Excerpt from Write About The City...

1076 Words

MAKAILANG ULIT NANG HINALUNGKAT NI JESSIE ang bag niya ngunit hindi niya mahagilap ang ticket. Gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil lalo lang siyang natataranta. Kinakabahan na siya. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin pagkatapos nito.  “Passengers for flight SQ 921 to Singapore, please proceed to gate 115,” pumailanlang ang boses ng announcer.  Inilapag na niya ang bag sa sahig at itinaktak ang mga laman niyon palabas. Tinitigan niya ang mga nagkalat na gamit at dahan-dahang ibinalik iyon sa bag. Hatak ang maleta ay naghanap siya ng mauupuan. Ngunit wala. Naghanap siya ng makakainan. Puno ng tao, wala rin naman pala siyang pera. Tumambay na lang siya sa banyo. Ilang tao na ang kumatok sa cubicle kung saan siya nakaupo at umiiyak.  Nang wala na siyang mailuha ay lumabas siya

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD