bc

We, The Sad Sack

book_age18+
591
FOLLOW
2.1K
READ
love-triangle
one-night stand
family
bitch
independent
bold
female lead
cheating
friendship
sassy
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED

We, The Sad Sack tells the story of Jessie and company.

Sergi, the best friend.

Cameron, the sister.

Ignasi, the boyfriend.

Mel, the daddy.

Dom, the boyfriend material.

Jessie, the indecisive lady… or so everyone tells her.

"I couldn’t pinpoint why, and for the love of Bakunawa, I still don’t know why", is her sentiment.

Her world revolves around her friends and significant other. These people are the best thing that’s happened to her, yet everyone’s leaving her.

Having a single father who brings random strange women to their house, a mother that was not physically present, a best friend whose parents were gay couple, this distorted Jessie's view of a normal relationship.

Laging pinagseselosan ng boyfriend niyang si Ignasi ang kanyang matalik na kaibigan na si Sergi. Paano ba nito maiintindihan na nauna si Sergi sa kanyang buhay? She was nothing but faithful to her boyfriend.

Ito pa nga ang naglakas ng loob na sumiping ng iba! Parang bumaliktad naman yata ang kwento.

---

Book 1: Remember Me Fondly (completed)

Book 2: We, The Sad Sack (completed)

Book 3: Write About The City (on going)

chap-preview
Free preview
One
NAKAKAILANG BESES NA ng balik si Jessie sa kalyeng ito. Kung hindi ba naman siya tatanga-tanga sa pagtingin ng Google Maps. Tinawagan niya si Sergi. “Huy, male-late ako ng, siguro mga ten minutes pa? I don’t know which turn to take kasi.” “I thought you’re using Google Maps? Pang-ilang tawag mo na ‘to, Jessie,” ani Sergi. “Oo nga. Eh, basta. I’ll be there before you know it,” sabi na lang niya. Sergi chuckled. “Ulol. Twenty minutes na akong naghihintay rito.” “Gaga. Sino ba kasi ang nagsabing magpunta ka ten minutes earlier? Ang punctual-punctual mo naman kasi. Did you bring my ukulele?” There was hesitant in his pause. Nainis siya. “Sabi ko dalhin mo na, eh! Two months na sa iyo iyang uke ko!” tungayaw niya habang naglalakad. Napagtanto niyang wala siyang konkretong binabaybay dahil kasalukuyan siyang may kausap at hindi pwedeng tingnan ang mapa sa cell phone niya. “Alam mo, make it fifteen. Lord, have mercy. Kanina pa ako naglalakad. Mamaya ka na nga!” “Yes, ma’am. Don’t worry. May pumpkin spice latte na naghihintay sa ‘yo,” pakonswelo ni Sergi. Napangiti si Jessie. “Thanks, Sergio.” “Ugh.” He grunted. He ended the call. Ayaw na ayaw nitong tinatawag sa tunay na pangalan. Either way, it’s a beautiful name and there’s no shame in it. They have a meeting with their client this afternoon. Magkikita muna sila ni Sergi sa address na binigay nito para i-review nila ang itinerary and setup ng event nila. She got over herself and found Sergi with two pumpkin spice lattes. After they reviewed their presentation, they met their client. As usual, maraming demands, but they compromised and met halfway. “Call our singer. I-book mo na ‘yon.” Nagsimula nang magbilin si Sergi nang tapos na ang meeting. “Give her the lists ng mga kantang kakantahin niya as requested by our client.” Nagta-type siya sa laptop niya habang nagsasalita ito. “Ikaw na lang kaya iyong gitarista niya? Alam mo naman ang buwakanang inang iyon, lakas makadagdag ng ‘talent’ fee niya raw kapag hindi lang singing ang gagawin.” “Nah. I’ll give her a deal she can’t refuse," he said. She smirked. “Okay, next, I want you to contact the singer's cousin. Iyong may catering service.”  Napaangat si Jessie ng tingin. “Dude, we’re not booking Tito Renz’s?” I inquired. He shook his head. “Alta sociedad gaming itong client natin, Jess. We need a game changer. Sila rin nagbe-bake ng cakes nila. Like I said, contact the singer's cousin—” “Reign and Ruth Catering Service. Noted. Kaya pala you offered cake tasting next week, gago ka. We are on the same team. Nag-review nga tayo kanina pero there are things na hindi mo sinabi sa akin. Are you f*****g high? I hate it when you do this. I hate surprises.” He looked at Jessie and smiled. “Jess, look at you. Ang kuri-kuripot mo. Paano mo sila mapapa-oo sa cake tasting? Visit Reign and Ruth’s f******k page. Naka-follow ako sa kanila. Ang gaganda ng cake at cake pops nila. Set me an appointment, will you?” Napangisi siya. “Oo na. Kuripot ka rin naman so galingan mo sa offer sa kanila, ha. Valid point since nasabi nga ng client kanina na baka sa iba sila kumuha ng cake. What else?” “The usual. Borja’s team para sa sounds. You, Mel, his bf, and I sa deco. Nakausap ko na iyong sa location. Doon tayo pupunta ngayon. Susunod sila Mel, hindi ba?” he inquired. “Yes, sir. Na-text ko na. On the way na raw. Twenty minutes or less. Should we be on our way, too?” Tiningnan niya ang relo niya. May oras pa para mag-quick break. Gutom na siya. Hindi siya nakapag-breakfast kaninang paggising niya dahil late na siya bumangon. Tapos latte lang ang laman ng sikmura niya. Dinala niya si Sergi sa malapit na karinderia. Magkaharap silang naupo. Um-order ito ng tapsilog, chopsuey, at isang litro ng softdrinks. Siya naman ay natatakam sa T-bone at tocino. Tig-dalawang order sila ng kanin. Nagpangalumbaba si Sergi. Hinuha niya na sa ilang sandali ay may sasabihin ito. Hindi na iba sa kanya ang seryosong mukha nito habang nakapangalumbaba. While she was waiting for him to say something, she stared at his beauty. Matagal na silang magkaibigan at kabisado na niya ito. She stayed through his bad episodes, at ganito rin ito sa kanya. Masasabi niyang sa loob ng dalawampu’t anim na taon, marami na silang napagtagumpayan. Hindi sila lumaki sa isang normal na pamilya. Iyong may nanay at tatay. Si Sergi kasi, parehas na tatay ang meron ito. Siya naman ay tatay lang ang meron. Hindi kasi nakuntento iyong nanay niya sa kanila.  Sa totoo lang, gusto siyang isama ng nanay niya ng umalis ito. Hindi siya sumama rito dahil ayaw niyang iwan nang mag-isa ang tatay niya. Sa batang isipan niya, parang ang unfair ng dating na ang nanay niya ay lilisanin sila para humanap ng mas marangyang buhay. But wait, there’s more. Ilang buwan lang makalipas na iwan sila ng magaling niyang nanay, may inuwi nang bagong babae iyong tatay niya. Nagulat siya noon. Nagalit din. Nang ihayag niya iyong nararamdaman niya nang mga panahong iyon, tinawanan lang siya ng tatay niya at sinabihang maiintindihan niya ito balang-araw. Totoo. Naiintindihan na niya kung bakit umalis ang nanay niya, at kung bakit patuloy sa pag-uwi ang tatay niya ng iba’t ibang babae. Aaminin niya na most of her life, mababa ang tingin niya sa tatay niya. Lalo at ito ang naiwang nakatatanda sa tahanan nila, at ito ang tinitingala niya at nagsilbing role model sa buhay. Nawala ang lahat ng iyon dahil lang sa pagpapapalit-palit nito ng babae.  Sino naman ang hindi magagalit sa inasal at inaasal nito kung kitang-kita ng sarili niyang mga mata ang pagsalit ng mga dinadala nitong babae sa bahay nila. Dumating sa puntong naisip niya na kung ikinaliligaya iyon ng tatay niya at may mutual agreement ito at ang babaeng kasama nito, then she’d just shrug her shoulders. Matatanda na sila. Siguro naman may pinagkatandaan na ang mga ito. At the end of the day, ang tanging gusto niya para sa ama ay ang ikaliligaya nito sa buhay.  Ito namang si Sergio Sanchez, isang bi, isang taong may ginintuang puso, ay mahal na mahal niya bilang isang kaibigan. Kailanman ay hindi ito nagkulang sa kanya. He’s the bigger person here. Malawak ang pang-unawa nito. Sa kanya, sa mga tao, sa mundo. Kumbaga, he’s the most chill in the group of smokers. Wink, wink. She is talking about that type of smoker. Yes, they have vices. Do they abuse it? Absolutely not. A person doesn't just happen to one day abuse a substance and blame the world. It’s a conscious choice. But her father would say, “‘Nak, don’t put it that way. They don’t need to know that you’re pointing your finger at them, too. Always be kind and compassionate.” “About your ukulele...” simula ng kausap niya at agad naiba ang itinatakbo ng isip niya. Tinitigan niya ito. “Don’t say something stupid, please.” “Si Emerald kasi...” Napabuntong-hininga na lang siya nang hindi agad nito sinundan ang sinabi. “How is she? Oo nga pala, may utang sa akin iyon na guacamole.” He held my hand. “Iyong pinakamamahal mong ukulele kasi, Jess. I am so sorry.” Tinabig niya ang kamay nito. “Emerald and I had a fight last night. It got in her way, tinabig niya, and she’s broken. The uke, I mean.” Pagak siyang tumawa. “Iba ka rin, ‘no? May pa-‘she’-‘she’ ka pang nalalaman, wala namang gender iyong uke ko. Hoy,” Lumatay ang lungkot sa mukha niya. “Alam mo namang bigay sa akin iyon ng nanay ko, ‘di ba? Last gift niya bago siya umalis ng Pinas.” Nilayasan niya ito. Kinuha niya sa bag ang bawas na kaha ng sigarilyo. Nagsindi siya at inipit iyon sa pagitan ng kanyang mga labi. Her mother left them because her father was contented with his life, doesn’t have any dreams, he could sit all day in his sofa and be just f*****g contented with his wife and daughter. But her mother desired for more. She wants them to grow together. Ang sa tatay niya naman, nasa kanila na ng nanay niya ang lahat ng kasagutan para sa mga bakit at paano. Kaya nang silang dalawa na lang ng tatay niya ang naiwan, papalit-palit na lang ito ng babae. Nasanay siya. Nagulo iyong konsepto ng pag-ibig para sa kanya. Kapag bumibisita siya sa bahay nina Sergi, naiisip niya kung mag-uwi kaya iyong tatay niya ng lalake, magiging okay na ba ulit ang lahat? Ang saya kasing tingnan ng pamilya ni Sergi. Kaya siguro lagi siyang tambay sa labas ng gate nina Sergi noon, hinihintay itong lumabas ng bahay nito, kahit na ayaw nito sa kanya noong una. Babae raw kasi siya at puro pambabaeng laro lang ang alam niya. Hindi niya ito nilubayan, kasi kapag tinigil niya ang pagbisita sa bahay nito, wala na siyang example ng happy family. Tsaka cute talaga si Sergi noong bata. Gwapo na ito ngayon. Alam mo iyong may ugat-ugat sa braso? Mapa-beki man o babae, laging bukambibig iyong parteng iyon ng katawan nito. May mahabang buhok din itong mistulang nagra-riot. Akala mo laging may pinaglalaban. Pero palaban talaga iyong alun-alon at kulot nitong buhok. Kaya sarap na sarap ang mga bakla nitong exes kapag nagsisiping sila dahil may nasasabunutan daw sila. Pareho silang kayumanggi ni Sergi. Lagi silang mahahanap sa ilalim ng araw. Kaya hindi na nagbago ang kulay nila. Iyong iba kasi dinadaan sa mga whitening soaps kung gusto nilang pumuti. Gumagamit din naman siya kaso suki sila ng beach at farm. In fact, mahal na niya ang kutis niya. Hindi naniniwala ang mga kausap niya kapag sinasabi niyang gumagamit siya ng mga sabong pampaputi dahil na rin sa kulay niya. Isa pa, libre na nga ang dagat. Not all, but some. All she had to do was swim and enjoy it. They say nakakatanda ang araw. Totoo naman. Kaya hindi pwedeng wala siyang dalang sunscreen lalo na at ayaw niyang tumanda agad ang mukha niya. Bunga ng sun damage ay nagkaroon siya ng mga nunal sa mukha na dati namang wala. Ang mga magulang ng current girlfriend ni Sergi na si Emerald, may bukid ang mga ito sa Bicol. Nagmimistulang parasite si Jessie kapag nag-a-out-of-town ang mag-nobyo dahil sumasama siya sa bakasyon nila. Tatlong tag-araw na siyang nakabibisita sa magandang bukirin ng pamilya ni Emerald. Ayos lang naman kay Emerald kung sumasama siya. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang tawagin siya ni Sergi mula sa loob ng karinderia, nakahain na ang pagkain nila. Bumalik ang galit na nararamdaman niya. Ipinitik niya sa ere ang yosi at binalikan ang kaibigan. “Ibinilin ko iyong ukulele ko sa iyo, Serg, kasi ano ba naman iyong pahiramin ka at aalagan mo iyon? Madali lang naman, ‘di ba? Alam mo bang wala akong ibang tinanggap na regalo sa nanay ko?” Sinapo nito ang noo nito. “Oh, so, ano, ayaw mong marinig iyong litanya ko?” tanong niya rito. “Inaano ba si Emerald no’ng uke ko? Teka nga, uulitin ko lang, iyon lang ang katangi-tangi kong regalo mula sa nanay ko. Na once in her life, may sense naman iyong ibinigay niya sa akin. Hindi katulad ng gusto niya akong bilhan ng kung anu-anong anik sa buhay na hindi ko kailangan at higit sa lahat ay manggaling sa kanya. Iyong pagiging musikero namin ni nanay ang nag-iisang bagay na mapapasabi ka na, ‘ah, oo nga, mag-ina nga sila’.” Sumubo siya ng tocino at kanin. Hindi pa man niya iyon nalulunok ay nagsalita na siya ulit. “Alam mo kasi si nanay, maraming datung iyon pero hanggang do’n lang siya. Pera, pera, pera. Kinulang iyon sa pagmamahal. I mean, ewan ko ba sa tatay ko, noong isang araw lang sinabihan ako na nami-miss niya si nanay. Sinabihan ko siyang maghanap na lang ulit ng babae niya.” Napangisi siya. “Sinigawan tuloy ako.” “Kaya ba nagyaya ka ng ice cream noong isang araw?” anito sa mababang tono. Nag-i-stress eating siya ng ice cream kapag masama ang loob niya. Binalingan niya ito. “Sinabi ko bang magsalita ka? Mukha lang akong galit sa nanay ko—” “Hindi ba?” ani Sergi. Hindi ito kumakain. Nakatingin at nakikinig lang ito sa kanya, kahit na nga ba sumasabat. “Galit ako sa kanila. Pero naiintindihan ko sila pareho.” Mabubulunan na yata siya kaya binuksan niya ang softdrinks nila. Naglagay siya sa baso saka iyon ininom. Itinabi niya ang mga kubyertos at pinaglandas ang mga mata sa malayo. “My father couldn’t ask for more, kaya nga he decided to meet her at the altar and settled down with her. That’s cute. My mother had me. Tapos she felt stagnant na. Parang wala na raw room to grow. Tapos pareho pa silang keri lang iyong sweldo.” Hinarap niya ang kaibigan. “Malaman-laman ko noong isang araw, gustong mag-abroad ni nanay noong maliit pa lang ako. Ayaw ng tatay. Gusto ng nanay na mas makapag-provide pa sa amin. Hindi naman na-threaten si tatay. Kaso, takot siyang maagaw si nanay ng ibang lalake.” Nangunot-noo si Sergi. “That’s old news, Jess.” Siya naman ang nangunot-noo, nabigla sa narinig. “What do you mean?” “My parents told me that. Exactly that.” “And you know what my mother told my father while having that argument? He doesn’t deserve her just because she wants what’s best for us.” Sergi held her hand. “Where are we going with this story?” She shook her head. “It’s a gift, Serg. From my mother. From my f*****g mother.” “Jess, I’m sorry. Palitan ko na lang.” “Like what my father’s doing when she left us? Palitan na lang si nanay? Walang mararating iyan. Tingan mo nga iyong erpats ko. Walang nakitang matinong babae. Para sa kanya, it will always be her.” “Let’s just eat, Jess,” wika nito. Kumain na sila. “I’m stressed out. Sorry,” ang sabi niya. “You mean to say, hindi mo alam na iyon ang ugat ng paghihiwalay ng parents mo?” tanong nito. Umiling siya. She's old enough to marry but she haven't heard of that until recently. Her phone rang. Sinagot niya iyon at nilagay sa loud speaker. “Hi, Mel.” walang-ganang bati niya. “Malapit na kami. Saan kayo?” ani Mel. “Kumakain,” sagot ni Sergi. “Hi, guys!” bati ni Dominic sa kabilang linya, ang boyfriend ni Mel. Lalake rin iyang si Mel. “Kumakain pa kami,” sabi niya. “Sungit,” ani Mel. Ito na ang pumutol ng linya. Tumunog ulit ang cell phone niya. “Uy, si baby,” nakangising sabi ni Sergi nang makita ang pangalan ni Ignasi sa screen. Kinuha niya ang phone, sinagot ang tawag, at inipit ito sa pagitan ng kaliwang tainga at balikat niya. “Hey. Miss you,” Pakiramdam niya ay nawala ang pinapasan niya nang magsalita ito. “Kumusta? Dito ka na mag-dinner mamaya, ha. Nagluto ako. Or I’ll pick you up sa location niyo? I missed you, too. Bigtime! Kaya nga pinagluto kita para dito ka na rin matulog. Kasi syempre, magpapababa ka pa ng kinain mo. Hanggang sa aantukin ka na. No choice kundi matulog dito, ‘di ba?” sunod-sunod na sabi nito. Natawa siya. Nakita niyang napangiti rin si Sergi. “Pinag-isipan mo na talaga? Gagi, ubos na iyong pills ko. Bilhan mo nga ako,” sabi niya. Nanlaki ang mga mata ni Sergi at kunwaring nagulat sa narinig. “I’m sure Mel got a box of condoms in his car. He got you covered, Jess.” Inikutan niya ito ng mga mata. “Kulang pa nga sa kanila ang isang box?” “Anong box?” ani Ignasi. “Kasama ko si Sergi," imporma niya. "Kumakain kami. After nito, pupunta na kami sa location namin. Mabilis lang naman kami doon. Huwag mo na akong sunduin. Text na lang kita. Kasama ko iyong mga bakla, eh. Mamaya mag-malling pa kami. Ay, wow, ang daming time. Akala mo wala kaming event na inaasikaso.” Iminuwestra ni Sergi na ibigay ang cell phone dito. Umiling siya. Inilayo niya ang cell phone dito. Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Mayamaya pa ay sumigaw na ito. “Ignasi! Hey, if you could hear me, I want you to know that you should save some of your tinola for Emerald and I, okay?” “Aba’t— Ignasi, babe, what the s**t?” Paano nalaman ni Sergi ang tungkol sa tinola? Hindi niya naman iyon nabanggit kanina. Nagkibit-balikat lang si Sergi nang tapunan niya ito ng nagtatanong na mga mata. “Hey, look, Jess,” said Ignasi. “He called me awhile ago. He said you needed some loving daw, kanino pa ba manggagaling iyon? Besides, we still have something to talk about, right?” Tumango-tango siya na parang kaharap niya lang ang nobyo. “He did that? Ugh, that’s why he’s my friend. And thanks, really, for everything. I’ll be there as soon as I can. I promise. I miss you so, so much.” “I’ll play Bon Iver’s vinyl, okay?” he promised. “The latest album, please,” she added, smiling. “As you wish. I love you.” “Te amo.” she said. When she looked at Sergi, she saw a pair of eyes staring at her intently. Kung hindi niya lang alam na hanggang magkaibigan lang sila, iisipin na niyang may gusto ito sa kanya. Inunahan na siya nitong magsalita. “I’m glad his call made you smile. Look at you, glowing like a motherfucker.” “And what does a motherfucker look like?” Iniharap nito ang front cam nito sa kanya. Tinabig niya iyon. “Ulul.” Nginitian niya ito ng matamis. “How much more if you tasted his tinola,” he said, his eyes glistening. Anak talaga ito ng s****l innuendo. “I know,” sabi na lang niya. “Alam mo, you’re such a sucker of tira-tirang food. Kawawa ka naman, hindi kasi marunong magluto si Emerald, kaya aasa ka na naman sa luto ni Ignasi, my love. Ano? Worth it ba iyong pagbabad mo sa ilalim ng araw for three years sa bukid nila? Ang nakinabang lang naman ay iyong pinagbentahan mo ng mga bulak. Tanawin mong utang na loob na hindi kita nilubayan noong mga bata pa tayo, kasi kung hindi, baka lagi kang gutom sa piling ni Emerald. Imagine, cereals lagi ang breakfast. Egg and hotdog with rice sa lunch. Sa dinner naman, take out sa mga fast food.” Tinatawanan lang siya nito. “Masama loob mo dahil sa nagawa niya sa ukulele mo?” Naibagsak niya ang mga kubyertos sa mesa, tumalbog ang mga kagamitan sa ibabaw ng mesa, naglingunan ang mga tao sa kanila. “Magtutuos pa kami ni Emerald, huwag niya akong daanin sa ganda niya. At ikaw, alam mo kasing never akong magagalit sa iyo, kaya nginingitian mo lang ako.” Naging malamlam ang mga mata nito. “You always bragged your ukulele around. Kahit na nga ba sampung taon na iyon sa iyo, proud na proud ka na galing iyon sa magaling mong nanay. I truly am sorry. Such disappointment. I swear to God, o sa patay na kuko na lang ni Mel sa paa, babawi ako.” Umismid siya. “Babawi ka, at si Emerald. Hindi acceptable na mag-ambagan kayo. FYI, five years and three months pa lang iyong uke sa akin. Argh! Sira na pala siya! Nakakainis kayo! Puro lang kayo ganda!” Napailing-iling si Sergi, may bahid ng kalungkutan ang mga mata nito. Mukhang may dapat silang pag-usapan, tsismosa alert. Napahawak siya sa kamay nito. “Uy,” lambing niya rito. “I love you,” sabi niya. Sabay silang napangiti. “Let’s talk about it later?” dugtong niya. Tumango ito. Tinapos na nila ang pag-kain. Ilang minuto pa ay nasa kalsada na sila para makipagkita kina Mel at Dominic. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
227.7K
bc

Reckless Hearts

read
256.7K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
630.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook