Two

1169 Words
GINAWARAN SI Jessie ng halik ni Mel sa magkabilang pisngi. Dahil insekyora ang baklita sa ganda ni Jessie, nakipag-apir na lang siya kay Dominic. Feelingera ang kaibigan niyang bakla. Pakiramdam nito, lahat ng babaeng lalapit kay Dominic ay aahasin ito para tuluyang iwan si Mel. Ang hindi alam ng nakararami, napaka-clingy ni Dominic kaysa kay Mel. Naging kaibigan lang nila si Mel nang kunin nila itong tagapamahala sa decoration ng event location. Dahil madalas silang may raket, hindi na naiba si Mel sa kanila ni Sergi. Came Dominic, six months na ang dalawa, lagi na itong dinadala ni Mel sa events nila. Second opinion lang naman ang naitutulong ni Dominic sa kanila. Sa malayo, hindi mo iisiping bakla si Mel. Lalakeng-lalake kung pumorma. Ang dami pang tattoo sa katawan, tapos may balbas at bigote pang nalalaman. Nagmukha tuloy siyang sugar daddy nitong si Dominic. Huwag lang talaga itong magkikikilos, tiyak na maraming babae ang magogoyo nito sa panlabas nitong anyo. Dominic, on the other hand, is the type of guy you would want your parents to meet. Super boyfriend material. Parang laging nagtu-toothbrush at naliligo. Ultimo kalyo sa sakong, nilalagyan ng lotion. Talo pa siya, iyong kalyo niya nga sa kamay ay minsan lang makadama ng hand cream. He’s the perfect balance for Mel. Si Mel kasi iyong tipo na mapapasabi ka ng, “a guy walks into a bar, there was silence, then there was sploosh.” Hinila siya ni Mel sa isang tabi. “Girl, sa patio tayo. May ipapakita lang ako.” Umabrisete siya sa braso nito. Tinititigan niya ito habang naglalakad sila. Ang scruffy ng look nito. “Blooming ka. May ganap ka kanina, ‘no?” tanong niya. Nakarating na sila sa patio at bumungad sa kanila ang maluwag na bakuran, tinutumbok nito ang malaking fountain sa gitna. “Dito sana ang first dance ng mag-asawa, ‘no?” anito, hindi pinansin ang sinabi niya. “Masikip,” sabi niya. “Maganda naman sa loob. Buksan na lang iyong mga bintana at sliding doors para open air.” “Pwede silang mag-photoshoot dito pagkagaling sa simbahan. Hindi ba’t may same day edit na ipapakita iyong videographer natin?” tanong nito.  Tumango siya.  “I’m thinking of putting some decorations here, too. Para naman sulit iyong pag-rent natin. ‘Di ba?”  Tumango ulit siya. Hinarap na siya nito. Hinampas niya ito sa balikat. “Mel, you’re blooming. Seriously. What’s up?” Nagniningning na ang mga mata nito. Nagsisimula nang magpumiglas ang bading na katauhan ni Mel. “Jessica!!!” tili nito. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. “He asked me to move in with him!” balita nito. Nakahinga siya ng maluwag. “Akala ko naman kung ano na,” sabi niya. “Kailan ka magmo-move in?” Binitawan nito ang mga kamay niya. “Hindi naman ako um-oo,” anito sabay kibit-balikat. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. “Bakit naman?!” napataas ang boses niya. “Eh, ‘di ba, you like the guy?” mahina nang sabi niya. Iningusan siya nito. “I like him. Period. Ayoko pang mag-move in, eh. May bahay naman na ako. Kung gusto niya, siya ang mag-move in.” Nilayuan niya ito para makita ito ng buo at maayos. “Sinabi mo iyan sa kanya?” Nahihintakutan itong umiling. “Hindi nga ako nag-‘oo’, alukin ko pa kaya siyang tumira sa bahay ko?” Siniko na niya ito. Hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya. “Okay ka lang ba? Bakit ganyan iyang reaksyon mo? May nagbago ba? Dominic’s a great guy. Bulag ka na lang kung—” “Everything’s too fast. Hindi mo ba halata? Kilala na ako ng buong pamilya niya. Noong nag-three months kami no’n, ah. Ngayon, ito. I know, I know. Ang gulo ko. Exciting na malaman na may isang tao na willing akong patuluyin sa bahay niya. But, I don’t know, Jess. Am I afraid of commitment? Am I afraid of Dominic’s disappointment?” “I get what you’re saying, Mel.” Umupo sila. “Hindi ka pa handa na mag-level up iyong relationship niyo. You’re content with what you have right now.” Pinutol ni Mel ang sasabihin niya. “Alam ko naman, Jess. Ibang commitment na kasi ito. Ako pa? Eh, iyong unico hijo ko nga, hindi ko na laging nabibisita.” “Mel?” That was Dominic. Nasa likuran pala nila. “Jess?” May nababanaag siya sa mukha nito. “Pasok na tayo. Hinahanap na kayo ng may-ari at ni Sergi.” Palihim na siniko niya si Mel. Pinapaalis na siya nito. Nagmadali na sila ng lakad hanggang sa makarating sa loob. Tinabihan niya agad si Sergi. Ito naman ang siniko niya. “Serg,” bulong niya. “Bakit ka bumubulong?” ganting bulong nito. Natawa siya. “Tanong ko lang,” ani Jessie sabay turo niya si Mel. “Nasabi na ba niya kay Dominic na may anak siya?” Ang lakas ng buntong-hininga ni Sergi. Pagkatapos ay inilayo nito ang tingin kay Mel, papunta sa kanya. Hindi na ito sumagot. Naintindihan na niya ang gustong ipahiwatig ng mga mata nito. Nasapo niya ang noo niya. Lalo siyang nagsumiksik dito. Tinulak naman siya nito palayo. “Saglit kasi,” bulong ulit niya. Sinundan niya ito nang maglakad ito papunta sa opisina ng may-ari. “Narinig yata ni Dominic iyong pag-uusap namin ni Mel. Siguro doon sa parteng nabanggit niya iyong unico hijo niya.” She chuckled. “Unico hijo, sa ngayon.” “Tapos?” ani Sergi. “I saw the look on his face. Narinig niya iyon. He was shocked and couldn’t believe what he heard. Oh, he asked Mel if he wants to move in with him.” Sergi looked at the troubled couple. “Mel is not the kind of guy you would want to ask to move in with. He’s the type that leaves. He’s the type that you bed with. And he’s the type you don’t make a family with.” She looked at them. “Dominic’s the type you take to your bed, and he would still be there when you wake up. In fact, he won’t ever f*****g leave. I thought Dominic’s the perfect balance for Mel.” Disappointed siya na mabale-wala ang pinaniniwalaan niyang ‘perfect couple’. Inakbayan siya ni Sergi. “Hey, Jess, I know you look up to them. Akala ko rin, eh. Kailangan lang ni Mel ng oras. Let’s see if Dominic sticks around a bit longer.” Bumuntong-hininga siya. “I want him to stick around. Wala na akong pagpapagawaan ng customized shirts.” Binatukan siya nito. Tinunton na nila ang may-ari ng location. Naupo na sila. Nagsimula na sila kahit wala si Mel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD