipapasa ko na ang aking pwesto, wag kayong mag-alala dahil mabait naman ang papalit sa akin at sana kung paano nyo ako tratuhin ay ganun din sana ang ibigay nyong pag trato sa papalit sa akin, kung mayroon mang pagbabago iyon ay ayon na din sa kanyang bagong pamamalakad., so hindi na nating patatagalin ang usapang ito.., Ipinakikilala ko sa inyong lahat ang bagong CEO my son Mr. JACK Villafuerte.... Nagpalakpakan ang lahat nang nasa hall lalo na ang mga kababaihan dahil akala mo nakakita sila nang isang modelo dahil sa mala adonis nitong mukha... Oohhh my gosh!!! Sabi ko sayo Nadia ang gwapo nya talaga kinikilig na sabi nang katrabaho nya... Sya naman ay natulala hindi dahil sa kagwapuhan nito., natulala sya dahil ang lalaking bagong CEO ay walang iba kundi ang lalaking dapat na mapapangasawa sana ni Jessie.... Hindi maaari., paanong nangyari na hindi ko naisip na siya ang anak nang big boss namin, sabagay hindi naman ako pamilyar sa mukha nang anak ni boss., og my gosh!!! Yari ako nito anu na gagawin ko.., bubulong-bulong na kausap nya sa sarili Nang magsimula nang magsalita si Mr Jack Villafuerte ay lalong naghiyawan nang mga babae dahil sa ang lakas nang dating nang boses nito... Magandang hapon, salamat sa pagranggap nyo sa akin bilang papalit sa aking Ama na mamumuno sa kompanyang ito, sana maging maayos padin ang pagtatrabaho nyo sa kabila nang panibagong pamumuno, wag kayong mag-alala dahil kung anu yung sinimulan nang aking Ama dito ay walang magbabago, siguro kung mayroon man konti lamang, kaya naman maging panatag padin ang lahat.., sabay tingin nito sa kanya na para bang sya lamang ang kinakausap... Siraulong lalaki ito ah!!! Bakit nakatingin sya sa akin naisahan ako nito ah! Kasi ngayon lang nangyari na nakahanay ang bawat departamento, kakainis gggrrrrr... bulong ni Nadia sa kanyang sarili Hindi ko na pahahabain ang meeting na ito para naman makapag breaktime na ang lahat, muli salamat at magandang hapon... Palakpakan ang lahat, pero si Nadia ay hindi makakilos dahil nakikita nyang nakatitig sa kanya ang bagong boss nila na parang sinasabing humanda ka!!! Namalayan na lamang nya na nag aalisan na ang mga nasa meeting hall kundi pa sya kinalabit nang katabi nya ay hindi pa sya kikilos... Pagkalabas nya ay agad na pumasok sa kanyang pwesto at dun ay nanghihinang napaupo sya., ang saklap naman magbiro nang tadhana, yung iniiwasan mong tao lalo kayong pinaglalapit hindi lang pinaglalapit kundi Boss mo pa talaga! Hhhaaaiiissstt sakit sa ulo., sabi nya sa sarili Ui., ok ka lang ba?! Mukhang ang lalim nang iniisip mo ah! Gulat na napatingin sya sa ka officemate nya... Ha! Ah eh!! Ou ayos lang naman., sagot nya dito... Wala ka po sa sarili, dahil kanina pa ako nagsasalita dito pero nakatulala ka lang jan.., wag mong sabihing nainlove ka kay new boss??! Hahaha tawa nito Hindi noh! May iniisip labg ako, agad na sagot nya dito Oh sya!! Hindi kapa ba mag breaktime? Kasi pupunta na kami sa canteen baka gusto mo makisabay sa amin? Mauna na kayo.., sabi na lamang nya sa mga ito Inayos na lamang nya ang sarili dahil mamaya may lakad sya pupuntahan nya ang kaibigan ni Jessie na syang makakatulong upang makawala dun sa bahay nang Ama nito.., tinapos na lamang nya ang mga gagawin nya para maaga syang makaalis... Habang abala sya sa mga ginagawa bigla namang dumating ang head department nang accountancy at nilapitan sya... Miss Salvador., pinapatawag ka nang big boss kaya magmadali ka at pumunta ka opisina nya ngayon din, mataray na sabi nito sa kanya Napanganga naman sya sa sinabi nito at hindi agad nakasagot hanggang sa nakaalis na pala ito .. Hhhaaaiisssttt., anu ba naman yan bakit ako pinapatawag tanung na naiirita sa sarili... May time pa naman ako para mamaya kaya akyat na nga lang ako hindi naman ata matagal ang sasabihin nang big boss namin., ang saklap lang kung aalisin na pala ako bilang empleyada dito., huhuhu hindi pa ako handa... Nagmamadali na syang umakyat at sumakay agad sa elevator papuntang CEO office... Kinakabahan sya na hindi maintindihan, ah bahala na nga Kumatok muna sya nang tatlong beses saka pumasok tanda nang paggalang... Magandang hapon po sir, naka yukong bati nya... Magandang hapon., halika dito at maupo ka., anyaya nito sa kanya Salamat po... Pinatawag kita dahil sa importante ang pakay ko sayo Iha! Siguro naman kilala mo na ako, pero naiintindihan kita nandito ka para mag trabaho at labas ang kung anuman ang kasalanan mo na nagawa., seryoso nitong sabi Pasensya na po talaga boss., yun lamang ang nasabi nya pero jindi makatingin nang directso... Kalilimutan ko ang nangyari, pero dapat may kapalit, sabi pa nito na naka ngiti Anu pong ibig nyong sabihin?? Anung kapalit? Tanung nya Ang anak ko na ang mamahala dito, gusto kung ikaw ang tatayong personal assistant nya., alam kung nasa accountant department ka pero sana tanggapin mo ang inaalok ko.., yun lang at salamat sa pagpunta... Nakalabas na sya nang opisina nang boss nila pero para syang wala sa sarili at iniisip ang sinabi nito.., hhaaaiiissstt sakit sa ulo bakit ako pa kasi ang naisipan na gawing assistant nang lalaking yun? Kakamot-kamot sa ulo na sumakay nang elevator pababa... Pagkarating nya sa pwesto nya ay agad na tinapos ang naiwan nyang trabaho at nag mamadali nang umalis para makipag kita kay James.... Samantalang si Jack naman sa mga oras na yun ay nasa parking lot.., aalis na muna sya dahil sa isang linggo pa naman sya mag sisimula bilang bagong CEO nang kanilang kompanya, paalis na sana sya nang makita nya ang pamilyar na babaeng lalabas... Nagmamadali ata ang babaeng yun at ang aga pa para mag-out., naisipan nyang sundan ito hanggang sa sumakay ito nang taxi nakasunod padin sya.., teka bakit ko ba sinusundan ang babaeng ito anu ba naman., para sirang nakikipag-usap sa sarili Nakita nyang sa isang restaurant ito bumaba., naisip nyang naguton siguro kaya dito nagpunta, agad na bumaba sya sa kanyang sasakyan at sinundan sa loob ang babae... Hinanap nya ito, at nakita nyang nasa bandang dulo ito pero mas nagulat sya dahil may kausap itong lalaki at nakipag kamay pa., parang biglang nag-init ang ulo nya nang makita nyang may humawak sa kamay nang babae., Fuck!! Bakit ko ba nararamdaman ito, hindi ko dapat maramdaman dahil hindi ko naman sya girlfriend Naupo na lamang sya at nag order mukhang matatagalan ang sinusundan nya dahil na din may kasama ito... Boyfriend kaya nya ang lalaking yun? Mukhang may sinabi sa buhay at magandang lalaki rin, mukhang ang saya at seryoso ang pinag uusapan nila, sshhiittt kailan pa ako naging stalker nang babae?? Sa pagkakaalam ko ang mga babae ang sunod nang sunod sa akin., natatawang kausap nya sa sarili... Makalipas nang kalahating oras ay natapos na ang dalawa sa usapan at nakita nyang nagpaalaman na ito, nakita nyang gustong ihatid nang lalaki ang babae pero ayaw naman nang huli mas pinili ang mag taxi na lamang kaysa magpahatid... Tinapos na din nya ang pagkain at nag bayad sabay labas nang restaurant at sinundan ang nasabing babae hanggang sa bahay nito... So dito pala sya nakatira.., hhhmm ayos na din nang masiguro nyang nakapasok na ito sa loob nang bahay ay umalis na din sya pero naka ngiti padin.... Samantalang si Nadia naman ay hindi padin maalis ang isipin tungkol sa bagong nyang trabaho naguguluhan sya kung tatanggapin o hindi ang pakiusap nang boss nila.., hhhaaiissttt sakut talaga nang ulo ko sa maghapon na ito.... Sabi nang boss nya ay bibigyan sya nang isang linggo na bakasyon para pag isipan nya ang alok nito... Makakain na nga lang para makapag pahinga nang maaga... Pagka tapos nyang magpalit nang pajama ay naisipan nya munang manoud nang telebisyon pampalipas oras.., Wala namang masyadong magandang palabas kaya naman pinatay na lamang nya ang telebisyon at nagpunta na lamang sa kanyang kwarto... Pagkahiga nya ay pinikit nya agad ang kanyang mata, pero bigla na lamang ang mukha nang bagong CEO ang nakita nya.., napabalikwas nya nang bangon at agad naupo., oohhh myy gosh! Bakit bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang lalaking yun., naku hindi maari mukhang hindi maganda kung makikipag lapit ako sa lalaking yun.., inis na bumalik sya sa pagkakahiga at pinilit na makatulog.. Kinabukasan ay naisipan nyang magpunta nang mall total wala pa namang sya pasok, mag gagala na lang muna sya.... Si Jack naman ay nasa loob din nang nasabing mall nagulat sya nang makita si Nadia na nandun din ito at mukhang nag iisa., sinundan nya ito nang palihim nakita nyang pumasok ito sa ladies garments.... Bakit nandito sa mall ang babaeng ito., wala bang pasok sa opisina ito kaya kaya nag gagala? Tanung nya sa sarili Nakatingin lang sya at sinusundan kung saan ito pupunta pero malayo ang distansya nya para di mahalata nito... Pag pasok nito sa restaurant ay pumasok na din sya nag kunwari na lamang sya na hindi nya ito nakita... Pagkaupo ni Nadia ay agad na tumawag nang waiter at omorder dahil gutom na din sya sa kalalakad.., pagkatapos nyang omorder ay umalis na ang waiter ngunit nagulat na lamang sya nang makita ang lalaking papasok sa entrada nang restaurant.., ang lalaking ayaw na muna sana nyang makita pero nandito ngayon at mukhang dito din nang punta sa gawi nya.., nag dasal na lamang sya na sana ay hindi sya nito makit o kaya naman mamukhaan... Sinadya naman ni Jack na maupo sa upuang nakaharap mismo kay Nadia kunwari ay hindi nya nakita ang dalaga... Si Nadia naman ay hindi alam ang gagawin kung magtatago ba o aalis sa restaurant pero naka order na sya., hhaaiisstt masisira ata ang araw ko ngayon..., bakit kasi sa dinami-daming mall dito pa nagpunta ang lalaking ito., nagulat sya nang pag tingin nya sa direksyon nang lalaki ay nakatingin na pala ito sa kanya at minumukhaan ata sya.., naku yari mukhang lalapit pa ata ang baliw na ito... Eehheemmm., Nadia Salvador right?? Tanung nito sa kanya Ako nga po boss.., magandang tanghali po., pagbibigay galang nya dito... Pwede bang makiupo kung wala kang kasabay pwede bang dito na lamang ako total mag isa lang din naman ako.., sabi pa nito sa kanya Aahhmm., sige po boss kayo ang bahala, mag-isa lang din naman ako... Teka! Nakaorder kana ba nang foods mo? Tanung nito sa kanya Tapos na po boss., hindi makatingin na sagot nya dito Ok, tinawag naman agad ni Jack ang waiter at omorder., pagka alis nang waiter ay nagsalita agad ito... Bakit ka nga pala nandito sa mall? Wala kabang pasok ngayon? Tanung nito sa kanya Actually 1 week po akong naka bakasyon boss kaya sinusulit ko lang ang gala... Ah., ok!!! So tell me kamusta naman ang buhay? I mean kamusta ang mga nakaraang pangyayari na alam nating sangkot ka??! Panimula nito Ok lang naman., at sa maniwala ka man o sa hindi.., masaya ako sa pagtulong sa kaibigan ko tsaka pwede ba wag natin pag-usapan ang tungkol jan dahil wala ako sa tamang mood., pagsusungit nya dito Ah talaga?! Wow!!! as in wow!!! Akalain mo yun magkikita padin talaga tayo at hindi lang yun.., i will be your new boss., sa tingin mo ba magiging maayos ang trabaho natin?? Kasi para sa akin ay hindi., nakatinging seryoso ito sa kanya.. Kung anu man ang problema natin sana wag mo idamay ang trabaho dito dahil magkaiba yun kaya pwede ba wag kang mang inis jan., i want to be a nice even just now., madiing wika nya Hahaha.., hindi bagay sayo ang ganyang pagsusungit actually your'e cute and beautiful.... Para naman syang naistatwa sa biglaang sinabi nito at hindi sya kaagad nakapag salita.., mabuti na lamang at dumating ang kanilang inorder at naka hinga sya nang maluwag peronag iinit ang mukha nya dahil sa sinabi nito... Tahimik silang kumakain at paminsan-minsan ay nagkakatinginan pero mas minabuti na lamang nyang wag magsalita dahil naiilang na din sya sa sitwasyon nila ngayon na para bang nag dadate sila... Natapos silang kumain nang hindi na nag uusap agad tinawag ni Jack ang waiter para sa kanilang bill sya na din ang nag bayad sa inorder ni Nadia... May pupuntahan kapa bang iba? Tanung nito sa kanya na ikinagulat nya Ahhmm., wala na pauwi na ako salamat nga pala sa free lunch., tipid na sagot nya dito Kung ganun ihahatid na din kita para hindi kana mag taxi pauwi... Ha?! Naku wag na! Ayos lang naman kahit wag muna ako ihatid mag tataxi na lamang ako sanay na ako kaya wag muna ako ihatid., pag tanggi nya sa alok nito Ihahatid kita at bawal tumanggi., madiin sabi nito... Bakit mo ako ihahatid? Dahil ba sa gusto mong malaman kung saan ako nakatira at kung paano mo ako masusundan., naiinis nyang sagot dito Both!! Kaya wag ka nang umangal halika kana sabay tayo nito Hindi sya nakinig dito at nakaupo padin... Kapag hindi kapa tumayo jan bubuhatin kita palabas nang restaurant na ito... Sa gulat nya sa sinabi nito ay agad sya napatayo muntikan pa nga syang mabangga sa dibdib nito dahil nakatayo pala ito malapit lang sa kanya... Kinuha nito ang pinamili nyang naka paper bag at ito ang nag bitbit palabas hanggang sa makasakay sila sa sasakyan... Tahimik na lamang sya habang nasa byahe ayaw nyang makipag usap dito sa asar nya... Tell me kung saan ang address mo., kasi hindi ako manghuhula, kunwaring hindi alam ni Jack ang bahay nya para di sya mabuko nang dalaga na alam na nya kung saan... Sinabi naman ni Nadia kung saan sya nakatira at nagmaheno na din ito nang tahimik Pagdating nila sa harapan nang inuupahan nyang apartment ay bumaba na sya pero kaagad namang nagsalita si Jack... Be careful., sabay alis nito at naiwang nakatulala sya dahil hindi nya maintindihan ang sinabi nito sa kanya... Pumasok na lamang sya sa bahay at nag lock nang pintuan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD