kabanata 2

1454 Words
Nadia pov.... Walang hiyang lalaki yun, mabuti nga at tinakasan sya nang bestfriend ko, akala mo kung sino eh ang pangit naman nya, akala nya siguro matatakot ako sa kanyang banta sa akin., pwes! Manigas ka at sana hindi nyo makita kung nasaan man si Jessie at sana mahanap na nya yung lalaki na mamahalin nya at mahal sya.... Habang abala sa kanyang ginagawa naisipan nyang itext si Jessie na mag doble ingat dahil hinahanap na sya ngayon nang mga tauhan nang kanyang Ama at tauhan nang hudas na lalaking yun., sa araw-araw na lang mula nang nangyaring pag tulong nya kay Jessie ay nararamdaman nyang parang laging may nag babantay sa kanya, pero hindi naman sya natatakot dahil wala naman syang ginawang masama, tinulungan nya lang naman na makatakas ang kaibigan nya dahil na din sa pakiusap nito.... Biglang may kumatok sa pintuan at agad na nagtungo sya dun... Sino yan?! Sino yan sabi?! Ngunit walang sumasagot kaya naman binuksan nya ito para makita kung sino ang nasa labas., ngunit wala naman tao sa labas nang pintuan, tinanaw nya sa malayo pero wala talaga., pero napansin nyang may pap sa ibaba nang pintuan kaya naman kinuha nya ito at binasa.... "Hindi ka makakatakas sa akin kahit saan kapa magtago" Kinabahan sya sa nabasa at agad na isinara ang pintuan., baliw na yun akala nya matatakot nya ako, kahit na anung gawin nyo hindi nyo makikita si Jessie... Nag luto sya nang dinner nya nang maaga para makapag pahinga na sya dahil maaga pa syang papasok sa trabaho nya bukas, mag isa lamang sya sa inuupahan nyang apartment kaya naman para sa isang tao lang ang niluluto nya at kung minsan ay kumakain na lamang sya sa restaurant bago umuwi nang bahay.... Sinigang na hipon ang naipan nyang iluto dahil paborito nya ito., habang nag luluto ay pakanta-kanta pa sya.... Alas 7 na nang matapos syang makapag luto., naihanda na nya ang kakainin nya nang may mag doorbel, agad na pinuntahan nya at tingnan kong sino ang tao sa labas, pero wala na naman kaya naman naisipan nyang magsalita baka sakaling nagtatago lamang ito sa isang tabi.... Kung sino ka man na istorbo sa akin, pwede ba wag ako alam ko namang pangit ka kaya ka nang gugulo, isa kang halimaw na panot, sabay bagsak nang pintuan nya..., tawa sya nang tawa nang maisara nya ang pintuan, akala mo ah siguro naman titigil kana .... Umakyat na sya sa kwarto nya at maliligo nang makapag pahinga na, pagkatapos nyang maligo at mapag bihis ay ugali na nang tumambay muna sa beranda para makapag pahangin saglit, nagtaka sya dahil may nakatira na pala sa katabing apartment nya., kahit paano pala may kapitbahay na sya., naupo muna sya at umiinum nang green tea pagkatapos ay pumasok na din sya para matulog na.... Kinabukasan ay nagmamadali syang lumabas dahil late na sya sa kanyang trabaho., pagbukas nya nang pintuan ay may nakita syang bulaklak hindi nya alam kung kanino galing yun pero kinuha nya ito at dinala sa loob nang bahay mamaya na nya ito babalikan pag galing sa trabaho.... Sumakay na agad sa kanyang kotse at nagmamadali na sya makaalis., dun na lamang sya mag aalmusal mamaya dahil nalate sya nang gising, pagkarating nya sa parking ay agad na bumaba dahil 5 minutes na lang ay malalate na sya, dali-dali syang pumasok at nag punch sa time machine nang kanyang id., sa kamamadali nya hindi nya napansin na maling elevator ang nasakyan nya, nasa loob na sya nang elevator nang mapansin nyang nag iisa lamang sya at parang kakaiba ata ang elevator ngayon, parang ang ganda at sosyal pero naisipan nyang pindutin ang floor kung saan sya baba ngunit nagulat sya dahil iisang numero lamang ang nakalagay dun at yun ang CEO OFFICE.... OMG!!! Paanong hindi ko man lang napansin na mali pala ang nasakyan kong elevator ??? Oh noh! Sana wala yung boss namin at tiyak na magugulat yun dahil nakasakay ako sa elevator na ito., huhuhu anung kamalasan ba ito bulong nya sa sarili... Floor 40... Naka nganga ako sa gulat nang mabungaran ko ang taong ayaw kung makita kahit kailan, pero bakit sya nandito sa ganitong oras kilala ba nya ang CEO nang kompanyang ito., at teka bakit naka ngiti ang bruhong ito.... Good morning.., mukhang naligaw ka o baka naman sinadya mong dito ang punta mo para makita lamang ako., pang aasar nito sa akin.... Excuse me.., at bakit ko naman sasadyain na umakyat dito at bakit mo naman naisip na gusto kitang makita? Ang kapal mo din ano? Pagsusungit na sagot nya dito Aba! Embes na batiin mo ako sa umaga ay nagsusungit kapa., alam mo ba kung anong oras na?? Late kana sa trabaho mo, kung ako sayo bumaba kana o baka naman gusto mong manatili dito hanggang uwian., pang aasar nito sa kanya... Kung ikaw lang makakasama ko dito pwes!! Baba na ako dahil ayaw kung masira nang tuluyan ang araw ko., pagkasabi nun ay agad nag martsa pabalik sa elevator.... Naririnig pa nyang tawa nang tawa ang lalaki na ikinainis nya., paano ba naman kasi ang gwapo nito kung makatawa kainis.... Bumalik sya sa pinaka ground floor nagulat naman ang iba dahil galing sya sa elevator na tanging matataas na pwesto lamang ang pwedeng gumamit, gumuko sya at pumasok ulit sa elevator para sa employees at visitor's nagmamadali syang sumakay... Pagdating sa floor na kung saan sya nag oopisina ay agad na naupo sa kanyang pwesto at uminum agad nang tubig dahil sa kaba at inis.... Good morning Ms Nadia Samonte do you what time is it now?! Masungit at nakataas na kilay na tanung sa kanya nang visor nya... Pasensya na po ma'm mejo naligaw po ako sa kamamadali ko pong pumasok... Sa susunod na malalate wag kanang papasok naiintindihan mo? O kaya naman mag resign kana lamang ?? Hindi na po mauulit ma'm pasensya na po talaga... Hala sige! Mag trabaho kana...masungit na sigaw nito sa kanya Minabuti nyang manahimik na lamang kaysa naman sumagot pa kasalanan naman talaga nya kung bakit sya nalate... Break time na nang maisipan nya g mag punta sa canteen para mag snack at para makatawag na din kay Jessie., nakabili na sya nang pagkain nya at naupo sa bakanteng mesa, tinawagan nya agad ang kaibigan pero hindi ito sumasagot, inulit nya ang pagtawag pero wala padi .,ikawna babae ka anu bang ginagawa mo at ayaw mong sumagot., matatapos na lamang ang oras nang break time nya hindi nya ito naka usap kaya naman nag text na lang sya para paalalahanan ito na mag iingat palagi.... Tatayo na sana sya nang marinig nya na parang nagkakagulo ang mga kababaihan., nakatingin lang sya na parang wala lang ngunit nagulat sya nang mapagsino ang pinagkakaguluhan.,nagulat sya at agad na umalis sa kinauupuan at balak nang umalis dahil tapos na din naman ang breaktime nya, akmang liliko na sya nang daanan ngunit agad na tinawag sya... Wait!!! At saan ka pupunta??! Tanung nito sa kanya Excuse me??! At sino ka para tanungin ako nang ganyan? At isa pa may trabaho ako at tapos na po ang breaktime kaya kung pwede padaanin mo ako kung ayaw mong itulak kita jan, mataray na sagot nya dito... As far as i know.,kilalang-kilala mo ako, kaya wag mo akong tinatarayan dahil hanggang ngayon malaki padin ang kasalanan mo sa akin.,seryoso nitong sagot sa kanya Halos lahat nang nasa kanteen sa kanila nakatingin dahil sa sagutan nila... Pwede ba! Padaanin muna ako at humanap ka nang iba mong kausap..., tuloy-tuloy sya lumabas nang kanteen at dumiretso sa kanyang pwesto., kinabahan sya at nawala sa sarili., bakit ba kasi nandito ang lalaking yun, kaiinis talaga sa dami nang pwedeng puntahan dito pa talaga... Maya-maya lumapit ang visor nila at may ibinalita sa kanila... Announcement: at exactly 12 pm we have a lunch meeting, ngayong araw ipakikilala ang bagong CEO nang kompanya every department ay pinatatawag kaya wag kayong malalate.. .. Wow., sana naman mabait din ang papalit kay big boss... sabi nang kaopisina kung si Kring-kring... Ay sana mejo bata pa at wala pang asawa para naman masaya sabi naman nang matabang si Melba... Lahat nang mga kaopisina ko ay nag kukwentuhan ako naman deadma lang paano ba naman kasi nakita ko yung lalaking yun dito sa building natatakot ako na baka dito sya gumawa nang di maganda lagot ako baka matanggal ako nito sa trabaho ko..... ??? Alas 12 eksakto na at lahat ay nakahanda na para pumunta sa nasabing meeting... Kinakabahan syang ewan, bakit kaya? Anu bang mayroon at di ko mapigilan na kabahan.... Hehehe.., sino kaya yung bagong CEO nang kompanya... Surprise ??????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD